Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

John Tenniel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sir John Tenniel
Larawan ni John Tenniel na siya rin mismo ang gumuhit, ca. 1889
NasyonalidadIngles
Kilala saPanitikang pambata

Si Sir John Tenniel (ipinanganak noong 28 Pebrero 1820 sa Bayswater, London – namatay noong 25 Pebrero 1914) ay isang Britanikong ilustrador (mangguguhit), humoristang grapiko, at kartunistang pampolitika na ang mga akdang-guhit ay naging tanyag noong panahon ng ikalawang hati ng ika-19 daantaon sa Inglatera. Itinuturing si Tenniel bilang mahalaga sa pag-aaral ng mga kasaysayan ng lipunan, panitikan, at sining ng kapanahunang iyon. Ginawa siyang isang kabalyero ni Reyna Victoria noong 1893 dahil sa kaniyang mga nagawang pangsining.

Pinaka kinikilala si Tenniel dahil sa dalawang pangunahing mga gawain: siya ang pangunahing kartunistang pampolitika para sa magasing Punch ng Inglatera sa loob ng mahigit sa 50 mga taon; at siya ang artista ng sining sa pagguhit na gumuhit ng mga larawan para sa mga aklat na pinamagatang Alice’s Adventures in Wonderland at sa Through the Looking-Glass na kapwa mga isinulat ni Lewis Carroll.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Firth, Lesley (Patnugot Panlahat) atbp. (1985). "Tenniel". Who Were They? The Simon & Schuster Color Illustrated Question & Answer Book. Little Simon Book, Simon & Schuster, Inc., Lungsod ng Bagong York, ISBN 0671604767.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 81.


TalambuhaySiningUnited Kingdom Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Sining at United Kingdom ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.