Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Albert Lutuli

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Albert Lutuli
Pangulo ng Pambansang Kongresong Aprikano
Nasa puwesto
1952 – 1967
Nakaraang sinundanJ. S. Moroka
Sinundan niOliver Tambo
Personal na detalye
Isinilangc. 1898
Bulawayo, Rhodesia
Yumao(1967-07-21)Hulyo 21, 1967
Stanger, KwaZulu-Natal, South Africa
Partidong pampolitikaPambansang Kongresong Aprikano
AsawaNokukhanya Bhengu
Estatuwa ni Albert Lutuli sa Liwasang Nobel ng V&A Waterfront sa Cape Town.

Si Albert John Lutuli o Albert John Luthuli,[1][2] (bigkas ng apelido: Lu-tu-li) na kilala rin sa kaniyang pangalang Zulu bilang "Mvumbi" (c. 189821 Hulyo, 1967), ay isang Timog Aprikanong guro at politiko. Isa siyang pinunong nagtaguyod ng kalayaan at pagpapalaya.[2] Nahalal si Lutuli bilang pangulo ng Pambansang Kongresong Aprikano (o African National Congress, ang ANC), sa panahon na isang katulong na organisasyon (umbrella organization) na namuno sa oposisyon laban sa mga pamahalaang minoridad ng mga puting mamamayan sa Timog Aprika. Ginawaran siya ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan noong 1960 dahil sa kaniyang ginawang papel sa walang-kaguluhang pakikibaka laban sa apartheid.

Isinilang si Lutuli sa Groutville Reserve, Natal, Rhodesia. Isinulat niya ang sariling talambuhay na pinamagatang Let My People Go.[2]

Mula 1935 hanggang 1952, naglingkod siya bilang hepe o pinuno ng tribong Abasemakholweni (kilala rin bilang tribong Zulu), ngunit inalis siya sa tungkulin ng pamahalaan dahil sa kaniyang ginampanang papel sa pagtanggi sa pagkakaroon ng segregasyon o paghihiwalay ng mga puti at mga itim noong 1952. Napili siya para maging presidente-heneral ng Pambansang Kongresong Amerikano noon taon ding iyon. Noong 1962, nahalal siyang maging rektor ng Pamantasang Glasgow.[2]

Ginawaran siya ng Gantimpalang Nobel Pangkapayapaan noong 1961 dahil sa kaniyang walang-bahid gulong oposisyon sa pagkakaroon ng apartheid sa Timog Aprika.[2]

  1. South African History Online, talambuhay ni Hepe Albert John Luthuli Naka-arkibo 2010-02-16 sa Wayback Machine.: "Tala hinggil sa mga pangalan: karaniwang binabaybay na Luthuli ang huling pangalan ni Luthuli, na nasa kaniyang awtobiyograpiya, na inihanda para sa paglilimbag ng mga kaibigang hindi nagsasalita ng bernakular na wika. Subalit mas talagang ibig ni Luthuli ang ibang pagbabaybay at lumagda siyang walang titik na h ang pangalan."
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Albert John Luthuli". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]