Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Kawalan ng ginagawa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Tagapaglingkod na Walang Ginagawa, iginuhit ni Maes (1634-1693), Nicolaes, Olanda.

Sa panlahatang diwa, ang kawalan ng gawain o hindi paggawa ay isang katayuan na may kaugnayan sa hindi pagkakaroon ng galaw, lakas, o enerhiya ng isang tao, nilalang, o iba pang bagay. Isang halimbawa nito ang pagpapalipas ng oras o panahon ng isang taong walang nagagawang mainam o kapakipakinabang para sa sarili at para sa ibang tao sa buong maghapon at sa araw-araw. Bagaman kaugnay ito ng katamaran, mas mailalarawan ang ganitong kalagayan sa pagiging hindi ginagamit, pagiging walang silbi, o pagtunganga. Maaaring sinasadya ito ng isang taong batugan o tamad, subalit maaari rin naman itong maging dulot ng pagkawala ng hanapbuhay o trabaho ng isang taong likas namang masipag, kaya’t hindi matatawag ang taong iyon bilang pabaya, tanga, tamad, o pagayon-gayon lamang sa bawat araw.[1][2][3]

Sa Bagong Tipan ng Bibliya (2 Tesalonika 3:6), nagbigay ng babala sa San Pablo hinggil sa mga taong gumagamit ng paksang ukol sa dagliang pagbabalik ni Hesukristo bilang isang dahilan sa pagkakaroon ng katamaran. May isang pangkat ng mga taga-Tesalonikang hindi na nakilahok pa sa pang-araw-araw na pamumuhay, na nagturo at nanghikayat sa iba pang mga tao na iwanan na ang kanilang mga tungkulin o gampanin sa buhay, lisanin ang kanilang mga trabaho, at huwag nang magplano pa para sa hinaharap. Ayon sa 500 Questions from the Bible o "Limangdaang mga Katanungan mula sa Bibliya", ang ganitong ideya ay isang mapanirang panlilinlang, sapagkat hindi inutos ni Hesukristong huminto ang mga nanalig sa kanya at maghintay na lamang sa kanyang muling pagbabalik. Bagkus, ang makilahok sa buhay habang naghihintay at umaasa ang ipinangaral ni Hesukristo. Isang kabiguan sa pagtugon sa mga pangako ng Diyos na may katuwaan ang pagtunganga, at nakapipigil din sa paggawa ng tao ng "gawain ng Diyos" at pagluwalhati sa kanya.[4]

  1. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Idle". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 118.
  2. Blake, Matthew (2008). "Idle". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Gaboy, Luciano L. Idle - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  4. "What's wrong with idleness?, 2 Thessalonians 3:6". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 202.