Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Libra (astrolohiya)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Libra at the Wisconsin State Capitol.

Ang Libra () ay ikapitong simbolong pang-astrolohiya ng Sodyak, ito ay naiimpluwensiyahan ng buntalang Venus. Ang buntala ng kagandahan at pagiging magiliw.

Libra ang signos ng mga indibidwal na pinanganak kapag ang Araw ay nasa simbolong. Nagsisimula ang Libra sa pagpasok ng araw sa panahon ng taglagas o mga bandang 22 Setyembre hanggang 24 Oktubre 24. Ngayong taong 2013, pumasok ang araw sa Signos ng Libra bandang 4:44 ng umaga (oras sa Pilipinas) noong 23 Setyembre.[1]

Ang Libra ay kilala rin sa tawag na "Ang Timbangan." Ang Libra ay natatanging simbolo sa Sodyak o o yung Nilalakaran araw na kumakatawan sa isang bagay sa halip na isang hayop o isang tao.

Mga katangian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gusto parati ng mga Libra ang maraming kasama, ayaw nila ng nag-iisahan. Kung kaya't napakahalaga sa kanila ng kasal. Ito din ang dahilan kung saan humahanap sila ng mga trabaho na may kaakibat o kasosyo, o trabahong mga may mga kasama, lalo na yung mga samahan. Magagaling na mga taga-payo at mga huwes ang mga Libra dahil nakikita nila ang dalawang panig ng mga usapin. Yun nga lang dahil nakikita nila ang mga magkabilang panig, natatagalan silang magdesisyon kung alin ang ba ang nararapat, kahit na maliit lang naman ang mga bagay na ito. Pinag-iisapan talaga muna nila ng maiigi bago magdesisyon. Halimbawa, kung may pagpipilian, oras ang bibilinganin para makapamili ang Libra kung blusa ba o terno ang susuutin niya.

Hindi tamad ang mga Libra. Masipag magtrabaho ang mga ito, at inaasahan din nila na yung mga kasama nila, o mga kasosyo ay ganun ding sipag ang ipapakita o iaambag sa trabaho. Sobrang pantay ang pagtingin ng mga Libra sa lahat. Ayaw na ayaw niya na may mga nakakalamang na isa kumpara sa lahat. Hindi sila madaling magalit, pero nagalit naman ay bagyo. Ganunpaman, mabilis humupa ang kanilang mga galit, at hindi sila nagkikimkim ng sama ng loob. Dahil mabigat at nakakapagdulot ng sakit ang mga masasamang saloobin kontra kapwa para sa mga Libra.

Romantiko, palaasa, pabago-bago ang isip, nakikipagtulungan, magiliw, marangya at medyo at may pagkamateryalistik ang mga Libra.

Ang mga interes nila ay pagsososyo, katarungan, kapayapaan, samahan, kagandahan, at mga gawaing panlipunan.

Kung ang Libra ay nasa cusp (bakuran) ng isang Bahay ng sodyak, o kung alin mang buntala ang nasa Libra, ang suliranin ng buntalang iyon o ng Bahay na iyon ay naiimpluwensiyahan ng samahan, pagiging pantay, pagiging sobrang romantiko, at kagandahan .[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. [1] Ang Solar Ingress na ito ay na galing sa astrodienst ay nakabase sa Universal Mean Time. Pumasok ang Araw sa Libra noong 22 Setyembre 2013 sa oras 20:44 UMT
  2. Hewitt, William, Astrology for Beginners, 2002, B. Jain Publishers, New Delhi, pp.288, ISBN 81-7021-1180-1