Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Abugida

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga abugida sa Pilipinas, kilala bilang Baybayin.

Ang abugida /ɑːbᵿˈɡdə/ (mula sa wikang Ge'ez: አቡጊዳ ’abugida), o alpasilabaryo, ay isang segmentaryong sistema ng pagsulat kung saan isinusulat ang mga sekwensya ng katinig at patinig bilang isang yunit; nakasalig ang bawat yunit sa isang katinig, at sekundaryo ang pagnonota ng patinig. Ito ay naiiba sa alpabetong ganap, kung saan pantay-pantay ang katayuan ng mga patinig at katinig, at sa abjad, kung saan ang pagmamarka ng patinig ay wala, bahagya, or opsyonal (ngunit sa mga kontekstong di-ganoong pormal, maaaring ituring ang tatlong uri ng pagsusulat bilang alpabeto). Naiiba ang mga katagang ito sa isang silabaryo, kung saan hindi mahahati-hati ang mga simbolo sa mga hiwalay na katinig at patinig.

Kinabibilangan ang mga abugida ng malawakang pamilyang Bramiko ng mga sulat ng Tibet, Timog at Timog-silangang Asya, sulat Semitikong Etopiko, at silabikong Kanadiyenseng Aborihen (na bahagyang nakasalig mismo sa mga sulat Bramiko).[kailangan ng sanggunian]

Gaya sa kaso ng mga silabaryo, maaaring ibuo ang mga yunit ng sistema ng pagsulat ng mga pagkakatawan ng mga pantig at mga katinig. Para sa mga sulat sa pamilyang Bramiko, ginagamit ang katagang akshara para sa mga yunit.

Ang 'äbugida ay ang pangalang Etopiko para sa sulat Ge‘ez, na kinuha mula sa apat na titik nito, 'ä bu gi da, gaya kung paano nagmumula ang abecedarium sa a be ce de ng Latin, nagmumula ang abjad sa a b j d ng Arabe, at nagmumula ang alpabeto mula sa pangalan ng unang dalawang titik sa alpabetong Griyego, alpha at beta. Ipinanukala ang katagang abugida sa lingguwistika ni Peter T. Daniels sa tipolohiya ng mga sistema ng pagsulat noong 1990.[1] Gaya ng pagkagamit ni Daniels sa salita, iba ang abugida sa silabaryo, kung saan ang mga titik na may nakiisang katinig o patinig ay hindi nagpapatika ng partikular na pagkakahawig sa isa't isa, at iba rin ito sa alpabetong tunay, kung saan kinakatawan ang mga katinig at patinig ng kani-kanilang sariling titik. Iminungkahi ang katagang alpasilabaryo para sa mga sulat Indiko noong 1997 ni William Bright, kasunod ng paggamit ng mga wika sa Timog Asya, upang ipabatid ang ideya na "nakikibahagi sila sa mga katangian ng alpabeto at silabaryo."[2][3]

Matagal nang itinuring ang mga abugida bilang mga silabaryo, o sa kalagitnaan ng mga silabaryo at alpabeto, at ang katagang silabiko (syllabics) ay nanatili sa pangalan ng Silabikong Kanadiyenseng Aborihen. Kabilang sa mga ibang kataga na ginamit ang neosilabaryo o neosyllabary (Février 1959), alpabetong huwad o pseudo-alphabet (Householder 1959), semisilabaryo o semisyllabary (Diringer 1968; isang salita na may iba pang paggamit) at alpabetong silabiko o syllabic alphabet (Coulmas 1996; magkasingkahulugan din ang katagang ito sa silabaryo).[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Daniels, Peter T. (Okt–Dis 1990), "Fundamentals of Grammatology", Journal of the American Oriental Society, 119 (4): 727–731, doi:10.2307/602899, JSTOR 602899{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. He describes this term as "formal", i.e., more concerned with graphic arrangement of symbols, whereas abugida was "functional", putting the focus on sound–symbol correspondence. However, this is not a distinction made in the literature.
  3. 3.0 3.1 William Bright (2000:65–66): "A Matter of Typology: Alphasyllabaries and Abugidas". In: Studies in the Linguistic Sciences. Volume 30, Number 1, pages 63–71