Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Imam

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga Mughal na Imam na nagdidiskurso

Ang Imam ( /ɪˈmɑːm/; Arabe: إمامimām; maramihan: أئمة aʼimmah) ay isang Islamikong posisyong pamumuno.

Karaniwan itong ginagamit bilang isang titulo ng isang pinuno sa pagsamba sa isang mosque at pamayanang Muslim sa mga Sunismo. Sa ganitong konteksto, maaring manguna ang mga imam sa pagsambang Islamiko, nagsisilbi bilang mga pinuno ng pamayanan, at nagbibigay ng gabay panrelihiyon. Sa Yemen, ibinibigay dati ang titulo sa hari ng bansa.

Para sa Shiismo, pinuno ang mga Imam ng mga pamayanang Islamiko ummah pagkatapos ng Propeta. Nailalapat lamang ang katawagan sa mga kasapi ng Ahl al-Bayt, ang pamilya ng Islamikong Propeta Muhammad, itinalaga bilang ang mga hindi nagkakamali.[1]

Mga imam ng Sunni

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang sangay na Sunni ng Islam ay walang imam sa kaparehong kahulugan sa mga Shi'a, isang mahalagang pagkakaiba na kadalasang hindi napapansin sa labas ng relihiyong Islamiko. Sa pang-araw-araw na katawagan, ang imam ay ang namumuno sa is pormal na panalanging Islamiko (Fard), kahit sa mga lokasyon sa tabi ng mosque, kapag ginagawa ang mga panalangin sa isang pangkat ng dalawa o higit pa na pinamumunuan ng isang tao (imam) at sinusundan ng iba sa pamamagitan ng pagkopya ng mga aksyon sa pagsamba. Binibigay ang sermon kadalasan sa isang hinirang na imam. Lahat ng mosque ay may isang imam na namumuno sa (kongregasyunal na) panalangin, kahit na kasapi lamang ito mula sa tinipong kongregrasyon sa halip na isang opisyal na hinirang na suwelduhang indibiduwal. Kontrobersyal ang posisyon ng mga kababaihan bilang mga imam. Kailangan ang indibiduwal na pinili, sang-ayon sa Hadith, na maalam sa Quran at Sunnah (propetikong tradisyon) at may mabuting asal.

Ginagamit din ang katawagan para sa isang kinikilalang relihiyosong iskolar o awtoridad sa Islam, kadalasan para sa nagtatag na mga iskolar ng apat na Sunni na madhhab, o paaralan ng hurisprudensya (fiqh). Maaring tumutukoy din ito sa mga iskolar na Muslim na nilikha ang analitikal na mga agham na may kaugnayan sa Hadith o maaring tumukoy ito sa mga pinuno ng pamilya ni Muhammad sa kanilang henerasyunal na panahon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Corbin 1993, p. 30
  2. Dhami, Sangeeta; Sheikh, Aziz (Nobyembre 2000). "The Muslim family". Western Journal of Medicine. 173 (5): 352–356. doi:10.1136/ewjm.173.5.352. ISSN 0093-0415. PMC 1071164. PMID 11069879.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)