Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Aristophanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Aristophanes
Kapanganakan445 BCE (Huliyano)
  • (Achaea)
Kamatayan385 BCE (Huliyano)
MamamayanAntigua Atenas
Trabahomanunulat ng komedya, mandudula, makatà
AnakAraros

Si Aristophanes o Aristofanes (ipinanganak noong humigit-kumulang sa 450/445 BCE - namatay noong humigit-kumulang sa 385 BCE) ay isang Griyegong manunulat na nagsulat ng 40 mga dula. Subalit, 11 lamang sa mga dulang ito ang umiiral sa ngayon o nakaligtas nang buo. Tanyag si Aristophanes dahil sa pagsulat ng mga komedya na mga satiro o pang-uuyam na "matalas" na pumupukol sa bantog na mga tao noong kapanahunan niya, at sa mga kahinang napakapantao ng mga karaniwang tao. Ang kaniyang kilalang dula na pinamagatang Lysistrata ay patungkol sa isang pangkat ng mga babae na tumututol laban sa isang digmaan sa pamamagitan ng hindi pakikipagtalik sa kanialng mga asawa hanggang sa magwakas na ang digmaan.

Ang sinaunang teatrong Griyego ay unang iniharap sa mga paligsahan sa kapistahan ni Dionysia, na handog sa diyos na si Dionysus. Ang nakakatawag ng pansing bagay ay ang hindi palaging pagwawagi ni Aristophanes ng unang gantimpala. Ang mga dulang nagwagi ng mas matataas na gantimpala kaysa kay Aristophanes ay hindi na umiiral o hindi na nailigtas, kung kaya't hindi makakagawa ng anumang mga paghahambing.


TalambuhayGresya Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Gresya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.