Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Betty Friedan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Betty Friedan
Kapanganakan4 Pebrero 1921
  • (Peoria County, Illinois, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan4 Pebrero 2006[1]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika
NagtaposSmith College
University of California, Berkeley
Trabahomamamahayag, manunulat, sosyologo, sikologo

Si Betty Friedan (ipinanganak na Bettye Naomi Goldstein[2][3][4] noong 4 Pebrero 1921 sa Peoria, Illinois,[5] - namatay noong 4 Pebrero 2006) ay isang Amerikanang manunulat, aktibista at peminista.[6] Siya ang nagsulat ng aklat na pinamagatang The Feminine Mystique noong 1963.[7] Binigyan niya ng pansin ang kawalan ng kasiyahan ng mga babae sa mga tradisyunal na mga gampanin ng babae. Iginiit niya sa kaniyang aklat na higit na marami pa sa buhay ng kababaihan kaysa sa mga nagagawa o mga tagumpay ng kanilang mga asawang lalaki at mga anak. Naging isa siyang pinuno ng mga kilusang pangkarapatan ng mga babae noong mga dekada ng 1960 at ng 1970.[8] Sa isang panayam para sa magasing Life, sinabi niya ang mga pangungusap na "Women of the world unite! You have nothing to lose but your vacuum cleaner!" ("Magkaisa mga kababaihan ng mundo! Walang mawawala sa inyo kundi ang mga vacuum cleaner lamang ninyo!")[6] Tumulong siya sa pagtatatag ng National Organization for Women (NOW) noong 1966 at siya ang naging unang pangulo nito.[9] Noong 1981, nalathala ang kaniyang The Second Stage. Sa aklat na ito binanggit ni Friedan na ang kilusang pangkababaihan ay nakarating na sa pangalawang yugto nito.

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga magulang ni Friedan ay sina Harry at Miriam (Horwitz) Goldstein, na ang mga pamilyang Hudyo ay nagmula sa Rusya at Hunggarya.[10][11] Ikinasal si Friedan kay Carl Friedan noong 1947.[12] Namatay si Friedan noong kaniyang ika-86 na kaarawan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.nytimes.com/2006/02/05/national/05friedan.html?ex=1296795600&en=30472e5004a66ea3&ei=5090.
  2. Fox, Margalit (5 Pebrero 2006). Betty Friedan, Who Ignited Cause in 'Feminine Mystique,' Dies at 85. N.Y. Times, Nakuha noong 2 Pebrero 2010.
  3. Sweet, Corinne (7 Pebrero 2006). Ground-Breaking Author of 'The Feminine Mystique' Who Sparked Feminism's Second Wave. The Independent (obitwaryo) Naka-arkibo 2014-07-22 sa Wayback Machine. (London, Inglatera, U.K.), nakuha noong 2 Pebrero 2010.
  4. Betty Friedan, sa 300 Women Who Changed the World. Encyclopædia Britannica, Nakuha noong 2 Pebrero 2010.
  5. Wing Katie Loves Jason, Liz (2006). "NOW Mourns Foremothers of Feminist, Civil Rights Movements". National Organization for Women. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-11-20. Nakuha noong 19 Pebrero 2007.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. 6.0 6.1 "Betty Friedan by Truthout.org". zcommunications.org. ZCommunications. Nakuha noong 27 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "National Women's Hall of Fame - Women of the Hall". greatwomen.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-09-22. Nakuha noong 27 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R112.
  9. "Betty Friedan, Who Ignited Cause in 'Feminine Mystique,' Dies at 85 - New York Times". nytimes.com. Nakuha noong 27 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. History of American Political Thought - Google Books
  11. Women advocates of reproductive rights: eleven who led the struggle in the ... - Moira Davison Reynolds - Google Books
  12. Betty Friedan, biography.com