Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Biyoinhenyeriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang biyoinhenyeriya (bioengineering) o inhenyeriyang biyolohiya (biological engineering) (kasama ang sistemang inhinyerang biyolohiya) ay ang paglalapat ng mga kaalaman at karunungan ng biyolohiya (kasama na rin ang pisika, kimika, matematiko, at agham pangkompyuter) para masolusyonan ang praktikal na problema na nahahanap sa biyolohiya o sa paggamit nito habang ginagamit ang karunungan mula sa kaalaman at karunungan mula sa inhenyeriya. Tinatalakay din ang praktikalidad ng mga solusyon na nagagawa nito. Habang ang tradisyonal na inhenyeriya ay nakagagamit ng pisika at matematika upang pag-aralan, magdisenyo, at gumawa ng mga kagamitang di nabubuhay, ang inhenyeriyang biyolohiya naman ay nakagagamit ng biyolohiyang molekular upang pag-aralan at palawakin ang paggamit ng mga organismo upang makagawa ng biyoteknolohiya

Isa sa mga importanteng paggamit nito ay ang pag-aaral at paglikha ng mga solusyon sa mga problema sa kalusugan ng tao, pero mas marami pa ang sinasakop ng larangang ito. Ang biomimetics ay isang sangay ng inhenreriyang biyolohiya na nagsusumikap na pag-aralan ang mga istruktura at proseso sa mga buhay na organismo at ang paggamit nito bilang inspirasyon sa paggawa ng materyales at makina. Ang biolohiya ng mga sistema naman ay nakatuon na gamitin ang kapasidad ng inhinyero sa mga sistema at ang mga konsepto sa “reverse engineering” para mapasilidad ang pagpansin sa istruktura, gamit, at kung paano gumagana ang sistema sa biyolohiya.

Ang pagkakaiba ng inhenyeriyang biyolohiya at inhenyeriyang biomedikal ay minsang di malinaw, at minsan pinagpapalit-palit ang gamit nito sa akademiya. Ang inhenyeriyang biomedikal ay nakatuon lamang sa paggamit ng mga konsepto sa biyolohiya sa paglikha ng mga imbensyong panmedikal. Ang inhenyeriyang biyolohiya naman ay nakatuon sa paggamit ng konsepto ng inhenyeriya sa konsepto sa biyolohiya, hindi lang ng mga aspektong panmedikal. Kaya wala sa kanila ang sakop ang isa kasi maaring may “hindi biyolohikal” na produkto na magagamit para sa medisina at may “biyolohikal” na produkto na hindi panmedisina (kasama ng huli ang sistemang inhenyeriyang biyolohiya).