Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Edom

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang kinaroroonan ng sinaunang kaharian ng Edom.

Ang Edom ay isang pangalan o salitang may ibig sabihing "mapula".[1] Ito ang naging katawagan o isa pang pangalan para kay Esau na anak ni Isaac. Kakambal siya ng mas nakababatang kakambal na si Jacob (kilala rin bilang Israel). Batay sa salaysay na nasa Lumang Tipan ng Bibliya (sa Henesis 25:30), tinawag siyang ganito sapagkat ipinagbili muna ni Esau kay Jacob ang karapatan niya bilang panganay (naunang iluwal si Esau) bago bigyan ni Jacob si Esau ng hinihingi nitong "pulang pagkain" na niluto ng kapatid. Noong panahon nina Esau at Jacob, ibinibigay o ipinamamana sa panganay na anak ang malaking bahagi ng mana o pag-aari ng angkan. Sa pagbibili ni Esau ng kanyang pagkapanganay kay Jacob  – dahil sa pagkaing kulay pula  – hindi binigyan ng kahalagahan ni Esau ang kanyang karapatan bilang panganay na tagapagmana.[1]

Ayon pa din sa Lumang Tipan ng Bibliya, kay Esau, na naging Edom, nagmula ang pangalan ng mga Edomita, isang sinaunang mga taong nanirahan sa isang pook na malapit sa Israel. Sila ang mga inapo ni Esau.[1] Sa loob ng Imperyong Romano, kilala bilang Idumaea ang lugar na kanilang pinananahanan.

  1. 1.0 1.1 1.2 Abriol, Jose C. (2000). "Edom, mapula; may paliwanag ukol sa karapatan ng panganay na anak kaugnay ng mana; Esau at Edomita". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 43, 44, at 46.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.