Halimaw ng dagat
Itsura
Ang mga halimaw ng dagat ang mga nakatira sa dagat na mga nilalang na mitikal o maalamat na kadalasang pinaniniwalaang may malaking sukat. Ang mga halimaw na pandagat ay maaaring kumuha ng mga anyong gaya ng mga dragon ng dagat, mga serpente ng dagat o mga halimaw na may maraming braso. Ang mga ito ay maaaring maputik o makaliskis at kadalasang inilalarawang nagbabanta sa mga barko o bumubuga ng tubig.
Mga maaalamat na halimawa ng dagat
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Ang Aspidochelone na higanteng pagong o balyena na lumilitaw na isang isla at nagpapain sa mga mandaragat sa kanilang kapahamakan.
- Capricorn, Babylonian na tubig kambing sa Zodiac.
- Cetus
- Charybdis ni Homer na isang mahalimawa na alimpuyo na sumisipsip ng anumang malapit na barko
- Cirein-cròin
- Coinchenn na sa buto nito ang Gae Bulg ay ginawa sa Mitolohiyang Seltiko
- The Devil Whale na sukdulang demonikong balyena na kasing laki ng isla
- Hydra, Gresya
- Iku-Turso na isang uri ng kolosal na octopus o walrus.
- Jörmungandr na serpenteng Norse Midgard.
- Kraken isang higanteng octopus, pusit o tulad ng alimangong nilalang.
- Lotan na may pitong ulong serpenteng dagat o dragon ng mga mitong Ugaritiko. Siya ang alagang hayop ng diyos na si Yamm o aspeto ng mismong si Yamm. Siya ang katumbas sa Leviathan ng Bibliya. Ang Lotan ay lumalaban kay Baal Hadad na nagkakalat sa kanya.
- Leviathan sa Bibliya. Ang Leviathan ay inilarawan sa Job 41:1-34. Sa Awit 74, ang Diyos ay sinasabing "nagputol ng mga ulo ng Leviathan sa mga piraso" bago ibigay ang laman nito sa mga tao ng ilang. Sa Awit 104, ang Diyos ay pinuri sa paggawa ng lahat ng mga bagay kabilang ang Leviathan. Ayon sa Isaias 27:1, "Sa araw na yaon ay parurusahan ng Panginoon, ng kaniyang matigas at malaki at matibay na tabak ang leviatan na maliksing ahas, at ang leviatan na lumilikaw na ahas, at kaniyang papatayin ang buwaya na nasa dagat." Ayon sa mga skolar, ang Isa. 27:1 ay isang direktang sipi mula sa KTU 5.1.1 at 5.1.28 ng Lotan ng mitolohiyang Ugarit.
- Makara
- Proteus
- Scylla ni Homer na may anim na ulo at labindalawang hitang serpentina na lumamon sa anim na lalake mula sa bawat barkong dumaan.
- Mga Siren ni Homer
- Taniwha
- The Rainbow Fish
- Tiamat sa Mitolohiyang Babilonian
- Umibōzu
- Yacumama, Timog Amerika