Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Metal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang mainit na metal ginawa ng isang panday.

Sa kimika, isang metal (Griyego: Metallon) ang isang elemento na madaliang bumuo ng mga iono (mga cation) at mayroong mga kawing metaliko. Isinasalarawan minsan ang mga metal bilang isang lattice ng mga positibong iono (mga cation) na napapaligiran ng isang ulap ng dekoloniksadong mga elektron. Ang mga metal ang isa sa mga tatlong pangkat na mga elemento na tinutukoy sa pamamagitan ng kanilang ionisasyon at mga katangian ng pagkawi, kasama ang mga metaloyde at hindi metal. Sa talaang peryodiko, isang pahalang na guhit ang ginuguhit mula sa boro (B) hanggang polonyo (Po) na hinihiwalay ang mga metal sa mga hindi metal. Mga metalloyde ang mga elemento sa guhit na ito, minsang tinatawag na mga semi-metal (o medyo metal); metal ang mga nasa babang kaliwa; hindi metal ang nasa taas na kanan.

Ang pag-aaral ng mga metal ay tinatawag na metalurhiya.

Ang ilang mga elementong kemikal ay tinatawag na mga metal. Karamihan sa mga elemento sa talahanayang periyodiko ay mga metal. Ang mga elementong ito ay karaniwang may mga sumusunod na katangian:

  1. Maaari silang magdala ng kuryente at init.[1][2]
  2. Madali silang mahubog.
  3. Mayroon silang makintab na anyo.
  4. Mayroon silang mataas na punto ng pagkatunaw.

Solido ang karamihan sa mga metal sa temperatura ng silid, subalit hindi kinakailangang ganito ito. Likido ang merkuryo. Ang mga haluang metal ay mga halo, kung saan metal ang hindi bababa sa isang parte ng halo. Ang mga halimbawa ng mga metal ay aluminyo, tanso, bakal, lata, ginto, tingga, pilak, titaniyo, uraniyo, at zinc. Kabilang sa mga kilalang haluang metal ang bronse at bakal.

Karamihan sa mga metal na elemental ay may mas mataas na densidad kaysa karamihan ng mga di-metal,[3]

Gamit ng mga metal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang tulay sa Rusya na gawa sa bakal

Ang mga metal ay lubhang kapaki-pakinabang sa mga tao. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng mga kasangkapan dahil maaari itong maging malakas at madaling hubugin. Ang bakal (steel) at yero (iron o "bakal" din ang tawag) ginamit sa paggawa ng mga tulay, gusali, o barko.

Ang ilang mga metal ay ginagamit upang gumawa ng mga bagay tulad ng mga barya[4] dahil matigas ang mga ito at hindi mabilis masira. Halimbawa dito ang tanso (na makintab at pula ang kulay), aluminyo (na makintab at puti), ginto (na dilaw at makintab), at pilak at nikel (na puti at makintab din).

Ang ilang mga metal, tulad ng bakal, ay maaaring gawing matalas at manatiling matalas, upang magamit ang mga ito sa paggawa ng mga kutsilyo, palakol o pang-ahit.

Mataas ang halaga ng mga bihirang metal, tulad ng ginto, pilak at platino na kadalasang ginagamit sa paggawa ng alahas. Ginagamit din ang mga metal sa paggawa ng mga pangkabit at turnilyo. Maaring gawin ang mga kaldero na ginagamit sa pagluluto mula sa tanso, aluminyo, bakal o yero. Napakabigat at makapal ang tingga at maaaring gamitin bilang balasto o pampapatatag sa mga bangka upang pigilan ang mga ito sa pagtalikod, o upang protektahan ang mga tao mula sa radyasyong nag-a-iono.

Mga haluang metal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Maraming mga bagay na gawa sa mga metal ay maaaring, sa katunayan, gawa sa mga halong hindi bababa sa isang metal sa alinman sa iba pang mga metal, o sa mga hindi metal. Ang mga pinaghalong ito ay tinatawag na mga haluang metal. Ang ilang mga karaniwang haluang metal ay:

Ang mga tao ay unang nagsimulang gumawa ng mga bagay mula sa metal mahigit 9,000 taon na ang nakalilipas, nang matuklasan nila kung paano kumuha ng tanso mula sa ore o inang-bato nito. Pagkatapos, natutunan nila kung paano gumawa ng mas matigas na haluang metal at bronse, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng lata sa tanso (copper). Mga 3000 taon na ang nakalilipas, natuklasan nila ang bakal (iron). Sa pamamagitan ng pagdaragdag ng maliit na halaga ng karbon sa bakal, nalaman nila na maaari silang gumawa ng isang partikular na kapaki-pakinabang na haluang metal - na bakal din tawag (steel sa Ingles).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Yonezawa, F. (2017). Physics of Metal-Nonmetal Transitions (sa wikang Ingles). Amsterdam: IOS Press. p. 257. ISBN 978-1-61499-786-3. Sir Nevill Mott (1905–1996) wrote a letter to a fellow physicist, Prof. Peter P. Edwards, in which he notes... I've thought a lot about 'What is a metal?' and I think one can only answer the question at T = 0 (the absolute zero of temperature). There a metal conducts and a nonmetal doesn't.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Metals, Non Metals (2021-09-24). "Metals and Non Metals" (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-01-08. Nakuha noong 2021-12-06.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Mortimer, Charles E. (1975). Chemistry: A Conceptual Approach (sa wikang Ingles) (ika-3 (na) edisyon). New York: D. Van Nostrad Company.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Roe, J.; Roe, M. (1992). "World's coinage uses 24 chemical elements". World Coinage News (sa wikang Ingles). 19 (4, 5): 24–25, 18–19.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)