Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Euclides

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Euclid)
Euclides
Si Euclid na nasa Paaralan ng Atenas ni Raphael.
KapanganakanHindi alam
KamatayanHindi alam
Kilala saHeometriyang Euclidiano
Mga Elemento ni Euclides
Karera sa agham
LaranganMatematika

Si Euclides, Euclid, o Eukleides  – mula sa Griyegong Ευκλείδης o "Eukleides"  – (ipinanganak noong mga 330 BK) ang Griyegong pilosopong Ama ng Heometriya. Siya ay aktibo sa Alexandria, Ehipto sa paghahari ni Ptolemy I. Ang kanyang aklat ng heometriya na pinamagatang Mga Elemento ay naglalaman ng maraming mga aksiyoma, proposiyon at pagpapatunay ng mga proposiyon sa heometriya. Kanyang ihinuha ang mga prinsipyo ng tinatawag ngayong heometriyang Euclidean mula sa isang hanay ng mga aksiyoma. Ang aklat na ito ang isa sa pinakamaimpluwensiya (most influential) na akda sa kasaysayan ng matematika na nagsisilbi bilang aklat pampaaraalan para sa pagtuturo ng matematika lalo na sa heometriya mula sa paglilimbag nito hanggang sa huling ika-19 at simulang ika-20 siglo.[1][2][3] Kaunti ang nalalaman hinggil sa buhay ni Euclid. Ang ilang mga historikal na reperensiya kay Euclides ay isinulat nina Proclus at Pappus of Alexandria mga siglo pagkatapos niyang mabuhay. Ipinakilala ni Proclus si Euclides bilang ang may akda ng Mga Elemento sa kanyang ika-5 siglong komentaryo nito. Binanggit naman ni Pappus noong ika-4 siglo na si Apollonius ay "gumugol ng isang napakahabang panahong kasama ng mga estudyante ni Euclides sa Alexandria at kaya ay nagkamit ito ng isang gayong siyentipikong kasanayan ng pag-iisip. Karagdagan ring pininiwalaan na si Euclides ay maaaring nag-aral sa Akademya ni Plato sa Athens.

Isa sa pinakamatandang manuskrito ng Mga Elemento ni Euclides.
Ang harapan ng saling Latin ng Mga Elemento ni Euclides ni Adelard of Bath c. 1309–1316; ang pinakamatandang umiiral na saling Latin ng Mga Elemento ay isang ika-12 siglong salin ni Adelard na nagsalin sa Latin mula sa Arabiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ball, pp. 50–62.
  2. Boyer, pp. 100–19.
  3. Macardle, et al. (2008). Scientists: Extraordinary People Who Altered the Course of History. New York: Metro Books. g. 12.

MatematikoGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematiko at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.