Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Katad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga kagamitan sa paghahanda ng mga produktong yari sa katad.

Ang mga katad ay mga balat ng malalaking hayop, katulad ng baka o mga wangis-baka, na dumaan sa proseso ng pagkukulti o kemikal na panggagamot para mapanatili ang kanilang katibayan at angking katangian. Isa sa mga pinakaimportanteng gamit nito ang kaugnay ng paggawa ng mga sapatos. Marami pang ibang bagay na yari sa katad. Ilan sa mga halimbawa ang dyaket, mga mahahabang pangginaw, palda, at iba pang mga damit. Pinaggagamitan din ng katad ang mga bag, bagahe, sinturon, mga kasangkapang-pambahay o pang-opisina, at mga kagamitan sa paglalaro tulad ng sa golp.[1]

Sa mga bakahan nakukuha ang maraming bilang ng mga balat ng baka, sapagkat ang mga baka ang pangunahin at pinakamahalagang hayop na napagkukunan ng katad. Kabilang sa mga bansang may mga bakahan ang Estados Unidos, Canada at Arhentina.[1]

Paghahanda ng katad

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago maging produktong tulad ng mga sapatos, sinturon, bag at iba, nagdaraan muna sa isang proseso ng paghahanda ang mga katad:

Sa una, inaasnan muna ang mga balat upang mapanatili ang kalidad nito kahit na itabi o ibyahe man patungo sa ibang pook. Sa tanerya'[2] (tawag sa pook na katadan o "gawaan ng katad"), hinugasan ang mga ito para matanggal ang asin. Pagkaraan, binababad ito sa maasim na mga apog para madaling alisin ang mga balahibo. Isang makina ang nagtatanggal ng mga buhok na ito. Aalisin naman ng isang tao ang mga labis na laman ng hayop na nakadikit pa sa mga katad. Muling huhugasan ang mga ito para naman maalis ang mga katas ng maasidong limon at para lumambot.[1]

Daraan naman ang mga katad sa isa sa proseso ng pagkukulay o pagta-tan (tanning). Dalawa ang uri ng pagkukulay: isang ginagamit ng mga balat at kahoy mula sa mga punungkahoy (vegetable-tanning; nakababad sa malaking lalagyan para masipsip ng katad ang mga solusyong pangulay), samantalang ang isa pa ay ang pagkukulay sa pamamagitan ng kromo (chrome-tanning; nasa isang malaking dram na may lamang mga solusyong kimikal ang mga katad).[1]

Pagkaraang masipsip ng mga katad ang mga kulay, anuman ang prosesong ginamit sa itaas, inaahitan na ang mga katad para magkaroon ng magkakatulad na sukat ng kakapalan. Ididikit naman sila pagdaka sa mga tabla ng salamin na daraan sa painitan para matuyo at lumambot pa. Pinipisa pa din ito ang mga ito sa pamamagitan ng isang kasangkapan-pampisa na hinahawakan ng kamay, isang pamamaraan na nakapagbibigay sa mga katad ng kulu-kulubot na anyo ng mga ito. Sa huli, titimplahan pa uli ang mga ito ng iba pang pangulay at mga pampakinis.[1]

  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Leather". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Literal na salin ng tannery [Ingles].