Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Linyang Kesennuma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Linyang Kesennuma
Daanan ng tren papuntang hilaga at timog sa Estasyon ng Motoyoshi, Abril 2005
Buod
UriMabigat na daangbakal
LokasyonPrepektura ng Miyagi
HanggananMaeyachi
Kesennuma
(Mga) Estasyon23
Operasyon
(Mga) NagpapatakboJR East
Teknikal
Haba ng linya72.8 km (45.2 mi)
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)
Bilis ng pagpapaandar85 km/h (55 mph)*
Mapa ng ruta

Ang Linyang Kesennuma (気仙沼線, Kesennuma-sen) ay isang lokal na linyang daangbakal sa Hapon, na pinapatakbo ng East Japan Railway Company (JR East). Tumatakbo ito mula Estasyon ng Maeyachi sa Ishinomaki, Miyagi hanggang sa Estasyon ng Kesennuma sa Kesennuma, Miyagi. Pinaguugnay nito ang hilaga silangang baybayin ng Prepektura ng Miyagi, kasama ring magagamit ang Linyang Ishinomaki (at ang Pangunahing Linya ng Tohoku ilang hinto lamang) para sa paglipat sa timog, at ang Linyang Ōfunato sa hilaga.

Nasira ang malaking bahagi ng imprastruktura ng daangbakal sa pagitan ng Estasyon ng Minami-Kesennuma at Estasyon ng Rikuzen-Togura, kasama ang mga trakto, estasyon, at mga tulay pangdaangbakal, ng dumating ang lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011. Kasama sa mga nasirang estasyon ang Minami-Kesennuma (hindi kasama ng plataporma)[1] at ang Estasyon ng Shizugawa, kasama na rin ang iba pa. Bilang resulta ng malakihang sira sa linya at hinahadlangan pa ng mahal na proyektong pangrestorasyon ng daangbakal, opisyal na pinanukala ng ang isang ruta ng bus rapid transit (BRT) noong Disyembre 27, 2011.[2]

Kahit na ang dulong timog ng Linyang Kesennuma ay ang Maeyachi, ang gumaganang dulong timog ay ang Estasyon ng Kogota sa Misato, gaya ng karamihan sa mga tren ng Linya ng Kesennuma ay kinokonsedera ang Kogota bilang kanilang dulong timog o lumalagpas pa papuntang Sendai. Humihinto ang mga tren na lumalagpas sa Kami-Wakuya (mga lokal lamang) at Estasyon ng Wakuya sa Wakuya, Miyagi sa Linya ng Ishinomaki.

May kulay gray ang mga estasyong sinara simula nang salantain ng lindol at tsunami sa Tōhoku noong 2011, at ginagamit bilang mga himpilan ng bus para sa ruta ng JR East BRT.

Estasyon Wikang Hapon Layo
Layo mula Maeyachi Motoyoshi-Kesennuma
Lokal
Paglipat Lokasyon
Maeyachi 前谷地 - 0.0 Linyang Ishinomaki Ishinomaki, Miyagi
Wabuchi 和渕 3.2 3.2
Nonodake のの岳 3.0 6.2 Wakuya, Miyagi
Rikuzen-Toyosato 陸前豊里 4.1 10.3 Tome, Miyagi
Mitakedō 御岳堂 3.3 13.6
Yanaizu 柳津 3.9 17.5
Rikuzen-Yokoyama 陸前横山 4.8 22.3
Rikuzen-Togura 陸前戸倉 7.2 29.5 Minamisanriku, Miyagi
Shizugawa 志津川 4.2 33.7
Bayside Arena ベイサイドアリーナ 2.4 36.1
Shizuhama 清水浜 4.5 38.2
Utatsu 歌津 4.1 42.3
Rikuzen-Minato 陸前港 2.6 44.9
Kurauchi 蔵内 1.8 46.7 Kesennuma, Miyagi
Rikuzen-Koizumi 陸前小泉 2.0 48.7
Motoyoshi 本吉 2.8 51.5
Koganezawa 小金沢 3.1 54.6
Ōya-Kaigan 大谷海岸 3.7 58.3
Rikuzen-Hashikami 陸前階上 3.3 61.6
Saichi 最知 1.7 63.3
Matsuiwa 松岩 2.3 65.6
Minami-Kesennuma 南気仙沼 2.7 68.3
Fudōnosawa 不動の沢 1.3 69.6
Kesennuma 気仙沼 3.2 72.8 Linyang Ōfunato
  • Abril 11, 1956: Nagsisimula ang Linyang Ōfunato bilang isang kargada sa pagitan ng mga istasyon ng Kesennuma at Kesennuma-Minato
  • Pebrero 11, 1957: Ang Linya ng Kesennuma ay nagpapatakbo bilang isang linya ng pasahero sa pagitan ng mga istasyon ng Minami-Kesennuma at Motoyoshi. Ang Ōfunato Freight Line ay pinagsama sa Linya ng Kesennuma. Ang Kesennuma sa Minami-Kesennuma ay bukas sa publiko. Minami-Kesennuma, Matsuiwa, Rikuzen-Hashikami, Ōya, Oganezawa, mga istasyon ng Motoyoshi ay nagsisimulang operasyon
  • Nobyembre 10, 1960: Nagsisimula ang operasyon ng istasyon ng Fudōnosawa
  • Hulyo 20, 1967: Nagsisimula ang operasyon ng istasyon ng Saichi
  • Oktubre 24, 1968: Ang linya ng Yanaizu ay nagsisimula sa operasyon sa pagitan ng mga istasyon ng Maeyachi at Yanaizu. Ang Wabuchi, Nonodake, Rikuzen-Toyosato, Mitakedō, at mga istasyon ng Yanaizu ay nagsisimulang operasyon
  • Disyembre 11, 1977: Ang Linyang Kesennuma sa mga istasyon ng Motoyoshi at Yanaizu. Nagsisimula ang operasyon ng Rikuzen-Yokoyama, Rikuzen-Togura, Shizugawa, Shizuhama, Utatsu, Rikuzen-Minato, Kurauchi at Rikuzen-Koizumi. Ang linya ng kargamento sa pagitan ng Motoyoshi at Minami-Kesennuma ay inalis. Ang Kesennuma Line ay sumasama sa Yanaizu Line at tumatakbo mula sa Maeyachi hanggang Kesennuma. Ang kargamento linya ay tumatakbo mula sa Minami-Kesennuma sa Kesennuma-Minato.
  • Nobyembre 1, 1979: Ang nalalabing linya ng kargamento ay buwag at ang istasyon ng Kesennuma-Minato ay tumigil sa pagpapatakbo.
  • Abril 1, 1987: Ang Linyang Kesennuma ay nagiging bahagi ng JR East.
  • Marso 22, 1997: Ang estasyon ng Ōya ay pinalitan ng pangalan ng estasyon ng Ōya-Kaigan
  • Marso 11, 2011: Sinara ang linya ng pagsunod sa mga pangunahing pinsala noong 2011 na lindol at tsunami ng Tōhoku.
  • Abril 29, 2011: Ang serbisyo ng tren ay naibalik sa Maeyachi - Yanaizu segment.
  • Mayo 7, 2012: Ang lokal na awtoridad ay sumasang-ayon sa serbisyo ng BRT sa Kesennuma.
  • Agosto 20, 2012: BRT roadway na nakumpleto sa pagitan ng Rikuzen-Hashikami at Saichi.
  • Disyembre 22, 2012: Ang serbisyo ng BRT ay nagsisimula sa pagitan ng Yanaizu at Kesennuma.
  1. Akiyama, Hironari; Ishibashi, Takeharu (13 Marso 2011). "Kesennuma described as 'hellish sight'". Yomiuri Shimbun. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Marso 2011. Nakuha noong 16 Marso 2011.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://archive.today/20120719115009/www.asahi.com/travel/rail/news/TKY201112270516.html

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]