Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kredong Niceno

Mga koordinado: 40°25.74′N 29°43.17′E / 40.42900°N 29.71950°E / 40.42900; 29.71950
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nicaea
Νίκαια
Nicaea
Nicaea
Lokasyon Nicaea sa bansang Turkiya.
Mga koordinado40°25.74′N 29°43.17′E / 40.42900°N 29.71950°E / 40.42900; 29.71950

Ang Kredong Niceno (Latin: Symbolum Nicaenum) ay ang Kristiyanong kredong ekumenikal na tinatanggap ng Simbahang Silangang Ortodokso, Asiryanong Simbahan ng Silangan, Simbahang Oriental Ortodokso, Simbahang Katoliko Romano, at halos lahat ng mga pangkat ng Protestantismo, kabilang na ang Luteranismo, Komunyong Anglikano, mga Simbahang Reformado, ang Simbahang Presbiteryano, at ang Metodismo.

Noong mga 319 CE, nang si Athanasius ay isang deakono ng Alexandria, Ehipto, ang presbiterong si Arius ay nakipag-alitan kay Alexander ng Alexandria na nagbigay ng isang sermon tungkol sa pagkakapareho ng Anak sa Ama. Binatikos ni Arius si Alexander sa kanyang paniniwalang mali at heretikal na tinuturo nito.[1] Pinakahulugan ni Arius ang sermon ni Alexander bilang muling pagbuhay ng Sabellianismo. Kanya itong kinondena at nangatawirang "kung ipinanganak ng Ama ang Anak, siya na ipinanganak ay may isang pagsisimula ng pag-iral; at mula dito ay ebidente na may isang panahon nang ang Anak ay hindi. Kaya kinakailangang sumunod na ang anak ay may substansiya mula sa wala".[2] Ang mga pananaw teolohikal ni Arius ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Kristiyanismong Alexandrian.[3] Si Socrates ng Constantinople ay naniwalang si Arius ay naimpluwensiyahan ng mga katuruan ni Lucian ng Antioch. Si Arius ay mabigat na naimpluwensiyahan ng mga Alexandrianong gaya nina Origen [4] na isang karaniwang pananaw Kristolohikal sa simbahan ng Alexandria sa panahong ito.[5] Gayunpaman, bagaman humango siya mula sa mga teoriya ni Origen tungkol sa Logos, ang parehong ito ay hindi magkaayon sa lahat ng bagay. Ikinatwiran ni Arius na ang Logos ay may pagsimula at kaya ang Anak ay hindi walang hanggan. Salungat dito, itinuro ni Origen na ang relasyon ng Anak sa Ama ay walang pasimula at ang Anak ay "walang hanggang nalikha". Ang suporta kay Arius mula sa mga makapangyarihang obispo gaya nina Eusebius ng Caesarea [6] at Eusebius ng Nicomedia,[7] ay karagdagang nagpapakita kung paanong ang Kristolohiyang pagpapailalim ni Arius ay pinagsasaluhan din ng ibang mga Kristiyano sa Imperyo Romano. Si Arius at ang kanyang mga tagasunod ay gumamit ng mga talata upang suportahan ang kanilang paniniwala gaya ng Juan 14:28 "Ang ama ay mas dakila sa akin" at Kawikaan 8:22 "Nilikha ako ng Panginoon sa pasimula ng kanyang gawa". Ang Ama ay nakikita ng mga ito na "ang tanging tunay na Diyos" gaya ng nasa 1 Corinto 8:5-6 "ngunit para sa atin ay may isang Diyos, ang Ama na mula sa kanya ang lahat ng mga bagay..." Salungat dito ang Juan 10:30 "Ako at ang Ama ay iisa" ay naghahatid ng doktrinang Homoousian. Si Arius ay kalaunang itinawalag ni Alexander. Si Arius ay nagsimulang humimok ng suporta ng maraming mga obispo na umaayon sa kanyang posisyon.Sa panahon na itinawalag ni Alexander si Arius, ang doktrina ni Arius ay kumalat na ng lagpas sa diocese ng Alexandria, Ehipto. Ito ay naging paksa ng talakayan at kaguluhan sa buong Simbahan. Ang simbahan sa panahong ito ay isa ng makapangyarihang pwersa sa daigdig Romano na ginawang legal ng emperador Constantine I noong 313. Ang emperador ay nagkaroon ng sariling interest sa ilang mga isyung ekumenikal kabilang ang kontrobersiyang Donatismo noong 316 CE. Kanyang ninais na wakasan ang alitang Arianismo. Maaring sinamahan ni Athanasius si Alexander sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 na lumikha ng Kredong Niseno at nag-anatema kay Arius at kanyang mga tagasunod. Ang konsehong ito ay pinatawag at pinangasiwaan ng mismong emperador Constantine I na lumahok at nanguna sa ilang mga talakayan. Sa Konsehong ito, ang mga 22 obispo na pinamunuan Eusebius ng Nicomedia ay dumating bilang mga tagasuporta ni Arius. Nang basahin ng malakas ang ilan sa mga kasulatan ni Arius, ang mga ito ay kinondena ng karamihan ng mga kalahok bilang mapamusong. Ang mga naniniwala na ang Kristo ay kapwa-walang hanggan at konsubstansiyal sa Ama ay pinamunuan ni Athanasius. Ang mga naniwala na ang Anak ay dumating pagktapos ng Ama sa panahon at substansiya ay pinamunuan ni Arius. Sa loob ng 2 buwan, ang dalawang mga panig ay nangatwiran at nagdebate na ang bawat isa ay umapela sa Kasulatan upang pangatwiranan ang kanilang mga respektibong posisyon. Si Arius ay umapela sa Kasulatan na sumipi mula sa Juan 14:28: Ang Ama ay mas dakila sa Akin". Gayundin, ang Colosas 1:15: "Ang panganay ng lahat ng nilikha". Kaya iginiit ni Arius na ang pagkadiyos ng Ama ay mas dakila sa Anak at ang Anak ay nasa ilalim ng Ama at hindi katumbas o kapwa-walang hanggan sa Ama. Sa ilalim ng impluwensiya ni Constantine, ang karamihan ng mga obispo ay huling umayon sa isang kredo na kalaunang tinawag na Kredong Niseno. Ito ay kinabibilangan ng salitang homoousios na nangangahulugang "konsubstansiyal" o "isa sa kalikasan" na hindi umaayon sa mga pananaw ni Arius. Noong Hunyo 19, 325, ang konseho at ang emperador ay nag-isyu ng isang sirkular sa at sa palibot ng Alexandria. Si Arius at ang kanyang dalawang mga partisan ay ipinatapon sa Illyricum samantalang ang tatlo niyang iba pang mga tagasuporta ay lumagda bilang pagpapailalim sa emperador. Gayunpaman, agad na nalaman ni Constantine ang dahilan upang pagsuspetsahan ang sinseridad ng tatlong ito. Kalaunan ay isinama niya ito sa sentensiyang inihayag kay Arius.

Paghahambing ng kredong Niceno noong 325 at 381

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Orihinal na kredong Niceno ng 325 CE

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang orihinal na Kredong Niseno ay unang tinanggap sa Unang Konseho ng Nicaea noong 325 CE. Sa panahong ito, ang teksto ay nagwakas pagkatapos ng mga salitang "Kami ay naniniwala sa Banal na Espirito' na pagkatapos ay ang anatema ay idinagdag. Ang Simbahang Koptiko ay may tradisyon na ang orihinal na kredo ay isinulat ni Athanasius I ng Alexandria, Ehipto. Ikinatwiran nina F. J. A. Hort at Adolf Harnack na ang kredong Niseno ang lokal na kredo ng Caesarea(na mahalagang sentro ng maagang Kristiyanismo) at dinala sa konseho ni Eusebius ni Caesarea. Nakita ni J.N.D. Kelly bilang basehan nito ang isang kredong pang-bautismo ng pamilyang Syro-Phoenician na nauugnay ngunit hindi nakasalalay sa kredong binanggit ni Cyril ng Herusalem at sa kredo ni Eusebius. Sa sandaling pagkatapos ng Konseho ng Nicaea, ang bagong mga pormula ng pananampalataya ay nilikha na ang karamihan ay mga bersiyon ng simbolong Niseno upang salungatin ang mga bagong yugto ng Arianismo.

Kredong Niceno ng 381 CE

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tradisyonal na pinaniniwalaang ang Unang Konseho ng Constantinople noong 381 CE ay nagdagdag ng seksiyon na sumusunod sa mga salitang "Kami ay naniniwala sa Banal na Espirito"(nang walang mga salita na "at ang Anak" relatibo sa pagmumula ng Banal na Espirito na naging isang punto ng alitan sa Dakilang Schismo ng Ortodoksiya mula sa Katolisismo) at kaya ang pangalang "Kredong Niceno-Constantinopolitan" na tumutukoy sa Kredo na binago sa Unang Konseho ng Constantinople. Ito ang tinatanggap na teksto sa Simbahang Silangang Ortodokso maliban na sa liturhiya nito, binabago ang mga pandiwa mula sa plural na sama samang inihayagng mga ama sa Konseho tungo sa singular ng indibidwal na paghahayag ng pananampalatayang Kristiyano. Itinuturo ng Simbahang Katoliko na maling idagdag ang "at ang Anak" sa pandiwang Griyegong "ἐκπορευόμενον", ngunit tamang idagdag ito sa Latin na "qui procedit" na walang eksaktong parehong kahulugan. May pagdududa sa paliwanag ng pinagmulan ng pamilyar na Kredong Niseno-Constantinopolitano na karaniwang tinatawag na Kredong Niseno. Sa basehan ng parehong mga ebidensiyang panloob at panlabas ng teksto, ikinatwiran na ang kredong ito ay nagmula hindi bilang pagbabago ng Unang Konseho ng Constantinople ng orihinal na Kredong Niseno kundi bilang independiyenteng Kredo(na malamang ay mas matandang kredong pang-bautismo) na binago upang gawin itong katulad ng Kredong Niseno noong 325 at kalaunang lamang itinuro sa Konseho ng 381 CE. Muling pinagtibay ng Konsehong Efeso noong 431 CE ang orihinal na bersiyon noong 325 at idineklarang "hindi nararapat para sa sinumang tao na magsulong o sumulat o lumikha ng isang ibang(ἑτέραν – mas tumpak na isinaling gaya ng ginamit ng Konseho upang pakahulugang "iba", "sumasalungat" at hindi "iba pa") Pananampalataya na katunggali sa itinatag ng mga banal na ama na tinipon ng Banal na Espirito sa Nicæa" (i.e. kredong 325). Ang kredong ito ay pinakahulugan bilang pagbabawal laban sa pagbabago ng kredo o paglikha ng iba pa ngunit ang interpretasyong ito ay hindi tinatanggap ng lahat. Ang tanong na ito ay nauugnay sa kontrobersiya kung ang isang kredong ipinahayag ng isang konsehong ekumenikal ay depinitibo o ang mga dagdag ay maaaring gawin dito.

Unang Konsilyo ng Nicaea (325 CE) Unang Konsilyo ng Constantinople (381 CE)
Πιστεύομεν εἰς ἕνα θεὸν Πατέρα παντοκράτορα, πάντων ὁρατῶν τε και ἀοράτων ποιητήν. Πιστεύομεν εἰς ἕνα θεὸν Πατέρα παντοκράτορα, ποιητὴν οὐρανοῦ καὶ γῆς, ὁρατῶν τε πάντων καὶ ἀοράτων.
Πιστεύομεν εἰς ἕνα κύριον Ἰησοῦν Χριστόν, τὸν υἱὸν τοῦ θεοῦ, γεννηθέντα ἐκ τοῦ Πατρὸς μονογενῆ, τοὐτέστιν ἐκ τῆς οὐσίας τοῦ Πατρός, θεὸν ἐκ θεοῦ ἀληθινοῦ, γεννηθέντα, οὐ ποιηθέντα, ὁμοούσιον τῷ Πατρί Καὶ εἰς ἕνα κύριον Ἰησοῦν Χριστόν, τὸν υἱὸν τοῦ θεοῦ τὸν μονογενῆ, τὸν ἐκ τοῦ Πατρὸς γεννηθέντα πρὸ πάντων τῶν αἰώνων, φῶς ἐκ φωτός, θεὸν ἀληθινὸν ἐκ θεοῦ ἀληθινοῦ, γεννηθέντα οὐ ποιηθέντα, ὁμοούσιον τῷ Πατρί·
δι' οὗ τὰ πάντα ἐγένετο, τά τε ἐν τῷ οὐρανῷ καὶ τὰ ἐπὶ τῆς γῆς δι' οὗ τὰ πάντα ἐγένετο·
τὸν δι' ἡμᾶς τοὺς ἀνθρώπους καὶ διὰ τὴν ἡμετέραν σωτηρίαν κατελθόντα καὶ σαρκωθέντα καὶ ἐνανθρωπήσαντα, τὸν δι' ἡμᾶς τοὺς ἀνθρώπους καὶ διὰ τὴν ἡμετέραν σωτηρίαν κατελθόντα ἐκ τῶν οὐρανῶν καὶ σαρκωθέντα ἐκ Πνεύματος Ἁγίου καὶ Μαρίας τῆς παρθένου καὶ ἐνανθρωπήσαντα,
παθόντα, καὶ ἀναστάντα τῇ τρίτῃ ἡμέρᾳ, καὶ ἀνελθόντα εἰς τοὺς οὐρανούς,

σταυρωθέντα τε ὑπὲρ ἡμῶν ἐπὶ Ποντίου Πιλάτου, καὶ παθόντα καὶ ταφέντα, καὶ ἀναστάντα τῇ τρίτῃ ἡμέρα κατὰ τὰς γραφάς, καὶ ἀνελθόντα εἰς τοὺς οὐρανούς, καὶ καθεζόμενον ἐκ δεξιῶν τοῦ Πατρός,

καὶ ἐρχόμενον κρῖναι ζῶντας καὶ νεκρούς. καὶ πάλιν ἐρχόμενον μετὰ δόξης κρῖναι ζῶντας καὶ νεκρούς·
οὗ τῆς βασιλείας οὐκ ἔσται τέλος.
Καὶ εἰς τὸ Ἅγιον Πνεῦμα. Καὶ εἰς τὸ Πνεῦμα τὸ Ἅγιον, τὸ κύριον, (καὶ) τὸ ζῳοποιόν, τὸ ἐκ τοῦ πατρὸς ἐκπορευόμενον, τὸ σὺν Πατρὶ καὶ Υἱῷ συμπροσκυνούμενον καὶ συνδοξαζόμενον, τὸ λαλῆσαν διὰ τῶν προφητῶν. Εἰς μίαν, ἁγίαν, καθολικὴν καὶ ἀποστολικὴν ἐκκλησίαν· ὁμολογοῦμεν ἓν βάπτισμα εἰς ἄφεσιν ἁμαρτιῶν· προσδοκοῦμεν ἀνάστασιν νεκρῶν, καὶ ζωὴν τοῦ μέλλοντος αἰῶνος. Ἀμήν.
Τοὺς δὲ λέγοντας, ὅτι ἦν ποτε ὅτε οὐκ ἦν, καὶ πρὶν γεννηθῆναι οὐκ ἦν, καὶ ὅτι ἐξ οὐκ ὄντων ἐγένετο, ἢ ἐξ ἑτέρας ὑποστάσεως ἢ οὐσίας φάσκοντας εἶναι, [ἢ κτιστόν,] τρεπτὸν ἢ ἀλλοιωτὸν τὸν υἱὸν τοῦ θεοῦ, [τούτους] ἀναθεματίζει ἡ καθολικὴ [καὶ ἀποστολικὴ] ἐκκλησία.

Bersiyong Ingles

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang talaan sa ibaba ay nagpapakita sa [kwadradong braket] ng mga bahagi ng kredong 325 CE na tinanggal o inilipat sa kredong 381 CE. Ang mga italiko ay nagpapakita kung anong mga parirala ang hindi umiiral sa kredong 325 CE na idinagdag sa kredong 381 CE.

Unang Konsilyo ng Nicaea (325 CE) Unang Konsilyo ng Constantinople (381 CE)
We believe in one God, the Father Almighty, Maker of all things visible and invisible. We believe in one God, the Father Almighty, Maker of heaven and earth, and of all things visible and invisible.
And in one Lord Jesus Christ, the Son of God, begotten of the Father [the only-begotten; that is, of the essence of the Father, God of God], Light of Light, very God of very God, begotten, not made, being of one substance with the Father; And in one Lord Jesus Christ, the only-begotten Son of God, begotten of the Father before all worlds (æons), Light of Light, very God of very God, begotten, not made, being of one substance with the Father;
By whom all things were made [both in heaven and on earth]; by whom all things were made;
Who for us men, and for our salvation, came down and was incarnate and was made man; who for us men, and for our salvation, came down from heaven, and was incarnate by the Holy Ghost of the Virgin Mary, and was made man;
He suffered, and the third day he rose again, ascended into heaven; he was crucified for us under Pontius Pilate, and suffered, and was buried, and the third day he rose again, according to the Scriptures, and ascended into heaven, and sitteth on the right hand of the Father;
From thence he shall come to judge the quick and the dead. from thence he shall come again, with glory, to judge the quick and the dead;
whose kingdom shall have no end.
And in the Holy Ghost. And in the Holy Ghost, the Lord and Giver of life, who proceedeth from the Father, who with the Father and the Son together is worshiped and glorified, who spake by the prophets.
In one holy catholic and apostolic Church; we acknowledge one baptism for the remission of sins; we look for the resurrection of the dead, and the life of the world to come. Amen.
[But those who say: 'There was a time when he was not;' and 'He was not before he was made;' and 'He was made out of nothing,' or 'He is of another substance' or 'essence,' or 'The Son of God is created,' or 'changeable,' or 'alterable'—they are condemned by the holy catholic and apostolic Church.]

Bersiyong Tagalog

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Unang Konseho ng Nicaea (325 CE) Unang Konseho ng Constantinople (381 CE)
Sumasampalataya kami sa Diyos, ang Amang Makapangyarihan sa lahat, na May-gawâ ng lahat ng mga bagay na nakikita at hindi nakikita. Sumasampalataya kami sa íisang Diyos

Amang Makapangyarihan sa lahat,
na may gawâ ng langit at lupa at
ng lahat na nakikita at hindi nakikita.

At sa íisang Panginoong Hesu-Kristo, ang Anak ng Diyos, bugtóng ng Ama [ang tanging bugtóng; na ng esensiya ng Ama, Diyos ng Diyos], Liwanag ng Liwanag, napaka-Diyos ng napaka-Diyos, bugtóng, hindi ginawâ, nang isang sustansiya sa Ama; At sa íisang Panginoong Hesukristo,

Bugtóng na Anak ng Diyos,
sumilang sa Ama bago pa nagkapanahón.
Diyos buhat sa Diyos,
liwanag buhat sa liwanag,
Diyos na tunay buhat sa Diyos na tunay,
Sumilang at hindi ginawâ,
Magkasing-sangkáp ng Ama:
;

Sa pamamagitan Niya ay ginawâ ang lahat ng mga bagay [ang parehong sa kalangitan at daigdíg]; at sa pamamagitan Niya ginawâ ang lahat.
Dahil sa ating mga tao at para sa ating kaligtasan, ay nanaog at naging laman at naging tao; Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan,

Nanaog Siya mula sa kalangitan.
At naging laman sa pamamagitan ng Banal na Espíritu ng Birheng María
at naging tao.

Siya ay nagdusa, at sa ikatlong araw ay muling nabuhay, umakyat sa kalangitan; Ipinako Siya sa krus nang dahil sa atin sa ilalim ni Póncio Pilato;

at nagdusa at inilibíng
At muli Siyang nabuhay sa ikatlong araw
nang naaayon sa mga Banal na Kasulatán,
At umakyat Siya sa kalangitan at lumuklók sa kanan ng Ama.

At mula roon ay paparito siya upang hukuman ang mga nangabubuhay at mga nangamatáy. At mula roon paparito Siyang muling may kaluwalhatian,

upang hukuman ang mga nangabubuhay at mga nangamatáy,

na ang kaharian ay magiging walang-hangganan.
At sa Banal na Espíritu. At sa Banal na Espíritu, ang Panginoón at nagbibigay-buhay:

Na nanggagaling sa Ama
Na kasama ng Ama at ng Anak ay sinasamba't pinararangalán.
Na nagsalitâ sa pamamagitan ng mga propeta.

At sa íisang banal, Katóliko, at apostólikong Simbahan;

kinikilala namin ang íisang binyág sa ikapágpapatawad ng mga kasalanan.
At hiníhintay namin ang muling pagkabuhay ng mga nangamatáy,
at ang buhay ng sánlibutang daratíng. Amen.

[Ngunit ang mga nagsasabing: 'May isang panahong na Siya ay hindi;' at 'Siya ay hindi bago Siya gawin;' at 'Siya ay ginawâ mula sa wala' o 'Siya ay nang ibang sustansiya' o 'esensiya' o 'Ang Anak ng Diyos ay nilikhâ' o 'nagbabago' ay 'mababago'-sila ay kinokóndena ng banal na Katóliko at apostólikong Simbahan.]

Bersiyong Romano Katóliko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumásampalatayà akó sa isáng Diyós
Amáng Makapangyarihan sa lahát,
na may gawâ ng langit at lupà,
ng lahát na nakikita at hindî nakikita.

Sumásampalatayà akó sa iisáng Panginoóng Hesukristo,
bugtóng na Anák ng Diyós,
sumilang sa Ama bago pa nagkapanahón.
Diyós buhat sa Diyós,
liwanag buhat sa liwanag,
Diyós na totoó buhat sa Diyós na totoó,
sumilang at hindî ginawâ,
kaisá ng Amá sa pagká-Diyós,
at sa pamamagitan niyá ay ginawâ ang lahát.

Dahil sa ating pawang mga tao at dahil sa ating kaligtasan,
siyá ay nanaog mulâ sa kalangitán.
Nagkatawáng-tao siya lalang ng Espíritu Santo
kay Maríang Birhen at nagíng tao.
Ipinakò sa krus dahil sa atin. Nagpakasakit sa hatol ni Póncio Pilato, namatáy at inilibíng.
Mulî siyáng nabuhay sa ikatlóng araw
ayon sa banál na Kasulatán,
umakyát siyá sa kalangitán at lumuklók sa kanan ng Amáng Maykapál.
Paririto siyang mulî na may dakilang kapangyarihan,
upang hukumán ang mga buháy at mga patáy.

Sumásampalatayà akó sa Espíritu Santo, Panginoón at nagbibigáy-buhay
na nanggagaling sa Amá at sa Anák.
Sinasambá siyá at pinararangalan kaisá ng Amá at ng Anák.
Nagsalitâ siyá sa pamamagitan ng mga propeta.

Sumásampalatayà akó sa iisáng banál na Simbahang katólika at apostólika.
Gayundín sa isáng binyág sa ikapagpápatawad ng mga kasalanan.
At hinihintáy ko ang mulíng pagkabuhay ng nangamatáy
at ang buhay na waláng hanggán.
Amen.

Ang Filioque (Latín para sa "nanggagaling sa Anák") ay idinagdag sa Ikatlóng Konseho ng Toledo noong 589 CE ("Credo in Spiritum Sanctum qui ex patre filioque procedit/Sumásampalatayà akó sa Espíritu Santo, Panginoón at nagbibigáy-buhay, na nanggagaling sa Amá at sa Anák") na tinanggap na paniniwala sa Simbahang Kanluranin (ngayó'y Simbahang Katóliko Romano) noong ikatlóng siglo CE.

Sumásampalatayà akó sa Espíritu Santo, Panginoón at nagbibigáy-buhay na nanggagaling sa Amá at sa Anák. Sinasambá siyá at pinararangalan kaisá ng Amá at ng Anák. Nagsalitâ siyá sa pamamagitan ng mga propeta.

Ito ay ginamit para sa mga kontekstong liturhikál ng Simbahang Katoliko Romano noong ika-11 siglo CE. Hindi tinanggáp ang susog na ito ng Simbahang Silanganin sa mga kadahilanang ang pagdaragdag ay mag-isáng ginawâ Simbahang Kanluranin, at siyáng nagbabago sa kredong inaprobahán ng mga naunang konsehong ekumenikál, at ang pormula ay sumasalamín sa isáng partikular na pananáw ng Santatlo ng Kanluraning Simbahan na tinutulan ng mga teólogo ng Simbahang Silangang Ortodokso. Ito ang isa sa mga pangunahing paktor na humantong sa Dakilang Paghahati sa pagitan ng mga Simbahang Silanganin at Kanluranin.

Ang pagdaragdag ng Filioque sa Kredong Niceno-Constantinopolitano ay kindonena bilang eretikal ng maraming mga amá at santo ng Simbahang Silangang Ortodokso kabilang sina Fócio I ng Konstantinopla, Gregorio Palamas at Marcos ng Efeso na minsang tinutukoy bilang "Tatlóng Haligi" ng Ortodoksiya.

Mga krítiko ng Kredong Niceno

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga bumatikos sa Kredong Niseno ang sumusunod:

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Kannengiesser, Charles, “Alexander and Arius of Alexandria: The last Ante-Nicene theologians”, Miscelanea En Homenaje Al P. Antonio Orbe Compostellanum Vol. XXXV, no. 1-2. (Santiago de Compostela, 1990), 398
  2. Socrates. "The Dispute of Arius with Alexander, his Bishop.". The Ecclesiastical Histories of Socrates Scholasticus. Nakuha noong 2 Mayo 2012.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Williams, Rowan, Arius: Heresy and Tradition (London: Darton, Longman and Todd, 1987),175
  4. Williams, 175
  5. Williams 154-155
  6. Arius letter to Eusebius of Nicomedia
  7. Alexander of Alexandria's Catholic Epistle
  8. 8.0 8.1 8.2 Socrates of Constantinople, Church History, book 1, chapter 8.
  9. 9.0 9.1 9.2 9.3 Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 1, chapter 9.
  10. 10.0 10.1 Condemned by Alexander of Alexandria, see Socrates, Church History, book 1, chapter 6.
  11. Socrates of Constantinople, Church History, book 1, chapters 6, 8 & 14, and book 2, chapter 7.
  12. Socrates of Constantinople, Church History, book 1, chapters 6, 8 & 14.
  13. Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 1, chapter 9 and book 4, chapter 12.
  14. Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapter 9.
  15. Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapters 10-11.
  16. 16.0 16.1 Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapter 26.
  17. Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 3, chapter 17.
  18. Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapters 26 & 35.
  19. Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapter 38.
  20. Socrates of Constantinople, Church History, book 1, chapter 36.
  21. Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 4, chapter 4.
  22. Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 3, chapter 15.
  23. Socrates of Constantinople, Church History, book 2, chapter 41.
  24. Philostorgius, in Photius, Epitome of the Ecclesiastical History of Philostorgius, book 2, chapter 5.
  25. 25.0 25.1 25.2 Heather and Matthews, Goths in the Fourth Century, pp. 135-136.