Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Denys Shmyhal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Denys Shmyhal
Денис Шмигаль
Opisyal na larawan, 2020
Ika-18 Punong Ministro ng Ukranya
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
4 Marso 2020
PanguloVolodymyr Zelenskyy
DiputadoOleksiy Lyubchenko
Yulia Svyrydenko
Nakaraang sinundanOleksiy Honcharuk
Personal na detalye
Isinilang (1975-10-15) 15 Oktubre 1975 (edad 49)
Lviv, Ukrainian SSR, Soviet Union
(ngayo'y Lviv, Ukraine)
Partidong pampolitikaIndependent
AsawaKateryna Shmyhal
Anak2
EdukasyonLviv Polytechnic
Trabaho

Si Denys Anatoliyovych Shmyhal ( Ukranyo: Денис Анатолійович Шмигаль  ; ipinanganak noong Oktubre 15, 1975) [1] ay isang Ukranyong politiko at negosyante na kasalukuyang nagsisilbi bilang Punong Ministro ng Ukranya mula noong 2020. [2] Bago siya naging punong ministro, si Shmyhal ay ang gobernador ng Ivano-Frankivsk Oblast at isang kumikilos na pangalawang punong ministro sa Pamahalaang Honcharuk. [3] [4]

Bilang Punong Ministro, si Shmyhal ang namamahala sa pagtugon sa pandemya ng COVID-19 as Ukranya. [5]

Ang mga magulang ni Shmyhal ay sina Anatoly Ivanovich at si Irina Feliksovna. [6]

Noong 1997, nagtapos si Shmyhal sa Politekniko ng Lviv . Hawak niya ang titulong Kandidato para sa Ekonomikong Agham (2003). [7] Mula sa kanyang pagtatapos noong 1997 hanggang Setyembre 2005, nagtrabaho si Shmyhal bilang isang tagapagtuos sa iba't ibang kumpanya. [8] Mula Setyembre 2005 hanggang Hunyo 2006, si Shmyhal ay naging Deputy General Director ng isang kumpanya na tinatawag na "LA DIS". [8] Mula Hunyo 2006 hanggang Agosto 2008, siya ay naging Direktor para sa kumpanya ng pamumuhunan na nagngangalang "Comfort-Invest". [8] Mula Setyembre 2008 hanggang Setyembre 2009, si Shmyhal ay Pangkalahatang Direktor ng isang kumpanya na tinatawag na "ROSANINVEST LLC". [8]

Nagtrabaho si Shmyhal sa maraming nangungunang tungkulin sa pulitika sa Lviv Oblast ng Ukraine mula 2009 hanggang Disyembre 2013. [8] Una, bilang Puno ng Kagawaran ng Ekonomiya sa Administrasyong Lviv Oblast sa pagitan ng 2009 at 2011. [1] [8] Doon niya nakilala at nakatrabaho si Oleh Nemchinov na, sa 2020, ay magiging Ministro ng Gabinete ng mga Ministro sa Pangangasiwang Shmyhal . [9] Si Shmyhal pagkatapos ay naging Puno ng Departamento ng Ekonomiks at Pulisiyang Industriyal para sa buong 2012. [8] Noong 2013, siya ay Pinuno ng Departmento of Ekonomikong Pag-unlad, Pamumuhunan, Kalakal at Industriya. [8]

Sa unang apat na buwan ng 2014, si Shmyhal ay isang tagapagkonsulta sa isang People's Deputy ng Ukraine . [8]

Nakipagpulong si Shmyhal kay US Secretary of State Antony J. Blinken sa Washington DC, noong Abril 22, 2022.

Mula Mayo 2014 hanggang Disyembre 2014, nagtrabaho si Shmyhal bilang Diputadong Puno ng opisinang rehiyonal ng Lviv Oblast ng Ministry of Revenues and Duties . [8] [2]

Naglingkod siya bilang Bise Presidente ng Lviv -based frozen goods distributor TVK Lvivkholod mula 2015 hanggang 2017. [2]

Mula 2018 hanggang 2019, nagsilbi si Shmyhal bilang Direktor ng Burshtyn TES na siyang pinakamalaking tagapaggawa ng kuryente sa Ivano-Frankivsk, at bahagi ng mga hawak ni Rinat Akhmetov . [10] [11] [12]

Mula Agosto 1, 2019 hanggang sa kanyang paghirang sa ministeryal, si Shmyhal ay naging Gobernador ng Ivano-Frankivsk Oblast . [4]

Noong 4 Pebrero 2020, siya ay hinirang na Ministro ng Kaunlarang Kagawaran ng Rehiyon . [13]

Pinalitan ni Shmyhal si Oleksiy Honcharuk bilang punong ministro ng Ukranya mula noong Marso 2020. [14]

Noong 2021, ang 46-taong-gulang na si Denys Shmyhal ay pumasok sa TOP-100 na pinaka-maimpluwensyang Ukrainyo ayon sa lingguhang magasin na Focus . Ang Punong Ministro ay binigyan ng ika-7 puwesto sa mga rating. Ang tagumpay ni Shmyhal ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng suporta ni Volodymyr Zelenskyy at ang mga inisyatiba ng tanggapan ng pampanguluhan .

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 "Голова обласної державної адміністрації". www.if.gov.ua (30 October 2019 archived page via Wayback Machine) (sa wikang Ukranyo). Inarkibo mula sa orihinal noong 2019-10-30. Nakuha noong Enero 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Шмигаль Денис Анатолійович". dovidka.com.ua (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong Enero 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Денис Шмигаль – новий прем'єр України". Ukrayinska Pravda (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 2020-03-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Decree of the President of Ukraine № 574/2019". Office of the President of Ukraine (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong Enero 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Denys Schmygal zum neuen Premierminister ernannt". www.ukrinform.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong 2020-03-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Denys Shmyhal". pg. 15 Oktubre 2022. Nakuha noong 15 Oktubre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Шмигаль Денис Анатолійович". slovoidilo.ua (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong Enero 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. 8.00 8.01 8.02 8.03 8.04 8.05 8.06 8.07 8.08 8.09 (sa Ruso)/(website has automatic Google Translate option) Small biography of Denys Shmyhal, LIGA
  9. "Shmyhal and "his" team. How Zelensky's second government works". Ukrayinska Pravda (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong Mayo 25, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Хто такий Денис Шмигаль, який може замінити Гончарука [Who is Denis Shmigal who can replace Goncharuk]. BBC. 3 Marso 2020. Nakuha noong 21 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Zelensky decided on the heads of Lviv and Ivano-Frankivsk Regional State Administration". opinionua.com. Hulyo 6, 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 8, 2019. Nakuha noong Enero 17, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Боднар, Наталя (Bodnar, Natalia) (5 Marso 2020). Денис Шмигаль очолив Кабінет міністрів: що про нього відомо [Denis Schmigal heads the Cabinet: what is known about him]. 24 Kanal (sa wikang Ukranyo). Nakuha noong 21 Marso 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  13. Ukraine's parliament appoints Shmyhal as Deputy Prime Minister, Minister of Community Development, UNIAN (4 February 2020)
  14. "Zelensky shakes up Ukraine government and proposes new prime minister". Financial Times. Nakuha noong 2020-03-04.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)(Subscription required.)