Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kuwagong Ural

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kuwagong Ural
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham edit
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Aves
Orden: Strigiformes
Pamilya: Strigidae
Sari: Strix
Espesye:
S. uralensis
Pangalang binomial
Strix uralensis
Pallas, 1771
Strix uralensis uralensis
Kuwagong Ural

Ang kuwagong Ural (Strix uralensis) ay isang may kalakihang panggabing kuwago. Kasapi ito sa pamilya ng totoong kuwago na Strigidae. Kasapi ang kuwagong Ural sa genus na Strix, na ito rin ang pinagmulan ng pangalan ng pamilya sa ilalim ng taksonomiya ni Linnaeus.[2] Tumutukoy ang parehong karaniwang pangalan at siyentipikong pangalan sa mga Bulubunduking Ural sa Rusya kung saan ang tipong muwestra ay nakolekta. Bagaman, may labis na malawak na distribusyon ang espesyeng na lumalagpas sa malayong kanluran hanggang sa Skandinabya, mabundok na silangang Europa, at, kalat-kalat, sa gitnang Europa sa ibayo ng Paleartiko marami sa Rusya hanggang sa malayong silangan sa Sakhalin at sa buong Hapon.[1][3] Maaring kabilang ang kuwagong Ural sa hanggang 15 sub-espesye, ngunit malamang na ang bilang ay maaring mas kaunti kung isasama ang klinal na baryasyon.[4]

Tipikal na naiuugnay ang kuwagong gubat na ito sa napakalawak na gubat na taiga sa Eurosiberia, bagaman, sumasaklaw ito sa ibang mga uri ng gubat, kabilang ang mga pinaghalong gubat at templadong nalalagasang kagubatan.[4][5] Ang kuwagong Ural ay isang hayop na may pangkalahatang diyeta tulad ng maraming mga kasapi ng genus na Strix, ngunit kadalasan umaasa ito sa maliit na mga mamalya, lalo na sa maliit na mga rodentia tulad ng mga vole.[3][6] Sa usaping tumgkol sa gawi nila sa reproduktibo, humihilig ang mga kuwagong Ural sa masiglang pagsanggalang sa isang tinakdang teritoryo kung saan naroon ang kanilang likas na mga pugad kabilang ang mga kabidad ng puno at pinagputulan at mga pugad na orihinal na itinayo ng ibang mga ibon subalit ngayon, sa maraming mga bahagi ng saklaw ay umayon na sa mga kahong pugad na ginawa ng mga biyolohista at konserbasyonista.[7][8] Ang madalas na matagumpay na pagkaroon ng anak ay matibay na naiuugnay sa mga populasyon ng mga sisilain.[9] Sa pangkalahatan, tinuturing ang kuwagong Ural na isang matatag na espesye, na may katayuan sa pagpapanatili na "Pinakamaliit na Pag-alala" na espesye ayon sa IUCN.[1] Sa kabila ng ilang lokal na pagbaba at pagkalipol, natulungan ang kuwagong Ural sa gitnang Europa sa pamamagitan ng muling pagpapakilala.[10]

Tulad ng karamihan sa mga espesyeng Strix. mayroon itong malapad, bilugang ulo na may isang katumbas na bilog na diskong pangmukha, na hinahadlangan ang isang maliit na indentasyon na hugis-V. Para sa isang kuwago, mayroon ang kuwagong Ural ng isang pambihirang mahabang buntot na nagkakaroon ng isang hugis na kalso na dulo. Sa kulay, ito ay malimit na naging isang mapusyaw na kulay-abong-kayumanggi hanggang sa maputi-puti sa pangkalahatan (na may mas detalyadong deskripsyon sa kanilang baryasyon sa ilalim ng sub-espesye), na may isang bahagyang abuhing-kayumanggi hanggang kayumanggi na likod at manta na may mga malaputing marka na sumasalungat. Ang mababang bahagi ay mapusyaw na kremang-oker hanggang abuhing-kayumanggi at matapang (bagaman minsan'y mas banayad) na nakapatong sa madalim na kayumanggi na bumabahid, na walang pahigang linya. Maraming sa mga baryasyon ay kilala sa pangkalahatang kulay ng balahibo pareho sa antas ng mga espesye at antas ng indibiduwal. Bagaman, lumilitaw ang kuwagong Ural bilang isang medyong mapusyaw na abuhing-kayumanggi na kuwago na may kakaibang guhitan sa ibaba.[3][4][7] Sa paglipad, makikita ang kuwagong Ural bilang isang may maputi-puting ilalim ng pakpak sa karamihan na minarkahan ng may mabigat na madilim na baras sa palibot ng sumusunod na gilid at dulo, habang ang mahabang puting dulo ng buntot ay madalas na nakikita na sumasaklay pababa.[7] Nakapagpapaalala ang kanilang istilo sa paglipad sa isang buwitre ngunit may mas malalim, mas mahinahong pagaspas ng pakpak, na madalas nagbibigay sa kanilang istilo ng palipad ng isang anyo ng medyo malaking ibon.[7] Madilim na kayumanggi ang mga mata, na medyo maliit at nakatakdang magkalapit sa isa't isa, na ipinapalagay na nagbibigay sa kanila ng isang mas kaunting "mabangis" na mukha kaysa sa isang malaking kulay-abong kuwago (Strix nebulosa).[4][7] Nakapagpapaalala ang mata sa isang almendras sa parehong hugis at kulay.[3] Manilaw-nilaw ang kulay ng tuka, na may maduming dilaw na sere. Habang ang tarsi at mga daliri sa paa na natatakpan ng malaabong balahibo at ang kuko ay manilaw-nilaw na kayumanggi na may mas madilim na dulo.[3][4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 BirdLife International (2013). "Strix uralensis". IUCN Red List of Threatened Species (sa wikang Ingles). 2013. Nakuha noong 26 Nobyembre 2013. {{cite journal}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sclater, P. L. (1879). Remarks on the Nomenclature of the British Owls, and on the Arrangement of the Order Striges. Ibis, 21(3), 346-352. (sa Ingles)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 Voous, K.H. (1988). Owls of the Northern Hemisphere. The MIT Press, ISBN 0262220350 (sa Ingles).
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 König, Claus; Weick, Friedhelm (2008). Owls of the World (sa wikang Ingles) (ika-2 (na) edisyon). London: Christopher Helm. ISBN 9781408108840.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Tutiš, V., Radović, D., Ćiković, D., Barišić, S., & Kralj, J. (2009). Distribution, density and habitat relationships of the Ural owl Strix uralensis macroura in Croatia. Ardea, 97(4), 563-571 (sa Ingles).
  6. Obuch, J., Danko, Š., Mihók, J., Karaska, D., & Šimák, L. (2014). Diet of the Ural owl (Strix uralensis) in Slovakia. Slovak Raptor Journal, 7, 59-71 (sa Ingles).
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 Hume, R. (1991). Owls of the world. Running Press, Philadelphia (sa Ingles).
  8. Vazhov S.V., Bakhtin R.F. & Vazhov V.M. (2016). On the Use of Nest Boxes for Study the Ecology of Strix uralensis. International Journal of Applied and Basic Research, 333: 498-498 (sa Ingles)
  9. Brommer, J. E., Pietiäinen, H., & Kolunen, H. (2002). Reproduction and survival in a variable environment: Ural owls (Strix uralensis) and the three-year vole cycle. The Auk, 119(2), 544-550 (sa Ingles).
  10. Scherzinger, W. (2006). Die Wiederbegründung des Habichtskauz-Vorkommens Strix uralensis im Böhmerwald. Zeitschrift bayerischer und baden-württembergischer Ornithologen, 45(2/3) (sa Ingles).