Mazurek Dąbrowskiego
Ang Mazurek Dąbrowskiego ("Masurka ni Dąbrowski"), kilala rin sa orihinal na pamagat nito na Pieśń Legionów Polskich we Włoszech ("Awit ng mga Lehiyong Polako sa Italya"), o sa unang linya nito na Jeszcze Polska nie zginęła ("Hindi pa nawawala ang Polonya"), ay ang pambansang awit ng Polonya.
Isinulat ang titik ng Mazurek Dąbrowskiego noong panahon ng 16 Hunyo 1797 sa lungsod ng Reggio nell'Emilia, na kasalukuyang nasa Italya, ni Józef Wybicki, isang heneral at makata, dalawang taon nang lumipas ang ikatlong paghahati-hati ng Polonya noong 1795 sa pagitan ng Prusya, Awstriya-Unggarya at ang Imperyong Ruso, kung saan nawala sa mapa ang Polonya. Orihinal na ginamit ang awit bilang isang pampalakas-loob ng mga sundalong lumalaban sa ilalim ni Heneral Jan Henryk Dąbrowski sa Lehiyong Polako, na bahagi ng Hukbong Mapanghimagsik ng Pransiya ni Heneral Napoléon Bonaparte sa kaniyang paglupig ng Italya. Naging kilala ang awit sa Polonya, kung saan inilalahad ng titik nito na kahit nawala ang kalayaan ng Polonya, umiiral pa rin ito sapagka't buhay pa rin ang mga Polako at lumalaban sila sa ngalan nito.
Nagsilbing inspirasyon ang awit sa halos isa't kalahating siglong pagsakop ng Polonya: ito ang naging batayan ng Hej, Sloveni ("Hoy, mga Eslabo"), isang awit na sumusulong ng pan-Eslabismo na nagsilbi rin bilang dating pambansang awit ng Yugoslabya. Noong naging malaya muli ang Polonya makatapos ang Unang Digmaang Pandaigdig, naging 'di-opisyal na pambansang awit ng bansa ito, at itinakda ito bilang opisyal na pambansang awit ng Republika ng Polonya noong 1926.
Titik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Orihinal na isinulat ni Józef Wybicki ang Mazurek Dąbrowskiego na may anim na taludtod, na sinusundan ng isang koro pagkatapos ng bawa't taludtod maliban sa huli. Gayunpaman, hindi ito ang kasalukuyang inaawit sa Polonya: batay ang kasalukuyang bersiyon sa isang bersiyon ng titik na unang lumantad noong 1806. Magkaiba ito sa orihinal na titik ni Wybicki sapagka't binawasan ito ng dalawang taludtod, at ibinaligtad ang dalawang pagitang taludtod ng titik.
Umaayon ang titik ng awit sa tugmaang ABAB.
Kasalukuyang bersiyon[1] Jeszcze Polska nie zginęła,
Przejdziem Wisłę, przejdziem Wartę,
Jak Czarniecki do Poznania
Już tam ojciec do swej Basi
|
Salin sa Tagalog Hindi pa nawawala ang Polonya,
Tatawirin natin ang Bistula at ang Barta,
Tulad ni Czarniecki pa-Posnania
Isang amang lumuluha,
|
Orihinal na titik[2]
Jak Czarniecki do Poznania
Przejdziem Wisłę, przejdziem Wartę
Niemiec, Moskal nie osiędzie,
Już tam ojciec do swej Basi
Na to wszystkich jedne głosy |
Salin ng orihinal sa Ingles Poland has not yet died,
Like Czarniecki to Poznań
We'll cross the Vistula and the Warta,
The German nor the Muscovite will settle
A father, in tears,
All exclaim in unison, |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Ustawa z dnia 31 stycznia 1980 r. o godle, barwach i hymnie Rzeczypospolitej Polskiej oraz o pieczęciach państwowych – Dziennik Ustaw z 2005 r. Nr 235, poz. 2000". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-01. Nakuha noong 2012-09-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Russocki, Kuczyński, Willaume (1978)
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Polonya
- Hej, Sloveni (Hoy, mga Eslabo)