Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Lobo (DC Comics)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lobo
Impormasyon ng paglalathala
TagapaglathalaDC Comics
Unang paglabasOmega Men #3 (Hunyo 1983)
TagapaglikhaRoger Slifer
Keith Giffen
Impormasyon sa loob ng kwento
Lugar ng pinagmulanCzarnia
Kasaping pangkatJustice League
L.E.G.I.O.N.
Young Justice
Church of the Triple-Fish God
R.E.B.E.L.S.
Suicide Squad
Kilalang alyasThe Main Man, The 'Bo, Master Frag, The Last Czarnian, Mister Machete, Scourge o' the Cosmos, The Ultimate Bastich, Machete Man, El Cazadores, The Lord of Death
Kakayahan
  • Higit-sa-taong pandama, lakas, bilis, tibay at iba't ibang durabilidad
  • Muling pagbabalik ng anyo o regeneration
  • Imortalidad
  • Talinong nasa henyong antas
  • Cloning (dati)
  • Makapangyarihang pulang singsing

Si Lobo ay isang kathang-isip na kosmikong anti-superhero at bounty hunter na lumalabas sa komiks na nilathala ng DC Comics. Nilikha ang karakter na Lobo nina Roger Slifer at Keith Giffen, at unang lumabas sa Omega Men #3 (Hunyo 1983). Isang nilalang na ekstraterestriyal o alien na ipinanganak sa utopikong planeta na Czarnia, at nagtratrabaho bilang isang interestelar na mersinaryo at bounty hunter.[1]

Unang ipinakilala si Lobo bilang isang matibay na kontrabida, ngunit sa kalaunan, hindi na ginamit ng mga manunulat. Nanatili siyang nakasuspinde hanggang siya'y muling binalik bilang isang anti-hero na tagapagmaneho ng motor kasama ang kanyang sariling komiks noong unang bahagi ng dekada 1990. Sinubok ng mga manunulat na gamitin si Lobo bilang isang parodiya ng mga nauusong "malupit at magaspang" na mga kuwentong superhero noong dekada 1990, na sinimulan ng mga karakter ng Marvel Comics tulad nina Cable, Wolverine, at Punisher, subalit sa halip ay masigasig na tinanggap siya ng mga tagahanga ng mga nauusong "malupit at magaspang" na istorya.[2] Naidulot ng kasikatan na ito ang pagkakaroon ng mas mataas na tanaw sa karakter sa mga kuwento sa DC Comics simula noon, gayon din ang pangunahing pagganap sa iba't ibang serye sa mga sumunod na mga dekada.

Unang lumabas ang karakter ni Lobo sa live-action noong 2019 sa isang kabanata ng ikalawang season ng seryeng pantelebisyon na Krypton, na ginampanan ni Emmett J. Scanlan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Greenberger, Robert; Pasko, Martin (2010). The Essential Superman Encyclopedia (sa wikang Ingles). Del Rey. pp. 213-214. ISBN 978-0-345-50108-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Markstein, Don. "Lobo (1983)". Don Markstein's Toonopedia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Abril 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)