Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Ika-7 dantaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 648)
Milenyo: ika-1 milenyo
Mga siglo:
Mga dekada: dekada  600 dekada 610 dekada 620 dekada 630 dekada 640
dekada 650 dekada 660 dekada 670 dekada 680 dekada 690
Ang Silangang Emisperyo noong simula ng ika-7 dantaon.
Ang Silangang Emisperyo noong dulo ng ika-7 dantaon.

Ang ika-7 dantaon (taon: AD 601 – 700), ay isang panahong mula 601 hanggang 700 sang-ayon sa kalendaryong Huliyano sa Karaniwang Panahon. Ang populasyon ng mundo ay lumiit sa mga 208 milyong katao.[1]

Sa panahong ito, ang pagkalat ng Islam at ang mga pananakop na Muslim ay nagsimula sa pagsama-sama ng Arabia ni Propeta Muhammad simula noong 622. Pagkatapos mamatay ni Muhammad noong 632, lumawak ang Islam lagpas ng Tangway ng Arabia sa ilalim ng Kalipatong Rashidun (632–661) at Kalipatong Umayyad (661–750). Nagdulot ng pagbasak ng Imperyong Sasanida ang pananakop ng Muslim ng Persya noong ika-7 siglo. Nasakop din noong ika-7 dantaon ang Syria, Palestina, Armenia, Ehipto, at Hilagang Aprika.

Patuloy na nagdusa ng mga kabiguan ang Imperyong Bisantino noong mabilisang pagpapalawak ng Imperyong Muslim.

Sa Tangway ng Iberia, ang ika-7 siglo ay ang Siglo de Concilios, ang siglo ng mga konseho, na tumutukoy sa mga Konseho ng Toledo.

Sa Tsina, pinalitan ang dinastiyang Sui ng dinastiyang Tang, na gumawa ng mga base militar mula Korea hanggang Gitnang Asia at sumunod sa mga Umayyad sa kalaunan. Naabot ng Tsina ang rurok nito. Kumampi ang Silla sa dinastiyang Tang, na napasuko ang Baekje at tinalo ang Goguryeo upang mapag-isa ang Tangway ng Korea sa ilalim ng iisang pinuno.

Nanatili ang panahong Asuka sa Hapon sa buong ikapitong siglo.

Ipinag-isa ng Harsha ang Hilagang Indya, na bumalik sa maliliit na mga republika at estado pagkatapos ng pagbagsak ng Imperyong Gupta noong ika-6 na dantaon.

Mahahalagang tao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Papa Gregoryo I na dinidikta ang awiting Gregoryano.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]