Inskripsiyong Behistun: Pagkakaiba sa mga binago
m Ang talasanggunian ay mas ginagamit sa pagtukoy sa bibliography habang ang mga sanggunian ay mas ginamait para tukuyin ang references (via JWB) Tatak: Manual revert |
|
(hindi ipinakita ang isang agarang pagbabago ng isang tagagamit) | |
(Walang pagkakaiba)
|
Kasalukuyang pagbabago noong 01:24, 10 Pebrero 2024
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO | |
---|---|
Pamantayan | Cultural: ii, iii |
Sanggunian | 1222 |
Inscription | 2006 (30th sesyon) |
Ang Inskripsiyong Behistun (na Bistun o Bisutun, Modernong Persian: بیستون < Old Persian: Bagastana na nangangahulugang "lugar ng diyos") ay isang maraming wikang inskripsiyon na matatagpuan sa Bundok Behistun sa Probinsiyang Kermanshah ng Iran malapit sa siyudad ng Kermanshah sa kanlurang Iran. Ito ay isinulat ni Dakilang Dario sa isang panahon sa pagitan ng kanyang koronasyon bilang hari ng Imperyong Persiano sa tag-init ng 522 BCE at ang kanyang kamatayan sa taglagas ng 486 BCE. Ang inskripsiyon na ito ay nagsisimula sa isang maikling autobiograpiya ni Dario kabilang ang kanyang mga ninuno at lahi. Sa kalaunan ng inskripsiyon, si Dario ay nagbibigay ng isang mahabang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari kasunod ng mga kamatayan nina Dakilang Ciro at Cambyses II kung saan ay nakipaglaban siya sa 19 mga labanan sa isang panahon ng taong isa(na nagwawakas sa Disyembre ng 521 BCE) upang supilin ang maraming mga paghihimagsik sa loob ng Imperyong Persian. Ang mga inskripsiyon ay nagsasaad sa detalye ng mga paghihimagsik na nagresulta mula sa mga katamayan nina Dakilang Ciro at ang kanyang anak na si Cambyses II ay pinlano ng ilang mga impostor at mga kapwa-kasabwat sa iba't ibang mga siyudad sa buong imperyo na ang bawat isa ay nag-angkin ng pagkahari noong kaguluhan pagkatapos ng kamatayan ni Ciro. Pinroklama ni Dakilang Dario ang kanyang sarili na nagwagi sa lahat ng mga labanan sa panahon ng kaguluhan at itinuro ang kanyang mga tagumpay sa "biyaya ni Ahura Mazda".[1] Ang inskripsiyon ay kinabibilangan ng tatlong mga bersiyon ng parehong teksto na isinulat sa tatlong iba ibang mga skriptong kuneiporma: Lumang Persian, Elamita at Babilonian(na isang kalaunang anyo ng Akkadian).
Ang inskripsiyon ay tinatayang 15 metrong taas at 25 metrong lawak at 100 metro sa itaas ng talampas ng kalisa mula sa sinaunang daanan na nag-uugnay ng mga kabisera ng Babilonia at Medes na Babilon at Ecbatana. Ang tekstong Lumang Persian ay naglalaman ng 414 linya sa limang mga column, Ang tekstong Elamita ay naglalaman ng 593 linya sa 8 column at ang tekstong Babilonian ay 112 linyar. Ang inskripsiyon ay inilalarawan ng isang may sukat ng buhay na bas-relife ni Dakilang Dario na humahawak ng isang panaw bilang tanda ng pagkahari na ang kaliwang paan sa dibdib ng pigurang nakahiga sa likod nito sa harap niya. Ang pigurang ito ay pinagpapalagay na ang nagpapanggap na si Gaumata. Si Dario ay dinadaluhan sa kaliwan ng dalawang mga lingkod at isang siyam na isang metrong mga pigura na nakatayo sa kanan na ang mga kamay ay nakatali at ang tali ay nasa palibot ng kanilang mga leeg na kumakatawan ng mga sinakop na tao. Ang isang faravahar ay lumulutang sa itaas na nagbibigay ng pagpapala sa hari.
Salin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ang aking ama ay si Hystaspes [Vištâspa]; ang ama ni Hystaspes I ay si Arsames [Aršâma]; ang ama ni Arsames ay si Ariaramnes [Ariyâramna]; ang ama ni Ariaramnes ay si Teispes [Cišpiš]; ang ama ni Teispes ay si Achaemenes [Haxâmaniš]. Sinabi ni Dario I ng Persiya: Kaya kami tinawag na mga Akemenida mula sa sinaunang panaho, kami ay maharlika, sa sinaunang panahon. Kami ay mga hari. Sinabi ng Dario I ng Persiya:Ang walo sa aking dinastiya ay mga hari bago ko, Ako ang ikasiyam. Ang siyan sa pagkakahalili ay mga hari.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Sa biyaya ni Ahura Mazda, ako ay isang Hari, Ipinagkaloob sa akin ni Ahura Mazda ang Kaharian.
Sinabi ni Dario I ng Persiya: Ito ang mga bansa na aking nasasakupan at sa pamamagitan ni Ahura Mazda, Ako ay naging hari sa kanila: Persiua [Pârsa], Elam [Ûvja], Babilonyaa [Bâbiruš], Asirya [Athurâ], Arabia [Arabâya], Ehipto [Mudrâya], mga bansa sa karagatan na [Tyaiy Drayahyâ], Lydia [Sparda], Mga Griyego [Yauna (Ionia)], Media [Mâda], Armenia [Armina], Cappadocia [Katpatuka], Parthia [Parthava], Drangiana [Zraka], Aria [Haraiva], Chorasmia [Uvârazmîy], Bactria [Bâxtriš], Sogdia [Suguda], Gandhara [Gadâra], Scythia [Saka], Sattagydia [Thataguš], Arachosia [Harauvatiš] at Maka [Maka];dalawampu't tatlo sa lahat.