Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Apolinario Mabini

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Apolinario Mabini
Larawan ni Apolinario Mabini
Unang Punong Ministro ng Pilipinas
Nasa puwesto
23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899
PanguloEmilio Aguinaldo
DiputadoPedro Paterno
Nakaraang sinundanItinatag ang katungkulan
Sinundan niPedro Paterno
Ministro ng Ugnayang Panlabas
Nasa puwesto
23 Enero 1899 – 7 Mayo 1899
Nakaraang sinundanItinatag ang katungkulan
Sinundan niFelipe Buencamino
Personal na detalye
Isinilang
Apolinario Mabini y Maranan

23 Hulyo 1864 [1]
Talaga, Silangang Indiya ng Espanya
Yumao13 Mayo 1903(1903-05-13) (edad 38)
Maynila, Pilipinas
Partidong pampolitikaKatipunan
Alma materColegio de San Juan de Letran
Pamantasan ng Santo Tomas
PropesyonAbogado
Pirma

Si Apolinario Mabini y Maranan (23 Hulyo 1864 – 13 Mayo 1903) ay isang Pilipinong abogado, tagapayo sa pangulo, at punong katiwala (o punong ministro) ng pamahalaan na kumatha sa mga alituntunin ng pagkakana o konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas.

Ipinanganak siya sa, Tanauan, Batangas sa isang maralitang mag-anak. Ang kanyang mga magulang ay sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan. Siya ay naglingkod bilang kauna-unahang punong katiwala (o punong ministro) ng pamahalaan ng Pilipinas noong taong 1900.

Si Mabini ay ginugunita sa kanyang larawan sa sampung pisong salapi na inilalabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Siya ay may bansag na "Dakilang Lumpo" o "Dakilang Paralitiko".

Si Apolinario Mabini at Maranan (Apolinario Mabini y Maranan) ay ipinanganak noong 23 Hulyo 1864 sa barangay ng Talaga, Tanauan, Batangas. Siya ang ikalawa sa magiging walong anak nina Dionisia Maranan at Magpantay, at Inocencio Leon Mabini at Lira. Ang kanyang ina na si Dionisia ay isang tagapagbili sa pamilihan, at ang kanyang ama na si Inocencio ay isang magsasaka subali't hindi natutong bumasa o sumulat.

Pangunahing pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Mabini ay natutong bumasa mula sa kanyang ina. Ang pagsulat ay natutunan niya sa kanyang ingkong.

Kalaunan, nag-aral si Mabini sa paaralan ng paring si Valerio Malabanan.

Unang hakbang sa mga karunungan (bachiller en artes)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong taong 1881, si Mabini ay pinagkalooban ng pag-aaral na walang bayad sa Colegio de San Juan de Letran sa Maynila. Natapos niya rito ang unang hakbang sa mga karunungan (bachiller en artes). Siya ay naging tagaturo rin ng Latin.

Sa katungkulan ng manananggol o abogado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagpatuloy si Mabini at sinimulan ang pag-aaral sa katungkulan ng manananggol o sa abogasya sa Pamantasan ni Santo Tomas (Universidad de Santo Tomas).

Habang siya ay nag-aaral, siya ay sumapi sa La Liga Filipina ("ang Pilipinong samahan") ni Jose Rizal.

Tinapos ni Mabini ang pag-aaral na ito noong 1894. Sa makatuwid, siya ay ginawaran ng pahintulot na maging manananggol o abogado na kaagapay at kinikilala ng pamahalaang Kastila.

Pagkakasakit at pagkalumpo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1896, si Mabini ay nagkasakit ng polio at nalumpo.

Noong panahon ng himagsikan, si Mabini ay lihim na ipinatawag ni Heneral Emilio Aguinaldo at hinirang sa katungkulan ng tagapayo sa pangulo.

Noong pasinayaan ni Aguinaldo ang republika, binigyan niya si Mabini ng katungkulan na kalihim panlabas at pangulo ng sanggunian.

Sa panahong ito, isinulat niya ang tanyag niyang katha na Ang tunay na sampung utos ng Diyos.

Noong 1899, si Mabini ay nadakip ng Amerika at ibinilanggo sa Nueva Ecija. Ipinahayag niya noon sa kasulatan ang Pagbangon at Pagbagsak ng Himagsikang Filipino at El Simil de Alejandro ("Ang kahalintulad ni Aléksandros").

Noong 5 Enero 1901, si Mabini ay ipinatapon ng pamahalaan ng Amerika sa Guam.

Noong Pebrero 1903, pumayag si Mabini na makabalik sa Pilipinas kapalit ng panunumpa ng katapatan sa pamunuan ng Nagkakaisang mga Kapamahalaan sa Amerika o Estados Unidos (United States of America).

Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong 13 Mayo 1903 sa Nagtahan, Maynila.

  1. Mabini@150 FAQs, inarkibo mula sa orihinal noong 2014-03-24, nakuha noong 2014-07-22{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Iba pang babasahín

[baguhin | baguhin ang wikitext]