Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Curry mee

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Curry mee
UriSinabawang pansit
Rehiyon o bansaMaritimong Timog-silangang Asya
Kaugnay na lutuinMalasya at Singapura[1]
Pangunahing SangkapPansit, sambal (sarsang sili), gata, yerba

Ang curry mee (Malay: mi kari; Tsinong pinapayak: 咖喱面; Tsinong tradisyonal: 咖喱麵; pinyin: Gālímiàn) ay isang maanghang na sinabawang pansit sa Maritimong Timog-silangang Asya na sinasahugan ng samu't saring sangkap. Sa Johor at Singapura, tinatawag itong curry laksa (Malay: kari mi; Tsino: 咖喱喇沙; pinyin: Gālí Lǎshā) minsan.[2] Sa Malasya at Singapura, may maraming uri ng ulam, kasama rito ang mga paghahanda na may mas tuyo o mas malapot na sarsa.

Binubuo ang tipikal na paghahanda ng Malasyo/Singapurenseng curry mee ng manipis at dilaw na pansit o bihon na nilubog sa maanghang na sabaw na pinasarap ng gata, at sinasabayan ng sili o sarsang sambal.[2][3] Kabilang sa mga sahog na maaaring ilagay ang manok, sugpo, pusit lumot, sigay, itlog, mga piraso ng pinritong tokwapap, pinritong foo chuk (balat ng tokwa), sitaw, toge at dahon ng menta.[2][3]

Sa Malasya at Singapura, kadalasang may baboy ang istilong-Tsino na paghahanda, katulad ng pinritong taba at mga kubo ng kortang dugo ng baboy (parang Betamax).[2][4] Alinsunod sa mga halal na batas sa pagkain, walang baboy sa curry mee na hinahanda para sa mga suking Muslim.[5]

May dalawang bersiyon na masusumpungan sa Penang, isang lalawigan sa hilaga ng Malasya, na nag-iiba mula sa bersiyong Singapurense sa timog: isang bersiyon na may matingkad na kahel na karing manok, o isang bersiyon na may maputla at malabnaw na gata na kilala bilang puting curry mee.[6] Sikat ang kabisera nito, George Town, dahil sa curry mee nito, na kinokonsiderang paborito ng mga lokal na residente.[7] Kilala ang isang kalimi-liming tindahan sa lugar ng Ayer Itam, na pinatakbo ng dalawang magkapatid na babae sa loob ng mahigit 70 taon, dahil sa kanilang bersiyon ng ulam at naging tanyag sa lokal na kultura ang mga tagapagtatag nito.[8][9]

Sa ilang uri nitong ulam, inihahanda ito na may sarsa na mas tuyo at mas malapot. Kilala ang lungsod ng Ipoh sa estadong Perak dahil sa kanilang tuyong pansit kari, na kadalasang nilalagayan ng mga piraso ng nilutong manok, char siu o inihaw na baboy.[4][10]

Mayroon ding lasang curry mee para sa komersyal na instant pansit.[11] Sumikat sa hatirang pangmadla ang mga kakaibang baryante, katulad ng pagpapakulo ng tatak-Maggi na instant curry mee kasabay ng Milo powder o paghahain nito kasabay ng KitKat.[12][13]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ken Hom (5 Enero 2012). My Kitchen Table: 100 Easy Chinese Suppers [Aking Lamesang Pangkusina: 100 Madaling Hapunang Tsino] (sa wikang Ingles). Ebury Publishing. ISBN 978-1-4464-1725-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 "Curry Mee (Curry Laksa)". Rasa Malaysia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Oktubre 2022. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Lee, Khang Yi (9 Pebrero 2020). "If you like cockles in your curry mee, head over to this place in Klang" [Kung gusto mo ng sigay sa curry mee mo, pumunta sa lugar na ito sa Klang]. Malay Mail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Ivan Loh (27 Hunyo 2019). "Bowled over by Ipoh's curry noodles". The Star. pp. Na-bowl over sa pansit kari ng Ipoh. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Dhesegaan Bala Krishnan (24 Nobyembre 2020). "Confirmed: Meat from OldTown White Coffee not pork". New Straits Times. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Suzanne Lazaroo (4 Setyembre 2017). "Recipes for three variants of laksa: curry laksa, assam laksa and laksa siam" [Mga resipi para sa tatlong baryante ng laksa: curry laksa, assam laksa at laksa siam]. Straits Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Man who escaped gallows yearns for curry mee" [Isang taong nakatakas sa bitayan, ninanasa ang curry mee]. The Star (sa wikang Ingles). 12 Marso 2021. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Liew Jia Xian (6 Hulyo 2020). "Hopes to meet Lim sisters at stall dashed" [Pag-asang makasalubong ang Lim sisters sa tindahan, napatawan] (sa wikang Ingles). The Star. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. R Sekaran (20 Pebrero 2021). "Tasteful tribute to 'curry mee' sisters" [Angkop na parangal sa mga magkapatid ng ‘curry mee’] (sa wikang Ingles). The Star. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Mohan, Chris (11 Hunyo 2018). "How to enjoy a perfect day trip in Perak with only RM150" [Paano magkaperpektong day trip sa Perak sa RM150 lamang]. Malay Mail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. David Tan (18 Enero 2016). "No slowing down" [Walang pagbagal] (sa wikang Ingles). The Star. Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Tamara Jayne (10 Enero 2020). "Malaysians Are Actually Wanting To Try Petron's New 'Recipe' - KitKat Dunked In Maggi" [Talagang Gusto ng mga Taga-Malaysia na Subukan Ang Bagong 'Resipi' ng Petron - KitKat na Ibinabad sa Maggi]. Says.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Mae Yen Yap (12 Agosto 2020). "Milo in Maggi Curry Mee isn't a new food trend, but why does it even exist?" [Hindi bagong uso sa pagkain ang Milo sa Maggi Curry Mee, pero bakit ba may ganito?]. Mashable (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Marso 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)