Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ortodontiks

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ortodontiks (Zambia)

Ang Ortodontiks, Ortodontiya, o Ortodontura (Ingles: orthodontics, orthodontia, o orthodonture, mula sa Griyegong orthos "tuwid o angkop o perpekto"; at odous "ngipin") ay ang unang espesyalidad ng dentistriya na nakatuon sa pag-aaral at paggamot ng mga maloklusyon (hindi tamang mga pagkagat), na maaaring sanhi ng iregularidad ng ngipin, disproporsyonado o hindi pantay na ugnayan ng panga, o pareho. Karaniwang tumutuloy ng tatlong taong karagdagang pag-aaral ang mga dentistang nais maging ortodontista.[1]

Ang paglulunas na ortodontiko ay maaaring tumuon lamang sa hindi tamang lugar ng mga ngipin, o maaaring tumuon sa kontrol at modipikasyon ng pagunlad ng mukha. Sa huling kaso, mas mabuting bigyang kahulugan ito bilang dentofacial orthopedics o "ortopediks na pangngipin at pangmukha". Ang panggagamot na ortodontiko ay maaaring isagawa para sa dalisay na mga dahilang estetiko na may kaugnayan sa pagpapainam ng pangkalahatan anyo ng mga ngipin ng pasyente. Subalit, may mga ortodontista na nagsasagawa ng pag-aayos ng buong mukha sa halip na nakatuon lang sa mga ngipin.

Karaniwang nagsasanay ng pribado (private practice) ang mga ortodontista.[2] Nagtutulong din ang mga dentista and ortodontista sa pangkalahatang pagsasaayos ng kalusugang oral.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "What is an Orthodontist?" Orthodontics Australia. Hinango noong 19 Nobyembre 2018.
  2. "Improving Your Orthodontic Practice." Healthy Living: Food Nutrition, Lifestyle and Health. Hinango noong 20 Nobyembre 2018.