Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Haligi ni Trajano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Haligi ni Trajano
LokasyonForo ni Trajano
Itinayo noongAD 107~113
Itinayo ni/para kayEmperador Trajano
Uri ng estrukturaRomanong haligi ng tagumpay
NauugnayForo ni Trajano
Haligi ni Trajano is located in Rome
Haligi ni Trajano
Haligi ni Trajano

Ang Haligi ni Trajano (Italyano: Colonna Traiana, Latin: COLVMNA·TRAIANI) ay isang Romanong haligi ng tagumpay sa Roma, Italya, na ginugunita ang tagumpay ng Romanong emperador na si Trajano sa mga Digmaang Dacia. Marahil ay itinayo ito sa ilalim ng pangangasiwa ng arkitektong si Apollodorus ng Damasco alinsunod sa utos ng Senado ng Roma. Matatagpuan ito sa Foro ni Trajano, na itinayo malapit sa Burol Quirinal, hilaga ng Foro ng Roma. Nakumpleto noong AD 113, ang malayang nakatayong haligi ay pinakatanyag sa paikot na bas relief, na masining na kumakatawan sa mga mga digmaan sa pagitan ng mga Romano at Dacia (101-102 at 105-106). Ang disenyo nito ay nagbigay inspirasyon sa maraming mga haligi ng tagumpay, kapuwa luma at moderno.

Sa harap na bahagi ng Karlskirche sa Vienna, na may dalawang haligi sa estilo ng Romanong arketipo

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]