Guro ng Katwiran
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Ang Guro ng Katwiran (Ingles: Teacher of Righteousness; Hebreo: מורה הצדק Moreh ha-Tsedek) ay isang pigurang matatagpuan sa ilang mga teksto sa Mga balumbon ng Patay na Dagat (Ingles: Dead Sea Scrolls) sa Qumran na ang pinakakilala ang Dokumentong Damascus.[1] Ang dokumentong ito ay maikling naghahayag ng mga pinagmulan ng sektang pinaniniwalaang Mga Essene mga 390 taon pagkatapos ng pagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita at pagkatapos ng 20 taon ng bulag na "paghapuhap" sa daan. "Ang Diyos... ay nagtayo para sa kanilang ng isang Guro ng Katwiran upang gabayan sila sa daan ng Kanyang puso".[2]
Ang Guro ay itinanyag bilang mayroong angkop na pagkaunawa sa Torah na kwalipikado sa wastong instruksiyon,[3] at bilang isa na siyang paghahayagan ng Diyos sa pamayanan "ng mga nakatagong bagay kung saan ang Israel ay naligaw."[4]
Pagkakakilanlan ng Guro
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman ang eksaktong katauhan ng Gurong ito ay hindi alam batay sa teksto ng skrolyong Patakaran ng Pamayanan(Community Rule), ang mga guro ng sektang ito ay tinutukoy bilang mga Kohen(saserdote o priests) ng angkang patrilinyal ni Tzadok[5] (ang unang saserdoteng naglingkod sa Unang Templo na nagtulak sa mga skolar na ipagpalagay ang Guro bilang isang Mga anak na Kohanim ni Tzadok).
Ang "nawawalang" Mataas na Saserdote nang 159–152 BCE
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang teoriyang inisyal na itinaguyod ni Jerome Murphy-O'Connor[6] at kalaunan ni Stegemann ay ang Guro ng Katwiran ay nagsilbi bilang Kohen Gadol(Mataas na Saserdote) ngunit kalaunan ay napatalsik ni Jonathan Maccabeus. Sa 1 Macabeo, walang Mataas na Saserdote na pinangalanan sa panahon mula sa kamatayan ni Alcimus noong 159 BCE hanggang sa pag-aangkin ng posissyon ng Mataas na Saserdote ni Jonathan sa autoridad ni Alexander Balas noong 152 BCE (1 Macc 10:18-20). Mula rito, maaaring bigyan ng konklusyon na walang Mataas na Saserdote sa mga taong ito at ang katunayan, ang historyan na si Josephus na mabigat na humango sa 1 Macabeo sa puntong ito ng kasaysayan ay dumating sa konklusyong ito. (Ant. 20.237). Gayunpaman, hindi malaman na ang opisinang ito ay buong nabakante sa mga taong ito. Iminungkahi ni Stegemann na ang dahilan na walang sinabi sa 1 Macabeo tungkol sa Mataas na Saserdote sa pagitan nina Alcimus at Jonathan ay apolohetiko: upang ikubli ang katotohanan ang mga Hasmonean ay nagkamit ng Mataas na Pagkasaserdote sa pamamagitan ng pag-agaw mula sa nararapat na tagahawak nito, ang Guro ng Katwiran.[7] Sinunod ni Alvar Ellegård ang linyang ito ay nangatwirang ang Guro ng Katwiran ay hindi lang pinuno ng Mga Essene sa Qumran ngunit katulad rin ng orihinal na Hesus mga 150 taon bago ang panahon ng pagkakalikha ng mga ebanghelyo.[8]
Ang mga kritiko ng teoriyang ito ay nagakusa rito nang pagiging labis na hipotetikal: ang paglalagay ng Guro bilang Mataas na Saserdote sa isang kunbinyenteng pagitan sa panahong walang Mataas na Saserdote ang naitala sa ilang mga sangguniang meron tayo. Hindi sa Dokumentong Damascus, o sa 1QS o sa 4QMMT ay nagmumungkahing ang lehitimasya ng Mataas na Saserdote ay isyu sa paghihiwalay. Sa karagdagan, ang motibasyon sa likod ng sekta mula sa nananaig na Hudaismo ay lumalabas na isang relihiyoso kesa isang pampolitika na kalikasan.
Isang Unang siglong BCE pigurang mesiyas
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminungkahi ni Michael O. Wise na ang Guro ng Katwiran ang "unang mesiyas" na isang pigurang nauna mas kay Hesus nang mga 100 taon.[9] Ang pigurang ito na pinaniniwalaan ni Wise na may pangalang Judah ay nakilala sa panahon ni Alexander Jannaeus at naging isang saserdote at konpidante ng hari. Gayunpaman, ito ay naging hindi masaya sa mga sektang relihiyoso sa Herusalem at bilang reaksiyon ay nagtatag ng isang "kultong krisis". Habang nagtitipon ng mga tagasunod, ang Guro(at ang mga tagasunod nito) ay nag-angkin na indibidwal na ito ang katuparan ng ilang mga propesiya sa Bibliya na may pagbibigay diin sa mga matatagpuan sa Aklat ni Isaias. Ang Guro ay kalaunang napatay ng kapunuang relihiyoso sa Herusalem at ang kanyang mga tagasunod ay naghiyaw sa kanya bilang pigurang mesiyaniko na dinakila sa trono ng diyos. Pagkatapos nito ay inasahan ng mga ito na ang Guro ay magbabalik upang humatol sa mga masasama at pangunahan ang mga matuwid sa ginintuang panahon at ito ay mangyayari sa loob nang apatnapung mga taon. Ipinaliwanag ni Wise na ang pagpepetsa ng mga manuskritong kopya sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay nagpapakitang ang mga tagasunod ng Guro pagkatapos ng kamatayan nito ay labis na dumami sa loob ng ilang mga taon ngunit nang ang hinulaang panahon ay nabigong umangkop sa mga inaasahan, ang kanyang mga tagasunod ay mabilis na naubos.
Isang saserdoteng Saduceo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang ibang mga dokumento sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat ay naglalarawan sa Guro bilang nasasangkot sa isang mabigat na alitan laban sa isang pigurang pinangalanang "Masamang Saserdote" na nagtulak sa ilang mga pagmumungkahi para sa katauhan: Isang saserdoteng Saduceo(Zadokim) bilang Guro na posibleng ang lehitimong mataas na saserdote laban sa isang "masamang" Jonathan Maccabee na isang mahalagang alitang binangit sa mga Aklat ng Macabeo. Ang "Zadok" sa Hebreo (צדוק) ay isinasalin bilang "matuwid".
Si Hillel laban kay Shammai
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tinukoy ni Rabbi Harvey Falk si Hillel ang Matanda bilang Guro laban sa isang "masamang" Shammai na isang malaking alitang binanggit sa Talmud(Jerusalem Talmud Shabbat 1:4).[10] Ang karamihan sa mga skolar ay nagpetsa sa Dokumentong Damascus at sa marami sa Mga skrolyo ng Patay na Dagat sa taong 100 BCE na labis na mas nauna kay Hillel at Shammai. Gayunpaman, ang radio carbon dating na ginawa sa kopya ng Dokumentong Damascus ay nagpepetsa rito sa pagitan ng 44 BCE at 129 CE.
Santiago, kapatid ni Hesus laban kay Pablo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminungkahi ni Robert Eisenman si Santiago na kapatid ni Hesus bilang Guro laban sa isang "masamang saserdoteng"(Ananus ben Ananus) at isang tagahayag ng mga kasinungalingan na tinukoy ni Eisenman bilang si Apostol Pablo ng Tarsus.[11][12] Gayunpaman, ang introduksiyon ng Guro ng Katwiran sa Dokumentong Damascus(CD 1:5-11) ay naglalagay sa pag-akyat ng pigurang ito bago ang pagsiklab ng himagsikang Macabeo sa unang kalahati nang ikalawang siglo BCE.[13] Ang petsang ito ay mga dalawang daang taong mas maaga kesa sa sinasabing panahon ni Santiago na kapatid ni Hesus.
Judah na Essene
[baguhin | baguhin ang wikitext]Iminungkahi ni Stephen Goranson si Judah ang Essene na binanggit ni Josephus ang Guro.[14]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ (CD)
- ↑ (CD 1:9-11)
- ↑ i.e. an inspired interpreter of the prophets, as the one “to whom God made known all the mysteries of the words of his servants the prophets” -1QpHab 7:5
- ↑ (CD 3:12-15)
- ↑ Serech HaYachad text -Sod H'Megilloth (B.T. Katz) p. 22
- ↑ Jerome Murphy-O'Connor, Teacher of Righteousness, Anchor Bible Dictionary VI, p340f
- ↑ H. Stegemann, The Library of Qumran: On the Essenes, Qumran, John the Baptist, and Jesus. Grand Rapids MI, 1998
- ↑ Alvar Ellegård; Jesus – One Hundred Years Before Christ: A Study In Creative Mythology, London (1999). ISBN 0-87951-720-4
- ↑ Michael O. Wise, The First Messiah: Investigating the Savior Before Christ, HarperCollins 1999
- ↑ Rabbi Harvey Falk, Jesus the Pharisee: A New Look at the Jewishness of Jesus, p53f
- ↑ James the Brother of Jesus, Penguin, 1997–98, pp. 51–153 and 647-816.
- ↑ "Robert Eisenman's The New Testament Code: The Cup of the Lord, the Damascus Covenant, and the Blood of Christ".
- ↑ "Dating the 'Teacher of Righteousness' from the DSS". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-09-06. Nakuha noong 2012-07-06.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ The significance of Sinai: traditions about Sinai and divine ed. George J. Brooke, Hindy Najman, Loren T. Stuckenbruck - 2008 p123 footnote: "Greek word “Εσσενοι,” see Stephen Goranson, “Jannaeus, His Brother Absalom, and Judah the Essene” self-published on-line paper http://www.duke.edu/~goranson/jannaeus.pdf