Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Amina Azimi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amina Azimi
NasyonalidadAfghano
TrabahoAktibista
Kilala saNakakuha ng N-Peace Award

Si Amina Azimi ay isang tagapagtaguyod ng mga karapatan ng mga babaeng may mga kapansanan sa Afghanistan. Noong 2012, siya ay pinarangalan ng N-Peace Award .

Ipinanganak sa Afghanistan noong 1980s, sa edad na 11, nawala ang kanang paa ni Azimi nang ang kanyang bahay ay tinamaan ng isang granada dulot nang nagpatuloy na Digmaang Sibil sa Afghanistan.[1] Ang kanyang pinsala ay inilagay siya sa malaking pangkat ng mga may kapansanan na Afghano, isang bansa na may isa sa pinakamataas na porsyento, ayon sa populasyon, ng mga taong may kapansanan sa buong mundo.[2][3] Bilang isang taong may kapansanan, nakatagpo si Azimi ng mga problema sa pagbabalik sa paaralan at pagkatapos ay nakaranas rin nang mga diskriminasyon nang maghanap siya ng trabaho.[4] Si Azimi ay naging isang tagapagtaguyod para sa mga karapatan ng mga kababaihang may kapansanan mula sa Afghanistan.[2]

Noong 2007 itinatag niya ang Women with Disability Advocacy Committee (WAAC). Nilikha niya ang samahang Empowering Women with Disability (EWD) noong 2011.[5] Noong 2012 si Azimi ay pinarangalan ng N-Peace Award bilang isang umuusbong na kampeon ng kapayapaan.[6]

Itinaguyod ni Azimi na alisin ang diskriminasyon laban sa mga nakaligtas sa landmine sa isang pagtatanghal at mamamahayag para sa isang programa sa radyo na tinatawag na Qahir-e-Qahraman . Ang programa ay unang sunuportahan ng UNDP’s National Programme for Action on Disability, at ng UN Mine Action Center for Afghanistan and Internews.[4] Nagtatrabaho siya para sa Afghan Landmine Survivors 'Organization (ALSO).

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Afghanistan: Landminenüberlebene stärken Rechte der Frauen". Landmine.de (sa wikang Aleman). Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  2. 2.0 2.1 Gentile, Carmen. "Disabled Afghans find a voice, advocate in radio program". USA Today. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. ""Disability Is Not Weakness: Discrimination and Barriers Facing Women and Girls with Disabilities in Afghanistan"". Human Rights Watch (sa wikang Ingles). 28 Abril 2020. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Amina Azimi: Raising the Voices of the Disabled in Afghanistan". Internews. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2020. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Amina Azimi". N-PEACE. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2020. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "ICBL Afghan campaigner wins Emerging Peace Champion". International Campaign to Ban Landmines. Nakuha noong 9 Oktubre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
[baguhin | baguhin ang wikitext]