Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Onium

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang onium (plural: onia) ang nakabigkis na estado ng isang partikulo at ng antipartikulo nito. Ang mga ito ay karaniwang pinapangalanan sa pamamagitan ng pagdaragdaga ng hulapi na -onium sa pangalan ng bumubuong partikulo. Gayunpaman, sa kabila ng pangalan nito, ang Muonium ay hindi isang muon-antimuon na onium dahil itinakda ng IUPAC ang pangalan sa sistema ng antimuon na nakabigkis sa isang elektron. Ang muon-antimuon na onium ay pinangalanang muononium.

Mga halimbawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Positronium ay isang onium na binubuo ng isang elektron at isang positron na magkasamang nagkabigkis bilang isang mahabang buhay na metastable na estado. Ang positronium ay pinag-aralan simula 1950 upang maunawaan ang mga nakabigkis na estado sa teoriyang quantum field. Ang isang kamakailang pag-unlad na tinatawag na hindi relatibistikong elektrodinamikang quantum ay gumagamit ng sistemang ito bilang salitang nagpapatunay. Ang pionium na isang nakabigkis na estado ng dalawang magkabaliktad na may kargang mga pion ay interesante sa paggagalugad ng interaksiyong malakas. Ito ay dapat totoo rin sa protonium. Ang totoong mga analogo ng positronium sa teoriya ng mga interaksiyong malaks gayunpaman ay hindi mga eksotikong atomo gaya ng charm quark o ilalim na quark at ng antiquark nito. Ang mga ibabaw na quark ay labis na mabigat na ang mga ito ay nabubulok sa pamamagitan ng interaksiyong mahina bago ang mga ito ay bumuo ng mga nakabigkis na estado. Ang eksplorasyon ng mga estadong ito sa pamamagitan ng mga hindi relatibistikong kromodinamikang quantum at lattice QCD ay tumataas na mahalagang mga pagsubok ng kromodinamikang quantum. Ang pagkakaunawa ng mga nakabigkis na estado ng mga hadron gaya ng pionium at protonium ay mahalaga rin upang malinawan ang mga nosyong nauugnay sa eksotikong hadron gaya ng mga mesonikong molekula at mga estadong pentaquark.