Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Taong bisyesto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bisyestong taon)

Ang taong bisyesto (sa Ingles: leap year, "taon ng paglundag", "taon ng paglukso", "taon ng pag-igtad", o "taon ng pag-iktad") ay ang taon na naglalaman ng karagdagang araw o buwan upang makahabol sa pangkalendaryong taon na kasabay ng isang astronomikal o pana-panahong taon. Hindi umuulit ang tumpak na bilang ng mga araw sa mga pangyayari sa panahon at astronomiya, dahil dito ang isang kalendaryo na may parehong bilang ng mga araw sa bawat taon ay aanod palayo sa aktuwal na pangyayari na sinusundan nito. Naitatama ito sa pamamagitan ng paminsan-minsang pagpasok (o interkalasyon) ng isang karagdagang araw o buwan sa taon. Ang tawag sa taong hindi bisyesto ay karaniwang taon.

Halimbawa, sa kalendaryong Gregoryano, bawat taong bisyesto ay tumatagal ng 366 na araw sa halip na 365 sa karaniwan, sa pamamagitan ng pagpahaba ng araw sa Pebrero sa 29 na araw sa halip na 28 araw sa karaniwan. Sa kaparehong kaparaanan, sa kalendaryong Hebreo, ang Adar Aleph, ang ika-13 buwang lunar ay dinadagdag ng pitong beses bawat 19 na taon sa labindalawang buwan na lunar sa kanyang karaniwang mga taon upang mapanatili ang kalendaryong taon mula sa pagtangay nito sa kapanahunan (season).

Hindi dapat ipagkamali ang taong bisyesto (na hinahabol ang kalendaryo upang tumama sa taon) sa segundong bisyesto (na hinahabol ang oras upang tumama sa araw).

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.