Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Katarismo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Catharism o Katarismo (mula sa Griyego: καθαρός, katharos, "dalisay") ay ang pangalang ibinigay sa isang kilusang Kristiyano na may mga elementong dualistiko at gnostiko na lumitaw sa rehiyong Languedoc ng Pransiya at iba pang mga bahagi ng Europa noong ika-11 siglo CE at yumabong noong ika-12 at ika-13 siglo CE. Noong 1208, tinangka ni Papa Inosente III na wakasan ang Katarismo ngunit sa taong iyon, ang legato ng papa na si Pierre de Castelnau ay pinatay habang bumabalik sa Roma. Ito ay nagtulak sa Papa na kumilos at humantong sa paglulunsad ng Krusadang Albigensian. Ang Krusadang Albigensian ay naghangad na lipulin ang sektang ito sa mga simulang dekada ng ika-13 siglo ngunit hindi buong naging matagumpay. Nang matanto ng papa na nabigo siyang lipulin ang mga Cathar, kanyang inilunsad ang Inkisisyong Mediebal upang tapusin ang trabaho ng paglipol sa mga ito. Ang mga Cathar ay nag-uugat sa kilusang Paulicianismo sa Armenia at Bogomilismo sa Bulgaria na kumuha ng mga impluwensiya mula sa mga Paulician. Bagaman ang terminong "Cathar" ay ginagamit na sa loob ng mga siglo upang tukuyin ang kilusang ito, pinagtatalunan kung ang kilusang ito ay tumukoy sa sarili nito sa pangalang ito.[1] Sa mga teksto ng Cathar, ang mga terminong "Mabuting mga Tao" (Bons Hommes) o "Mga Mabuting Kristiyano" ang karaniwang mga termino na tumutukoy sa mga sarili nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pegg, Mark (2001), "On Cathars, Albigenses, and good men of Languedoc", Journal of Medieval History, 27 (2): 181–19{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link).