Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Free! (anime)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Free!
DyanraIsport
Teleseryeng anime
DirektorHiroko Utsumi
IskripMasahiro Yokotani
MusikaTatsuya Kato
EstudyoKyoto Animation
Animation Do
Inere saTokyo MX, TVA, ABC, BS11, AT-X
Takbo4 Hulyo 2013 – 26 Setyembre 2013
Bilang12
Manga
High Speed!
KuwentoKōji Ōji
GuhitFutoshi Nishiya
NaglathalaKyoto Animation
Inilathala noong8 Hulyo 2013
 Portada ng Anime at Manga

Ang Free! ay isang seryeng anime na idinirekta ni Hiroko Utsumi at ginawa ng Kyoto Animation at Animation Do. Ang anime ay ibinase sa magaang nobela na High Speed! (ハイ☆スピード!, Hai Supīdo!) na isinulat ni Kōji Ōji na nakakuha ng kagalang-galang pagbanggit sa pangalawang Kyoto Animation Award noong 2011 at nilimbag noong Hulyo 2013. Ang anime ay umere mula Hulyo hanggang Setyembre 2013.

Ang Free! ay nagsimula sa apat na lalaki—sina Haruka, Makoto, Nagisa and Rin—bago sila magtapos ng elementarya. Silang lahat ay sumali sa isang paligsahan kung saan sila ay nanalo ngunit pagkatapos ay naghiwalay. Pagkalipas ng ilang taon, muling nagkasama sina Haruka, Makoto at Nagisa sa pagpasok nila sa haiskul. Hindi naglaon, bumalik si Rin galing sa Australia at hinamon niya si Haruka sa isang karera, kung saan siya ay nanalo. Pagkatapos nito, naisip ni Nagisa na gumawa ng kapisanan ng mga manlalangoy sa kanilang paaralan. Itinatag nina Haruka, Makoto, Nagisa ang Iwatobi High School Swimming Club, kung saan sinamahan sila ni Rei.

Haruka Nanase (七瀬 遙, Nanase Haruka)
Binigyang boses ni: Nobunaga Shimazaki, Megumi Matsumoto (kabataan)
Si Haruka ay isang lalaki na mahal ang paglalangoy at ang tubig. Siya ay isang malakas at tahimik na tao na nahihirapan ilabas ang kanyang nararamdaman.[1] Sa sobrang lakas ng kanyang pagmamahal sa tubig ay minsan naghuhubad siya tuwing nakakakita siya ng tubig. Dahil ang pangalan niya ay pambabae, napagkakamalan siyang lalaki at tinatawag nalang siyang Haru. Pagkatapos ng kanyang unang taon sa middle school, pinigil niya ang pagsali sa mga paligsahang panglangoy nahil nasaktan niya ang damdamin ni Rin sa isang karera. Ang kanyang istilo ng paglalangoy ay ang freestyle.
Makoto Tachibana (橘 真琴, Tachibana Makoto)
Binigyang boses ni: Tatsuhisa Suzuki, Satsuki Yukino (kabataan)
Si Makoto ang matalik na kaibigan at kaklase ni Haruka. Siya ay mabait sa ibang tao ngunit madaling matakot.[1] Nagkaroon siya ng pagkatakot sa dagat dahil sa pagkamatay ng isang mangingisda na iniidolo niya sa isang bagyo. Siya ang kapitan ng Swim Club at ang kanyang istilo ng paglangoy ay ang backstroke.
Nagisa Hazuki (葉月 渚, Hazuki Nagisa)
Binigyang boses ni: Tsubasa Yonaga, Satomi Sato (kabataan)
Si Nagisa ay isang estudyante na nasa kanyang unang taon ng pag-aaral sa Iwatobi High. Hindi siya takot na ilabas ang anumang iniisip niya. Hinahangan niya ang paglalangoy ni Haruka mula elementary at pumasok siya sa Iwatobi High para makasama muli siya sa paglalangoy.[1] Siya ang nag-isip na magtatag ng swim club sa Iwatobi High, at siya ang nagsisilbing treasurer ng club. Siya ay may pagkaprimi sa mascot ng club na si Iwatobi-chan, at ang kanyang istilo ng paglangoy ay ang breaststroke.
Rei Ryūgazaki (竜ヶ崎 怜, Ryūgazaki Rei)
Binigyang boses ni: Daisuke Hirakawa, Yoko Hikasa (kabataan)
Si Rei ay kaklase ni Nagisa. Siya ay gwapo at matalino,[1] ngunit madali siyang maimpluwensiyahan ni Nagisa.[2] Siya ay interesado sa lahat ng magandang bagay, nahahawakan man o hindi nahahawakan, at gagawin niya ang kanyang buong makakaya upang maiwasan ang mga bagay na lpara sa kanya ay "hindi maganda". Nung una, kasali siya sa track team ng eskwelahan at ilang beses siyang tumangging sumali sa swim club sapagkat hindi raw masyadong maganda ang paglalangoy. Sumali si Rei sa swim club sapagkat napahangga siya sa paglalanggoy na freestyle ni Haruka. Nalaban rin ng ibang miyembro ng swim club na hindi marunong lumangoy si Rei, kaya tinuruan siya. Ang kanyang istilo ng paglangoy ay ang butterfly.
Rin Matsuoka (松岡 凛, Matsuoka Rin)
Binigyang boses ni: Mamoru Miyano, Akeno Watanabe (kabataan)
Si Rin ang karibal Haruka noong elementarya. Bumalik siya sa Hapon pagkatapos ng ilang taong pag-aaral sa Australia, at hindi siya agad nagkasundo sa kanyang mga dating kasama dahil sa pagbabago sa kanyang personalidad,[1]. Pumapasok siya sa Samezuka Academy, pero hindi agad siya sumali sa swim team nila. Kinuha niya ang panngarap ng kanyang tatay, na namatay sa isang bagyo, na maging manlalangay sa Palarong Olympiko, pero pinili niyang sundan ang kanyang pangarap kasama ang mga miyembro ng Iwatobi Swim Club.
Gō Matsuoka (松岡 江, Matsuoka Gō)
Binigyang boses ni: Akeno Watanabe
Si Gō ang kababatang kapatid na babae ni Rin na nag-aaral sa Iwatobi High School. Mas pinipili niyang tawagin siya sa pangalang Kō, dahil panlalaking pangalan ang Gō. Siya ang tagapamahala ng swim club, sa pag-asang maibabalik pa niya si Rin sa kanyang dating sarili.
Miho Amakata (天方 美帆, Amakata Miho)
Binigyang boses ni: Satsuki Yukino
Si Miho ay guro nina Haruka at Makoto na nagtuturo ng klasikong panitikan. Tinatawagan siyan Ama-chan ng mga estudyante. May mga tsismis sa eskwelahan na pumunta siya sa Tokyo upang sundan ang kanyang pangarap sa isang kompanyang gumagawa ng mga swimsuit, ngunit nabigo siya. Siya ang naging adbiser ng swim club pagkatapos makumpirma ni Nagisa ang kumakalat na tsismis. Nalaman rin nila na naging modelo siya na nangangalang "Marin-chan".
Seijuro Mikoshiba (御子柴 清十郎, Mikoshiba Seijūrō)
Binigyang boses ni: Kenjiro Tsuda
Kapitan ng Samezuka Academy Swimming Team na may gusto kay Gō.
Aiichiro Nitori (似鳥 愛一郎, Nitori Aiichirō)
Binigyang boses ni: Kōki Miyata
Isang miyembro ng Samezuka Swimming Team na umiidolo kay Rin.

Dalawang bolyum ng drama CD na tinawag na Iwatobi High School Swimming Club Activity Journal (岩鳶高校水泳部 活動日誌, Iwatobi Kōkō Suiei-bu Katsudō Nisshi) ang nilabas mula 21 Agosto 2013 hanggang 25 Setyembre 2013.[3][4]

Nilabas ng Animation Do ang isang splash image para sa isang bagong proyekto noong Abril 2012, na sinundan ng isang patalastas (commercial) para sa proyekto noong Marso 2013.[5] Naging popular ang patalastas (commercial) sa website na Tumblr, kung saan itinawag itong "swimming anime".[6] Kahit ang patalastas (commercial) ay tumagal lang ng tatlumpung segundo, iba't-ibang likha ang ginawa ng mga fan na lumawak sa mga karakter, katulad ng mga talambuhay, fan fiction. Nagkaroon rin ng isang petisyon na tuluyang gawing anime ang patalastas (commercial).[7]

Ang anime ay ginawa ng Kyoto Animation at ang sangay nito na Animation Do. Idinerekta ito ni Hiroko Utsumi at isinulat ni Masahiro Yokotani. Ang mga karakter ay dinisenyo ni Futoshi Nishiya habang ang mga musika ay ginawa ni Tatsuya Katō. Umere ito mula Hulyo 4 hanggang 26 Setyembre 2013 sa Tokyo MX, at umere din sa mga website na Niconico at Crunchyroll.[8][9][10]

Magaang nobela

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang orihinal na magaang nobela na High Speed! (ハイ☆スピード, Hai Supīdo) ay isinulat ni Kōji Ōji. Isinama ni Ōji ang nobela sa pangalawang Kyoto Animation Award noong 2011, kung saan nakakuha ito ng kagalang-galang pagbanggit. Inilimbag ito ng Kyoto Animation noong 8 Hulyo 2013.[11]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "KyoAni Outlines 'Free' Swim Team Anime's Story, Characters" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 28 Abril 2013. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "竜ヶ崎 怜 プロフィール TV アニメ『Free!』公式サイト" (sa wikang Hapones). Kyoto Animation. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-02. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "岩鳶高校水泳部 活動日誌1" (sa wikang Hapones). Lantis. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "岩鳶高校水泳部 活動日誌2" (sa wikang Hapones). Lantis. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Kyoto Animation's Animation Do Spinoff Unveils New Anime Ad" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 6 Marso 2013. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Tumblr invented entire anime based on thirty second promo? Must be monday" (sa wikang Ingles). The Mary Sue. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Fake anime series inspires real fans on Tumblr" (sa wikang Ingles). The Daily Dot. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Kyoto Animation's Free! Swim Team Anime Promo Streamed" (sa wikang Ingles). Anime News Network. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Crunchyroll Adds "Free! – Iwatobi Swim Club" Anime to Streaming Lineup!". Crunchyroll. 27 Hunyo 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2022. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Crunchyroll to Stream Free! Swim Team TV Anime" (sa wikang Ingles). Anime News Network. 27 Hunyo 2013. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "KyoAni Streams Free! Anime's Promo with Actual Swimming". Anime News Network. Nakuha noong 8 Nobyembre 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)