Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Dawson's Creek

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dawson's Creek
UriTeen drama
GumawaKevin Williamson
Pinangungunahan ni/nina
Kompositor
  • Danny Lux (season 2)
  • Stephen Graziano (season 2)
  • Mark Mothersbaugh (season 3)
  • Adam Fields (karamihan)
  • Dennis McCarthy (season 2, at pangwakas na tugtog nang kapanahunang iyon)
Bansang pinagmulanEstados Unidos
WikaIngles
Bilang ng season6
Bilang ng kabanata128 (:en:List of Dawson's Creek episodes)
Paggawa
Prodyuser tagapagpaganap
LokasyonWilmington, Hilagang Carolina
Cape Cod, Massachusetts
Ayos ng kameraSingle-camera
Oras ng pagpapalabas45 minuto
Kompanya
DistributorSony Pictures Television Distribution
Pagsasahimpapawid
Orihinal na himpilanThe WB
Orihinal na pagsasapahimpapawid20 Enero 1998 (1998-01-20) –
14 Mayo 2003 (2003-05-14)
Kronolohiya
Kaugnay na palabasYoung Americans
One Tree Hill
Website
Opisyal

Ang Dawson's Creek ay isang serye ng pangkabataang dramang pantelebisyon sa Amerika tungkol sa kathang-buhay ng isang barkadang nagsimula noong sila'y nasa mataas na paaralan at nagpatuloy hanggang sa kolehiyo. Pinagbidahan ang serye nina James Van Der Beek bilang si Dawson Leery, Katie Holmes bilang kanyang matalik na kaibigan at minamahal na si Joey Potter, at Joshua Jackson bilang kanyang matalik ding kaibigang si Pacey Witter. Ginampanan naman ni Michelle Williams ang papel ni Jen Lindley, na lumipat mula sa New York patungong Capeside.

Nilikha ang palabas ni Kevin Williamson[1] at inilunsad sa The WB noong 20 Enero 1998 at ipinrodyus ng Columbia TriStar Television (na naging Sony Pictures Televsion bago ang ikaanim at huling kapanahunan o season). Ang serye ay kinunan sa Wilmington, Hilagang Carolina. Bahagi ng bagong kinababaliwang mga palabas sa sine at telebisyon ng mga kabataan sa Amerika noong huling bahagi ng dekada 90, ito ang nagdala sa mga bida nito sa kasikatan at naging isang mahalagang palabas para sa The WB. Nagtapos ang serye noong 14 Mayo 2003.[2]

Pumasok ang naturang palabas sa ika-90 puwesto sa talaan ng New TV Classics ng magasing Entertainment Weekly.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Dawson's Creek". tv.com. Estados Unidos: CBS Interactive Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Abril 2015. Nakuha noong 12 Abr 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Susman, Gary (3 Peb 2003). "Up the 'Creek'". Entertainment Weekly. Estados Unidos: Entertainment Weekly Inc. Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Mayo 2014. Nakuha noong 6 Abr 2012. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The New Classics: TV". Entertainment Weekly. Estados Unidos: Entertainment Weekly Inc. 18 Hun 2007. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Septiyembre 2018. Nakuha noong 5 Peb 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)