Aquaman (pelikula)
Aquaman | |
---|---|
Direktor | James Wan |
Prinodyus |
|
Itinatampok sina |
|
Musika | Rupert Gregson-Williams |
Sinematograpiya | Don Burgess |
In-edit ni | Kirk Morri |
Tagapamahagi | Warner Bros. Pictures |
Inilabas noong | 26 Nobyembre 2018 (London) 21 Disyembre 2018 (Estados Unidos) 14 Disyembre 2018 (Pilipinas) |
Haba | 143 minuto[1] |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Badyet | $160-200 milyon[2] |
Kita | $1.131 bilyon[3] |
Ang Aquaman ay isang pelikula na hango sa karakter ng DC Comics na si Aquaman. Ito ang ikaanim na pelikula ng DC Extended Universe (DCEU). Ito ay mula sa direksyon ni James Wan at sa istorya ni Geoff Johns, Wan at Beall. Pinagbibidahan ito ni Jason Momoa, Amber Heard, Willem Dafoe, Patrick Wilson, Dolph Lundgren, Yahya Abdul-Mateen II, at Nicole Kidman. Ito ang ikatlong pelikula na kinabibilangan ni Aquaman; ang dalawang iba pa ay ang Batman v Superman: Dawn of Justice (2016) at ang Justice League (2017). Sa pelikula, si Arthur Curry, ang tagapagmana ng pagkahari sa Kaharian ng Atlantis, ay kailangan panguluhan ang kanyang nasasakupan laban kay Orm, ang kanyang kapatid na lalaki sa ina, dahil ito ay nagbabadyang umatake sa mundo ng mga tao.
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1985 sa Maine habang bumabagyo, iniligtas ng tagapag-ingat ng parola na si Thomas Curry si Atlanna, ang prinsesa ng kaharian ng Atlantis sa ilalim ng tubig. Nag-ibigan sila at nagkaroon ng anak na si Arthur, na ipinanganak na may kakayahang makipag-usap sa iba't ibang uri ng mga pandagat na nilalang. Samantala, napilitan si Atlanna na iwan ang kanyang pamilya at bumalik sa Atlantis, habang ipinagkatiwala niya naman kay Nuidis Vulko ang pangangalaga at pagsasanay para sa labanan kay Arthur. Ngunit, hindi tinanggap ng buo ng mga Atlanteyo si Arthur dahil siya ay kalahating tao at kalahating Atlanteyo, kaya iniwanan na ng lubusan ni Arthur ang kanyang pagiging Atlanteyo.
Isang taon makalipas ang paglusob ni Steppenwolf,[N 1] kinalaban ni Arthur ang isang grupo ng pirata na tinangkang salakayin ang isang submarinong Ruso. Ang pinuno ng mga pirata, si Jesse Kane, ay namatay sa labanan samantalang ang kanyang anak na si David Kane, ay sumumpang gagantihan si Arthur dahil siya ang sinisi nito sa pagkamatay ng kanyang ama. Inatake ni David ang Atlantis ayon sa utos ni Orm, ang nakababatang kapatid sa ina ni Arthur at ang kasalukuyang hari ng Atlantis na ginawang dahilan ang pag-atake upang magkaroon ng rason para lumusob sa mundong ibabaw. Si Haring Nexus ng Xebel ay nakipag alyansa kay Orm, ngunit ang kanyang anak na si Mera, na ipinagkasundong ipakasal kay Orm, ay hindi sumang-ayon sa kanilang dalawa at pumunta sa mundong ibabaw upang humingi ng tulong kay Arthur. Tumugon si Arthur sa hininging tulong ni Mera nang magpadala ng malalaking daluyong si Orm na tumama sa mga lungsod sa tabing baybayin at nang iligtas ni Mera ang kanyang ama na si Thomas. Sinamahan ni Arthur si Mera kay Vulko, na pinilit si Arthur na hanapin ang Sibat ni Atlan, isang makapangyarihang armas na pagmamay-ari ng kauna-unahang pinuno ng Atlantis, upang siya ang maging nararapat na hari ng Atlantis. Tinambangan sila ng mga tauhan ni Orm. Nakatakas si Mera at Vulko, samantalang nahuli naman si Arthur.
Nagtagpo si Orm at si Arthur at dito niya sinabi na pinapatay ang kanilang ina na si Atlanna dahil sa pagkakaroon ng anak na kalahating-lahi. Sinisisi ni Orm si Arthur at ang mundo ng mga tao sa kanyang pagkamatay. Inalok niya si Arthur na iwanan na ang Atlantis habang-buhay, pero tinangihan siya nito at hinamon ng labanan. Nanaig si Orm sa labanan at muntik na niyang mapatay si Arthur ngunit siya ay iniligtas ni Mera. Silang dalawa ay nagtungo sa disyerto ng Sahara kung saan nilikha ang Sibat ni Atlan, at napagalaman mula sa isang holograpiya ang lokasyon nito kaya sila napapunta sa Sicilia, at doon naman nila napagalaman kung saan matatagpuan ang Sibat. Samantala, binigyan ni Orm ng mga sandata at teknolohiyang Atlanteyo si David bago niya ito inatasan na pigilan si Arthur. Ipinakulong niya rin si Vulko nang malaman nito ang kanyang pagtataksil, at pinuwersya ang mga kaharian ng Atlantis para makipag-alyansa sa kanya at labanan ang mundong ibabaw. Ginamit ni David ang mga binigay ni Orm at pinaigting pa ito.
Sa Sicilia, si David, na ngayon ay tinatawag na ang sarili bilang si Black Manta, ay tinambangan si Arthur at si Mera at kanyang napuruhan si Arthur bago siya mahulog sa bangin at inakalang patay na. Pinagaling ni Mera si Arthur habang naglalakbay sila upang hanapin ang Sibat, at pinalakas ang kanyang loob upang yakapin ang kapalaran niya bilang bayani at tagapagligtas. Nang makarating na sila sa kanilang patutunguhan, inatake sila ng hukbo ng mga halimaw na kung tawagin ay mga Trintsera, pero nagawa nilang matakasan ang mga ito at narating ang isang wormhole na ipinadala sila sa isang di pa natutuklasang lugar sa karagatan sa gitna ng Daigdig. Doon nila muling natagpuan si Atlanna, at dito niya nakwento na siya ay sinakripisyo sa Trintsera pero nagawa niyang makatakas at napadpad sa lugar na ito at hindi na nakalabas simula noon.
Nakaharap ni Arthur si Karathen, isang napakalaking makapangyarihang nilalang na nagbabantay ng Sibat. Dito napatunayan ni Arthur na siya ang karapat-dapat para sa Sibat ni Atlan nang ipakita niya ang kanyang determinasyon para protektahan ang Atlantis at ang mundong ibabaw. Dahil dito, nagkaroon na ng kapangyarihan si Arthur at kontrol sa Pitong Dagat. Samantala, si Orm at kanyang mga kakampi ay lumusob laban sa mga pwersang crustacean ng Kaharian ng Brine dahil ito nalang ang kaharian na hindi pa nakaanib sa kanya. Ngunit si Arthur, Mera, at Atlanna, kasama na ang tulong ng Karathen at ng mga Trintsera, ay pumagitan sa labanan at pinangunahan ang ilang pandagat na nilalang para kalabanin si Orm at ang kanyang mga kaalyansa at upang sila'y hikayatin umanib kay Arthur, na siyang karapat-dapat na hari, at tagapagmana ng Sibat ni Atlan. Naglaban si Orm at si Arthur kung saan natalo si Orm. Pinili ni Arthur na buhayin si Orm at tinanggap naman niya ang kanyang pagkatalo at pagkakamali nang mapag-alaman na iniligtas ni Arthur si Atlanna. Bumalik si Atlanna sa mundo ng mga tao para magkita silang muli ni Thomas samantalang naghari namin si Arthur sa Atlantis kasama si Mera.
Sa isang eksena sa kalagitnaan ng kredito, nailigtas si Black Manta ni Dr. Stephen Shin, isang siyentipikong naghahanap sa Atlantis. Nagkasundo ang dalawa na ituturo ni Black Manta kay Shin kung nasaan ang Atlantis kapalit ang tulong nito upang makapag-higanti laban kay Arthur.
Tala
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Itinampok sa pelikulang Justice League (2017)
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Aquaman (2018)". Nakuha noong 27 Nobyembre 2018.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tatiana Siegel (6 Disyembre 2018). "Amber Heard on 'Aquaman,' Elon Musk, Dedication to Activism". Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Disyembre 2018. Nakuha noong 7 Disyembre 2018.
{{cite web}}
: Unknown parameter|dead-url=
ignored (|url-status=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aquaman (2018)". Box Office Mojo. Nakuha noong 18 Pebrero 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)