Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lex Luthor

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lex Luthor
Si Lex Luthor
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasAction Comics Blg. 23 (Abril 1940)
TagapaglikhaJerry Siegel
Joe Shuster
Impormasyon sa loob ng kwento
Buong pangalanAlexander Joseph Luthor
Kasaping pangkatInjustice League
Injustice Gang
Legion of Doom
Justice League
Secret Six
Intergang
Secret Society
LexCorp
Lexmark
Kilalang alyasMockingbird, Kryptonite Man, Atom Man, Apex Lex
Kakayahan
  • Henyong-antas ng katalinuhan
  • Punong-utak na kriminal
  • Ekspertong inhinyero na may hindi karaniwang galing sa teknolohiya
  • Sa pamamagitan ng mataas na teknolohiyang kasuotang pandigma:
    • Higit-sa-taong lakas, bilis, at tibay
    • Prodyeksyon ng lakas
    • Pananggalang puwersa (force field)
    • Paglipad
    • Dekalibreng armas (kadalasang sinasama ang kryptonite)

Si Alexander Joseph Luthor ( /ˈlθɔːr/ o /ˈlθər/) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa Amerikanong komiks na nilalathala ng DC Comics. Nilikha ang karakter nina Jerry Siegel at Joe Shuster. Orihinal na lumabas si Lex Luthor sa Action Comics Blg. 23 (pinetsahan ang pabalat: Abril 1940).1 Kilala siya bilang ang mortal na kaaway ni Superman.[1]

Orihinal na baliw na siyentipiko si Lex Luthor, ngunit simula noong huling bahagi ng dekada 1980, kadalasan siyang isinasalarawan bilang makapangyarihang-baliw na napakayamang negosyante, ang Punong Ehekutibong Opisyal ng LexCorp. Nais niyang mawala sa mundo si Superman, dahil para baga'y isang banta si Superman sa sangkatauhan, ngunit sa katotohanan naiinggit siya sa popularidad at impluwensiya ni Superman.[2] Bagaman dahil prominente siyang supervillain, madalas siyang nagkakaroon ng hidwaan kay Batman at ibang mga superhero sa DC Universe.[3] Isang ordinaryong tao lamang si Lex Luthor at walang likas na higit-sa-taong lakas subalit paminsan-minsan niyang sinusuot ang kanyang Warsuit, isang kasuotan ng demakinang baluti na nagbibigay sa kanya ng pinabuting lakas, paglipad, dekalibreng sandata, at iba pang kakayahan.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Lex Luthor". dccomics.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Marso 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Lex Luthor". dccomics.com. Nakuha noong 27 Hunyo 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Siegel, Jerry (w), Sikela, John (a), Ellsworth, Whitney (ed). "The Skeletons in Armor" Action Comics 47: 1 (Abril 1942), DC Comics
  4. Sanderson, Peter (Pebrero 24, 2007). "Comics in Context #166: Megahero Vs. Megavillain". QuickStopEntertainment.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Pebrero 1, 2008. Nakuha noong 13 Pebrero 2008.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)