Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google

Epektibo mula Mayo 22, 2024 | Mga naka-archive na bersyon | I-download ang PDF

Bersyon ng bansa: Estados Unidos

Ano ang mga sinasaklaw sa mga tuntuning ito

Alam naming nakakatuksong laktawan ang Mga Tuntunin ng Serbisyong ito, pero mahalagang maitaguyod kung ano ang puwede mong asahan sa amin habang ginagamit mo ang mga serbisyo ng Google, at ano ang inaasahan namin sa iyo.

Sinasalamin ng Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito ang paraan ng pagtakbo ng negosyo ng Google, ang mga batas na naaangkop sa aming kumpanya, at ilang partikular na bagay na noon pa man ay pinaniwalaan naming totoo. Dahil dito, nakakatulong ang Mga Tuntunin ng Serbisyo na ito na matukoy ang kaugnayan ng Google sa iyo sa pakikipag-ugnayan mo sa aming mga serbisyo. Halimbawa, kabilang sa mga tuntuning ito ang mga sumusunod na heading ng paksa:

Mahalagang maunawaan ang mga tuntuning ito dahil nangangahulugan ang pag-access o paggamit sa aming mga serbisyo (naka-sign in ka man sa isang Google account o hindi) na sumasang-ayon ka sa mga tuntuning ito.

Bukod sa mga tuntuning ito, nag-publish din kami ng Patakaran sa Privacy. Hinihikayat ka naming basahin ito para mas maunawaan kung paano mo magagawang i-update, pamahalaan, i-export, at i-delete ang iyong impormasyon.

Mga Tuntunin

Service provider

Ang mga serbisyo ng Google ay ibinibigay ng, at nakikipagkontrata ka sa:

Google LLC
binuo sa ilalim ng mga batas ng State of Delaware, USA, at pinapatakbo sa ilalim ng mga batas ng USA

1600 Amphitheatre Parkway
Mountain View, California 94043
USA

Mga pangagailangan sa edad (age requirement)

Kung wala ka pa sa kinakailangang edad para pamahalaan ang iyong sariling Google Account, dapat ay mayroon kang pahintulot ng magulang o legal na tagapag-alaga para gumamit ng Google Account. Pakisabihan ang iyong magulang o legal na tagapag-alagang basahin ang mga tuntunin na ito kasama ka.

Kung isa kang magulang o legal na tagapag-alaga, at papayagan mo ang iyong anak na gamitin ang mga serbisyo, nalalapat sa iyo ang mga tuntuning ito at may pananagutan ka sa aktibidad ng anak mo sa mga serbisyo.

May ilang serbisyo ng Google na may mga karagdagang kinakailangan sa edad na nakasaad sa mga karagdagang tuntunin at patakarang partikular sa serbisyo ng mga ito.

Ang iyong kaugnayan kay Google

Nakakatulong ang mga tuntuning ito na matukoy ang kaugnayan sa pagitan mo at ng Google. Kapag sinabi namin ang “Google,” “namin,” “kami,” at “amin,” ang ibig naming sabihin ay Google LLC at mga affiliate nito. Sa pangkalahatan, binibigyan ka namin ng pahintulot na i-access at gamitin ang aming mga serbisyo kung sasang-ayon kang sundin ang mga tuntuning ito, na sumasalamin sa kung paano tumatakbo ang negosyo ng Google at kung paano kami kumikita.

Ang maaasahan mo sa amin

Magbigay ng malawak na hanay ng mga kapaki-pakinabang na serbisyo

Nagbibigay kami ng maraming uri ng serbisyong napapailalim sa mga tuntuning ito, kabilang ang:
  • mga app at site (gaya ng Search at Maps)
  • mga platform (gaya ng Google Shopping)
  • mga naka-integrate na serbisyo (gaya ng pag-embed ng Maps sa mga app o site ng ibang kumpanya)
  • mga device (gaya ng Google Nest at Pixel)

Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.

Idinisenyo ang aming mga serbisyo para gumana nang magkakasama, na nagpapadali para sa iyo na magpalipat-lipat ng aktibidad. Halimbawa, kung kasama sa iyong event sa Calendar ang isang address, puwede mong i-click ang address na iyon at ipapakita ng Maps kung paano ka makakarating doon.

Bumuo, paghusayin, at baguhin ang mga serbisyo ng Google

Patuloy kami sa pagbuo ng mga bagong teknolohiya at feature para mapahusay ang aming mga serbisyo. Halimbawa, puwede kaming gumamit ng artificial intelligence at machine learning para magbigay sa iyo ng mga kasabay na translation, at para mas ma-detect at ma-block ang spam at malware. Bilang bahagi ng patuloy na pagpapahusay na ito, kung minsan ay nagdaragdag o nag-aalis kami ng mga feature at functionality, nagdaragdag o nagbabawas kami ng mga limitasyon sa aming mga serbisyo, at nagsisimula kaming mag-alok ng mga bagong serbisyo o itinitigil na namin ang pag-aalok sa mga lumang serbisyo. Kapag may serbisyong nangangailangan o may kasamang nada-download o naka-preload na software, kung minsan ay awtomatikong nagbabago ang software na iyon sa iyong device kapag naging available ang isang bagong bersyon o feature. May ilang serbisyong nagbibigay-daan sa iyong i-adjust ang mga setting mo ng awtomatikong pag-update.

Kung gagawa kami ng mga materyal na pagbabago na negatibong makakaapekto sa paggamit mo sa aming mga serbisyo o kung inihinto namin ang pag-alok sa isang serbisyo, bibigyan ka namin ng makatwirang paunang abiso, maliban na lamang sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagkilos gaya ng pagpigil sa pang-aabuso, pagtugon sa mga legal na kinakailangan, o pagtugon sa mga isyu sa seguridad at paggana. Magbibigay rin kami sa iyo ng pagkakataong i-export ang iyong content mula sa iyong Google Account gamit ang Google Takeout, na napapailalim sa mga naaangkop na batas at patakaran.

Ang inaasahan namin mula sa iyo

Sundin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo

Magpapatuloy ang pahintulot na ibinibigay namin sa iyo na i-access at gamitin ang aming mga serbisyo hangga't sumusunod ka sa:

Sumasang-ayon ka rin na nalalapat ang aming Patakaran sa Privacy sa paggamit mo sa aming mga serbisyo. Nagbigay rin kami ng mga resource tulad ng Copyright Help Center, Safety Center, Transparency Center, at mga paglalarawan ng aming mga teknolohiya mula sa aming site ng mga patakaran para masagot ang mga karaniwang tanong at para maitakda ang mga inaasahan tungkol sa paggamit sa aming mga serbisyo. Panghuli, puwede kaming magbigay ng mga partikular na tagubilin at babala sa loob ng mga serbisyo namin — gaya ng mga dialog box na nag-aalerto sa iyo sa mahalagang impormasyon.

Bagama't binigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang aming mga serbisyo, nananatili sa amin ang anumang karapatan ukol sa Intellectual Property na mayroon kami sa mga serbisyo.

Igalang ang iba

Gusto naming magpanatili ng magalang na kapaligiran para sa lahat, na nangangahulugang dapat mong sundin ang mga pangunahing panuntunan sa pag-asal na ito:
  • sumunod sa mga naaangkop na batas, kasama na ang mga batas sa pagkontrol sa pag-export, mga parusa, at human trafficking
  • igalang ang mga karapatan ng iba, kasama ang mga karapatan sa privacy at intelectual property
  • huwag abusuhin o ilagay sa kapahamakan ang iba o ang iyong sarili (o magbanta o manghikayat ng ganitong pang-aabuso o panghahamak) — halimbawa, sa pamamagitan ng panloloko, pandaraya, ilegal na pagpapanggap, paninirang-puri, pananakot, panliligalig, o panay na palihim na pagsubaybay ng iba

Ang aming mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, gaya ng aming Patakaran sa Ipinagbabawal na Paggamit ng Generative AI, ay nagbibigay ng mga karagdagang detalye tungkol sa naaangkop na gawi na dapat sundin ng lahat ng taong gumagamit ng mga serbisyong iyon. Kung makikita mong hindi sumusunod ang ibang tao sa mga panuntunang ito, marami sa aming mga serbisyo ang magbibigay-daan sa iyong mag-ulat ng pang-aabuso. Kung aaksyunan namin ang isang ulat ng pang-aabuso, magbibigay rin kami ng prosesong inilalarawan sa seksyong Pag-aksyon kung sakaling magkaroon ng mga problema.

Huwag abusuhin ang aming mga serbisyo

Nauunawaan ng karamihan ng mga taong nag-a-access o gumagamit ng mga serbisyo namin ang mga pangkalahatang tuntuning nagpapanatili sa pagiging ligtas at magagamit ng internet. Sa kasamaang-palad, may ilang taong hindi gumagalang sa mga tuntuning iyon, kaya inilalarawan namin ang mga iyon dito para protektahan mula sa pang-aabuso ang aming mga serbisyo at user. Kaugnay nito:

Hindi mo dapat abusuhin, sirain, pakialaman, o guluhin ang mga serbisyo o system namin — halimbawa, sa pamamagitan ng:
  • paglalagay ng malware
  • pag-spam, pag-hack, o pag-bypass sa mga system o hakbang na pamproteksyon namin
  • pag-jailbreak, pagsasagawa ng adversarial prompt, o pagsasagawa ng prompt injection, maliban bilang bahagi ng aming mga program para sa kaligtasan at pag-test ng bug
  • pag-access o paggamit sa mga serbisyo o content namin sa mga paraang mapanloko o mapanlinlang, gaya ng:
    • phishing
    • paggawa ng mga pekeng account o content, kabilang ang mga pekeng review
    • panlilinlang sa iba para isipin nilang gawa ng tao ang generative AI content
    • pagbibigay ng mga serbisyong mukhang galing sa iyo (o sa iba pang tao) kahit galing talaga sa amin ang mga iyon
  • pagbibigay ng mga serbisyong mukhang galing sa amin kahit hindi naman
  • paggamit sa mga serbisyo namin (kabilang ang content na mula sa mga iyon) para lumabag sa mga legal na karapatan ng kahit sino, gaya ng mga karapatan sa intellectual property o privacy
  • pagsasagawa ng reverse engineering sa mga serbisyo namin o sa batayang teknolohiya, gaya ng aming mga machine learning model, para makakuha ng mga lihim ng negosyo o iba pang pinagmamay-ariang impormasyon, maliban kung pinapahintulutan ng naaangkop na batas
  • paggamit ng mga automated na paraan para mag-access ng content na mula sa alinman sa mga serbisyo namin nang lumalabag sa mga tagubiling mababasa ng machine sa aming mga web page (halimbawa, mga robots.txt file na nagbabawal sa pag-crawl, pagsasanay, o iba pang aktibidad)
  • paggamit sa content na binuo ng AI mula sa aming mga serbisyo para mag-develop ng mga machine learning model o nauugnay na teknolohiya sa AI
  • pagtatago o pagsisinungaling tungkol sa pagkakakilanlan mo para malabag ang mga tuntuning ito
  • pagbibigay ng mga serbisyong nanghihikayat sa iba na labagin ang mga tuntuning ito

Pahintulot na gamitin ang iyong content

Idinisenyo ang ilan sa aming mga serbisyo para hayaan kang i-upload, isumite, i-store, ipadala, matanggap, o ibahagi ang iyong content. Wala kang obligasyong magbigay ng anumang content sa aming mga serbisyo at malaya kang piliin ang content na gusto mong ibigay. Kung pipiliin mong mag-upload o magbahagi ng content, pakitiyak na mayroon ka ng mga kinakailangang karapatan para gawin ito at naaayon sa batas ang content.

Lisensya

Mananatiling sa iyo ang content mo at nangangahulugan itong mananatili sa iyo ang anumang kIntellectual Property na mayroon ka sa iyong content. Halimbawa, mayroon kang mga karapatan sa Intellectual Property sa creative content na ginagawa mo, gaya ng mga review na isinusulat mo. O kaya, posibleng mayroon kang karapatang magbahagi ng creative content ng ibang tao kung binigyan ka nila ng kanilang pahintulot.

Kailangan namin ang pahintulot mo kung pinaghihigpitan ng iyong mga karapatan sa Intellectual Property ang paggamit namin sa content mo. Ibinibigay mo sa Google ang pahintulot na ito sa pamamagitan ng lisensyang ito.

Ano'ng saklaw

Sinasaklaw ng lisensyang ito ang iyong content kung pinoprotektahan ng mga karapatan sa Intellectual Property ang content na iyon.

Ano ang hindi sakop

  • Hindi maaapektuhan ng lisensyang ito ang iyong mga karapatan sa privacy — tungkol lang ito sa mga karapatan mo sa iyong Intellectual Property
  • Hindi sinasaklaw ng lisensyang ito ang mga ganitong uri ng content:
    • tunay na impormasyong ibibigay mo na available sa publiko, gaya ng mga pagwawasto sa address ng isang lokal na negosyo. Hindi nangangailangan ng lisensya ang impormasyong iyon dahil itinuturing itong pangkaraniwang kaalaman na puwedeng gamitin ng lahat.
    • feedback na iaalok mo, gaya ng mga suhestyon para mapahusay ang aming mga serbisyo. Ang feedback ay sinasaklaw sa Mga komunikasyong nauugnay sa serbisyo na nasa ibabang bahagi.

Saklaw

Ang lisensyang ito ay:
  • pandaigdigan, na nangangahulugang may bisa ito kahit saan sa mundo
  • hindi eksklusibo, na nangangahulugang puwede mong ilisensya ang iyong content sa iba
  • walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito

Mga Karapatan

Pinapayagan ng lisensyang ito ang Google na:

  • i-host, i-reproduce, ipamahagi, ipa-alam, at gamitin ang iyong content — halimbawa, para i-save ang content mo sa aming mga system at gawin itong naa-access saan ka man pumunta
  • i-publish, isagawa sa publiko, o ipakita sa publiko ang iyong content, kung ginawa mo itong visible sa iba
  • baguhin at gumawa ng mga hinangong gawa(o "derivative works") batay sa iyong content, gaya ng pag-reformat o pag-translate dito
  • i-sublicense ang mga karapatang ito sa:
    • iba pang user, upang gumana ang serbisyo ayon sa pagkadisenyo, gaya ng pagbibigay-daan sa iyong magbahagi ng mga larawan sa mga taong pipiliin mo
    • ang aming mga contractor na lumagda ng mga kasunduan sa amin na sumusunod sa mga tuntuning ito, para lang sa mga limitadong layuning inilalarawan Layunin sa susunod na bahagi sa ibaba

Layunin

Ang lisensyang ito ay para sa limitadong layunin ng:

  • pagpapatakbo at pagpapahusay ng mga serbisyo, o para gumana ang mga serbisyo ayon sa pagkadisenyo at paggawa ng mga bagong feature at functionality. Kabilang dito ang paggamit ng mga automated na system at algorithm para suriin ang iyong content:
    • para sa spam, malware, at ilegal na content
    • para makita ang mga pattern sa data, gaya ng pagtukoy kung kailan magmumungkahi ng bagong album sa Google Photos para mapanatiling magkakasama ang magkakaugnay na larawan
    • para i-customize ang aming mga serbisyo para sa iyo, gaya ng pagbibigay ng mga rekomendasyon at mga naka-personalize na resulta ng search results, content, at mga ad (na puwede mong baguhin o i-off sa Mga Setting ng Ad)
    Ang pagsusuring ito ay nagaganap kapag ang nilalaman ay ipinadala, tinanggap, at inimbak.
  • paggamit ng content na ibinahagi mo sa publiko para i-promote ang mga serbisyo. Halimbawa, para i-promote ang isang Google app, posibleng mag-quote kami ng review na isinulat mo. O kaya, para i-promote ang Google Play, posibleng magpakita kami ng screenshot ng app mo sa Play Store.
  • pag-develop ng mga bagong teknolohiya at serbisyo para sa Google na sumusunod sa mga tuntuning ito

Tagal

Tatagal ang lisensyang ito hangga't pinoprotektahan ng mga karapatan Intellectual Property ang iyong content.

Kung aalisin mo sa aming mga serbisyo ang anumang content na saklaw ng lisensyang ito, hihinto ang aming mga system na gawing available sa publiko ang content na iyon sa makatuwirang yugto ng panahon. Mangyayari ang pagtanggal na ito, bukod sa dalawang nakasaad na pangyayari sa ibaba:

  • Kung naibahagi mo na ang iyong content sa iba bago ito alisin. Halimbawa, kung nagbahagi ka ng larawan sa isang kaibigan na gumawa ng kopya nito, o nagbahagi nito ulit, posibleng magpatuloy na lumabas ang larawang iyon sa Google Account ng iyong kaibigan kahit pagkatapos mo itong alisin sa iyong Google Account.
  • Kung gagawin mong available ang iyong content sa pamamagitan ng mga serbisyo ng ibang kumpanya, posibleng patuloy na hanapin at ipakita ng mga search engine, kabilang ang Google Search, ang content mo bilang bahagi ng mga resulta ng search results.

Paggamit ng mga serbisyo ng Google

Ang iyong Google Account

Kung natutugunan mo ang mga kinakailangang ito sa edad, puwede kang gumawa ng Google Account para sa iyong madaling paggamit. Para sa ilang serbisyo, kinakailangang mayroon kang Google Account para gumana — halimbawa, para magamit ang Gmail, kailangan mo ng Google Account nang sa gayon ay mayroon kang lugar kung saan magpapadala at tatanggap ng iyong email.

May pananagutan ka sa kung ano ang gagawin mo sa iyong Google Account, kabilang ang pagsasagawa ng mga makatuwirang hakbang para mapanatiling secure ang Google Account mo, at hinihikayat ka naming regular na gamitin ang Security Checkup.

Paggamit ng mga serbisyo ng Google sa ngalan ng isang organisasyon o negosyo

Maraming organisasyon, gaya ng mga negosyo, non-profit, at paaralan, ang nakikinabang sa aming mga serbisyo. Para gamitin ang aming mga serbisyo sa ngalan ng isang organisasyon:
  • dapat sumang-ayon ang isang authorized representative ng organisasyong iyon sa mga tuntuning ito
  • posibleng magtalaga sa iyo ng Google Account ang administrator ng organisasyon mo. Posibleng hilingin sa iyo ng administrator na iyon na sundin ang mga karagdagang tuntunin at posibleng ma-access o ma-disable niya ang Google Account mo.

Mga komunikasyon kaugnayan sa serbisyo

Para maibigay sa iyo ang aming mga serbisyo, nagpapadala kami minsan sa iyo ng mga anunsyo ng serbisyo at iba pang impormasyon. Para sa karagdgang kaalaman sa kung paano kami nakikipag-ugnayan sa iyo, tingnan ang Patakaran sa Privacy ng Google.

Kung pipiliin mong magbigay sa amin ng feedback, gaya ng mga suhestyon para pahusayin ang aming mga serbisyo, posibleng gumawa kami ng pagkilos sa feedback mo nang walang pananagutan sa iyo.

Content sa mga serbisyo ng Google

Iyong content

Magagamit mo ang ilan sa mga serbisyo namin para gumawa ng orihinal na content. Hindi ike-claim ng Google ang pagmamay-ari sa ganoong content.

May ilan sa aming mga serbisyo na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong gawing available sa publiko ang iyong content — halimbawa, puwede kang mag-post ng review sa isang produkto o restaurant na isinulat mo, o puwede kang mag-upload ng post sa blog na ginawa mo.

Kung sa tingin mo ay may lumalabag sa iyong mga karapatan sa iyong Intellectual Propetry, puwede kang magpalada sa amin ng abiso tungkol sa paglabag at magsasagawa kami ng naaangkop na pagkilos. Halimbawa, sususpindihin o isasara namin ang Mga Google Account ng mga paulit-ulit na lumalabag sa copyright gaya ng inilalarawan sa aming Copyright Help Center.

Content ng Google

Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang content na pag-aari ng Google — halimbawa, karamihan sa mga visual na larawang nakikita mo sa Google Maps. Maaari mong gamitin ang content ng Google ayon sa pagpapahintulot ng mga tuntuning ito at ng anumang karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, pero pinapanatili namin ang anumang karapatan sa aming Intellectual Property na mayroon kami sa aming content. Huwag alisin, itago, o baguhin ang alinman sa aming branding, mga logo, o mga legal na notice. Kung gusto mong gamitin ang aming branding o mga logo, pakitingnan ang page na Mga Pahintulot sa Brand ng Google (o "Google Brand Permissions").

Iba pang content

Panghuli, binibigyan ka ng ilan sa aming mga serbisyo ng access sa content na pagmamay-ari ng ibang tao o mga organisasyon — halimbawa, paglalarawan ng may-ari ng tindahan sa sarili niyang negosyo, o artikulo sa pahayagan na ipinapakita sa Google News. Hindi mo puwedeng gamitin ang content na ito nang walang pahintulot ng tao o organisasyong iyon, o kung hindi ka pinapayagan ng batas. Ang mga pananaw na ipinahayag ng content ng ibang tao o organisasyon ay sa kanila, at hindi nito sinasalamin ang pananaw ng Google.

Software sa mga serbisyo ng Google

Kasama sa ilan sa aming mga serbisyo ang nada-download o naka-preload na software. Binibigyan ka namin ng pahintulot na gamitin ang software na iyon bilang bahagi ng mga serbisyo.

Ang lisensyang ibinibigay namin sa iyo ay:
  • pandaigdigan, na nangangahulugang may bisa ito kahit saan sa mundo
  • hindi eksklusibo, na nangangahulugang puwede naming bigyan ng lisensya sa aming software ang ibang tao
  • walang royalty, na nangangahulugang walang bayarin para sa lisensyang ito
  • personal, na nangangahulugang hindi ito nalalapat sa ibang tao
  • hindi naitatalaga (non-assignable), na nangangahulugang hindi mo ito pwedeng ibigay sa ibang tao

Kabilang sa ilan sa aming mga serbisyo ang software na iniaalok sa ilalim ng mga tuntunin ng open source na lisensya na ginagawa naming available sa iyo. Kung minsan, may mga probisyon sa open source na lisensya na tahasang nag-o-override sa mga bahagi ng mga tuntuning ito, kaya tiyaking babasahin ang mga lisensyang iyon.

Hindi mo puwedeng kopyahin, baguhin, ipamahagi, ibenta, o ipaarkila ang anumang bahagi ng aming mga serbisyo o software.

Kung sakaling magkaroon ng mga problema o hindi pagkakasunduan

Disclaimer ng warranty.

Binuo namin ang aming reputasyon sa pagbibigay ng nakakatulong at maaasahang serbisyo gaya ng Google Search at Maps, at patuloy naming pinapahusay ang aming mga serbisyo para matugunan ang iyong mga pangangailangan. Gayunpaman, para sa mga legal na layunin, inaalok namin ang aming mga serbisyo nang walang warranty maliban kung hayagang nakasaad sa aming mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo. Iniaatas ng batas na ipaliwanag namin ito gamit ang partikular na legal na wika at na gumamit kami ng malalaking titik para matiyak na makita mo ito, gaya ng mga sumusunod:

SA SAKLAW NA PINAPAHINTULUTAN NG NAAANGKOP NA BATAS, IBINIBIGAY NAMIN ANG AMING MGA SERBISYO “SA KASALUKUYANG KALAGAYAN” NITO NANG WALANG HAYAGAN O IPINAPAHIWATIG NA WARRANTY, TULAD NG MGA IPINAPAHIWATIG NA WARRANTY NG KAKAYAHANG MANGALAKAL, KAANGKUPAN PARA SA ISANG PARTIKULAR NA LAYUNIN, AT HINDI PAGLABAG. HALIMBAWA, HINDI KAMI GUMAGAWA NG ANUMANG WARRANTY TUNGKOL SA CONTENT O MGA FEATURE NG MGA SERBISYO, GAYA NG PAGKATUMPAK, PAGIGING MAAASAHAN, AVAILABILITY, O KAKAYAHAN NG MGA ITO NA MATUGUNAN ANG IYONG MGA PANGANGAILANGAN.

HUWAG DUMEPENDE SA MGA SERBISYO PARA SA MGA MEDIKAL, LEGAL, PINANSYAL, O IBA PANG PROPESYONAL NA PAYO. IBINIBIGAY ANG ANUMANG CONTENT NA NAUUGNAY SA MGA PAKSANG IYON PARA LANG MAGBIGAY NG IMPORMASYON, AT HINDI BILANG PANGHALILI SA PAYO MULA SA KWALIPIKADONG PROPESYONAL.

Mga Sagutin

Para sa lahat ng user

Sinusubukan ng batas at ng mga tuntuning ito na magkaroon ng balanse tungkol sa kung ano ang maihahabol mo o ng Google sa isa't isa kung sakaling magkaroon ng problema. Kaya inaatasan ng batas ang lahat na maging responsable sa ilang partikular na pananagutan — pero hindi sa iba — sa ilalim ng mga tuntuning ito.

Nililimitahan lang ng mga tuntuning ito ang aming mga pananagutan gaya ng ipinapahintulot ng naaangkop na batas. Hindi nililimitahan ng mga tuntuning ito ang sagutin para sa malubhang kapabayaan o sinasadyang maling asal.

Hanggang nasa loob ng hangganang pinapayagan ng naaangkop na batas:
  • Ang Google ay liable lamang para sa mga paglabag nito sa mga tuntuning ito o naaangkop na mga service-specific additional terms
  • Hindi liable ang Google para sa:
    • kawalan ng profit, kita, mga oportunidad sa negosyo, goodwill, o inaasahang savings
    • indirect o consequential losses
    • mga punitive damages
  • Ang total liability ng Google para sa mga liability na magmumula sa o kaugnay ng mga tuntuning ito, ay kung ano lamang ang mas malaki sa (1) $200 o (2) mga fees na binayaran para gamitin ang mga relevant services sa loob ng 12 buwan bago ang di-pagkakasundo

Para sa mga business user at organisasyon lang

Kung isa kang business user o organisasyon:

  • Sa saklaw na pinapayagan ng naaangkop na batas, magbabayad ka ng danyos sa Google at sa mga direktor, opisyal, empleyado, at contractor nito para sa anumang prosesong legal ng third-party (kasama na ang mga pagkilos ng mga awtoridad ng pamahalaan) na magmumula sa o kaugnay ng paggamit mo sa mga serbisyo sa paraang lumalabag sa batas, o paglabag sa mga tuntuning ito o sa mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo. Sinasaklaw ng pagbabayad-danyos na ito ang anumang sagutin o gastusing magmumula sa mga habol, pagkalugi, pinsala, hatol, multa, gastusin sa paglilitis, at iba pang legal na bayarin.
  • Kung hindi ka nasasaklawan ng ilang partikular na pananagutan ayon sa batas, kabilang ang pagbabayad-danyos, hindi nalalapat sa iyo ang mga pananagutang iyon sa ilalim ng mga tuntuning ito. Halimbawa, ang United Nations ay may ilang partikular na immunity sa mga legal na obligasyon at hindi ino-override ng mga tuntuning ito ang mga immunity na iyon.

Pagsasagawa ng pagkilos kung sakaling magkaroon ng mga problema

Bago magsagawa ng pagkilos gaya ng inilalarawan sa ibaba, bibigyan ka namin ng paunang abiso kung makatuwiran at posible, ilalarawan namin ang dahilan ng aming pagkilos, at bibigyan ka namin ng pagkakataong linawin at tugunan ang isyu, maliban na lang kung kapag ginawa namin ang mga ito, magreresulta ito sa mga sumusunod:

  • magdulot ng pinsala o sagutin sa isang user, third party, o sa Google
  • lalabag sa batas o kautusan ng awtoridad sa pagpapatupad ng batas
  • kokompromiso sa isang imbestigasyon
  • kokompromiso ang pagpapatakbo, integridad, o seguridad ng aming mga serbisyo

Pagtatanggal ng iyong content

Kung alinman sa iyong content ay (1) lumalabag sa mga tuntuning ito, sa mga karagdagang tuntunin o patakarang partikular sa serbisyo, (2) lumalabag sa naaangkop na batas, o (3) posibleng makapinsala sa aming mga user, mga third party, o sa Google, mayroon kaming karapatang tanggalin ang ilan sa o lahat ng content na iyon, alinsunod sa naaangkop na batas. Kabilang sa mga halimbawa ang child pornography, content na nagpapadali sa human trafficking o panliligalig, content na nauugnay sa terorismo, at content na lumalabag sa mga karapatan sa intellectual property ng ibang tao.

Pagsususpinde o pagterminate sa iyong access sa mga serbisyo ng Google

Puwedeng suspindihin o i-terminate ng Google ang iyong access sa mga serbisyo o i-delete ang Google Account mo kung mangyari ang alinman sa mga sumusunod:

  • Iyong materyal o paulit-ulit na paglabag sa mga tuntuning ito, at sa karagdagang tuntunin o polisiya na naangkop sa partikular na serbisyo
  • kinakailangan naming gawin ito para makasunod sa isang pangangailangang batay sa batas (o legal requirement) o isang utos ng hukuman o korte
  • nagdudulot ang iyong pagkilos ng pinsala o sagutin sa isang user, third party, o sa Google — halimbawa, sa pamamagitan ng pag-hack, phishing, panliligalig, pag-spam, panlilinlang ng iba, o pagkopya ng content na hindi mo pagmamay-ari

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung bakit kami nagdi-disable ng mga account at kung ano ang nangyayari kapag ginawa namin ito, tingnan ang page na ito sa Help Center. Kung naniniwala kang nagkaroon ng pagkakamali sa pagsuspinde o pagwawakas sa iyong Google Account, puwede kang umapela.

Siyempre, malaya kang huminto sa paggamit sa aming mga serbisyo anumang oras. Kung hihinto ka sa paggamit ng isang serbisyo, ikalulugod naming malaman ang dahilan para dito upang patuloy naming mapahusay ang aming mga serbisyo.

Pag-aareglo ng mga di-pagkakasundo, sumasaklaw na batas, at mga korteng/hukumang may hurisdiksyon

Para sa impormasyon tungkol sa kung paano makipag-ugnay sa Google, mangyaring bisitahin ang aming pahina sa pakikipag-ugnay.

Sasaklawin ng batas ng California ang lahat ng di-pagkakasundo na magmumula o nauugnay sa mga tuntuning ito, mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, o anumang kaugnay na serbisyo, anuman ang mga panuntunan tungkol sa salungatan ng mga batas. Eksklusibong lulutasin ang mga di-pagkakasundong ito sa mga pederal na hukuman o hukuman ng estado ng Santa Clara County, California, USA, at pumapayag ka at ang Google sa personal na hurisdiksyon sa mga hukumang iyon.

Tungkol sa mga tuntuning ito

Ayon sa batas, mayroon kang ilang partikular na karapatang hindi malilimitahan ng isang kontrata tulad ng mga tuntunin ng serbisyong ito. Hindi nilayon ang mga tuntuning ito na paghigpitan ang mga karapatang iyon.

Naka-saad sa mga tuntuning ito ang relasyon sa pagitan mo at ng Google lamang. Hindi gumagawa ang mga tuntuning ito ng anumang legal na karapatan para sa ibang tao o organisasyon, kahit na nakikinabang ang iba sa ating ugnayan sa ilalim ng mga tuntuning ito.

Gusto naming gawing madaling maunawaan ang mga terminong ito, kaya gumamit kami ng mga halimbawa mula sa aming mga serbisyo. Pero hindi lahat ng serbisyong binanggit ay posibleng available sa iyong bansa.

Kung sumasalungat ang mga tuntuning ito sa mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, ang mga karagdagang tuntunin ang sasaklaw para sa serbisyong iyon.

Kapag lumabas na hindi valid o hindi maipapatupad ang isang partikular na tuntunin, hindi nito maaapektuhan ang iba pang tuntunin dito.

Kung hindi mo susundin ang mga tuntuning ito o ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo, at hindi kami gumawa kaagad ng pagkilos, hindi iyon nangangahulugang isinusuko namin ang anumang karapatang posibleng mayroon kami, gaya ng paggawa ng pagkilos sa hinaharap.

Posibleng i-update namin ang mga tuntuning ito at ang mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo (1) para maipakita ang mga pagbabago sa aming mga serbisyo o kung paano namin ginagawa ang aming negosyo — halimbawa, kapag nagdagdag kami ng mga bagong serbisyo, mga feature, mga teknolohiya, pagpepresyo, o mga benepisyo (o nag-alis ng mga luma), (2) para sa mga kadahilanang legal, pangkontrol (o regulatory), o panseguridad, o (3) para mapigilan ang pang-aabuso o pamemerhuwisyo.

Kung mahalaga ang gagawin naming pagbabago sa mga tuntunin o mga karagdagang tuntuning partikular sa serbisyo na ito, bibigyan ka namin ng makatuwirang advance na abiso at pagkakataong suriin ang mga pagbabago, maliban na lang (1) kapag naglunsad kami ng bagong serbisyo o feature, o (2) sa mga sitwasyong nangangailangan ng agarang pagkilos, tulad ng pagpigil sa nagaganap na pang-aabuso, o pangangailang tumugon sa mga legal requirement. Kung hindi ka sumasang-ayon sa mga bagong tuntunin, dapat mong alisin ang iyong content at ihinto ang paggamit sa mga serbisyo. Puwede mo ring tapusin ang iyong ugnayan sa amin anumang oras sa pamamagitan ng pagsasara ng Google Account mo. Kung isasara mo ang iyong Google Account, pagkatapos ay ia-access o gagamitin mo ang mga serbisyo namin nang walang account, masasaklawan ng pinakabagong bersyon ng mga tuntuning ito ang pag-access at paggamit na iyon.

Mga Kahulugan

affiliate

Organisasyon na napapabilang sa grupo ng mga kumpanya ng Google, na ang ibig sabihin ay Google LLC at ang mga sangay nito, kabilang ang mga sumusunod na kumpanyang nagbibigay ng mga serbisyo na pang-consumer sa EU: Google Ireland Limited, Google Commerce Limited, at Google Dialer Inc.

bayaran ng danyos o pagbabayad-danyos

Ang napagkasunduang obligasyon batay sa kontrata ng isang indibidwal o organisasyon na bayaran ang mga pagkaluging natamo ng isa pang indibidwal o organisasyon mula sa mga aksyong legal gaya ng mga pagkaso.

bersyon ng bansa

Kung may Google Account ka, iniuugnay namin ang iyong account sa isang bansa (o teritoryo) para matukoy namin:

  • ang affiliate ng Google na nagbibigay sa iyo ng mga serbisyo at nagpoproseso ng impormasyon mo habang ginagamit mo ang mga serbisyo
  • ang bersyon ng mga tuntuning sumasaklaw sa ugnayan natin

Kapag naka-sign out ka, tutukuyin ang bersyon ng bansa mo ayon sa lokasyon kung saan ka gumagamit ng mga serbisyo ng Google. Kung may account ka, puwede kang mag-sign in at puwede mong tingnan ang mga tuntuning ito para makita ang bansang nauugnay rito.

business user

Isang indibiwal o entity na hindi isang consumer (tingnan ang consumer).

consumer

Isang indibidwal na gumagamit sa mga serbisyo ng Google para sa personal, di-komersyal na layuning hindi saklaw ng kanyang hanapbuhay, negosyo, kakayahan, o propesyon. (Tingnan ang business user)

Isang legal na karapatang nagbibigay-daan sa lumikha ng orihinal na gawa (gaya ng post sa blog, larawan, o video) na magpasya kung at paano puwedeng gamitin ng ibang tao ang orihinal na gawang iyon, na napapailalim sa ilang partikular na limitasyon at pagbubukod (gaya ng "patas na paggamit" at "patas na transaksyon").

disclaimer

Pahayag na naglilimita sa mga legal na pananagutan ng isang tao.

iyong content

Mga bagay na ginagawa, ina-upload, isinusumite, sino-store, ipinapadala, natatanggap, o ibinabahagi mo gamit ang aming mga serbisyo, gaya ng:

  • Docs, Sheets, at Slides na lilikhain mo
  • mga post sa blog na in-upload mo sa pamamagitan ng Blogger
  • mga review na isinumite mo sa pamamagitan ng Maps
  • mga video na na-store mo sa Drive
  • mga email na ipinapadala at natatanggap mo sa pamamagitan ng Gmail
  • mga larawang ibinahagi mo sa mga kaibigan sa pamamagitan ng Photos
  • mga itinerary sa paglalakbay na ibinahagi mo sa Google

mga karapatan sa Intellectual Property (IP rights)

Mga karapatan sa likha ng o kathang isip, gaya ng mga imbensyon (mga karapatan sa patent); mga literary at artistic na gawa (copyright); mga disenyo (design rights); at mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce (mga trademark). Posibleng pag-aari mo, ng isa pang indibidwal, o ng isang organisasyon ang mga karapatan sa Intellectual Property.

mga serbisyo

Ang mga serbisyo ng Google na napapailalim sa mga tuntuning ito ay ang mga produkto at serbisyong nakalista sa https://policies.google.com/terms/service-specific, kasama ang:

  • mga app at site ng Google (tulad ng Search at Maps)
  • mga platform (gaya ng Google Shopping)
  • mga kasamang serbisyo o "intergrated services" (gaya ng Maps na naka-embed sa mga app o site ng iba pang kumpanya)
  • mga device at iba pang produkto (gaya ng Google Nest)

Kasama sa marami sa mga serbisyong ito ang content na puwede mong i-stream o makaugnayan.

organisasyon

Legal na entity (gaya ng korporasyon, non-profit, o paaralan) at hindi indibidwal na tao.

sagutin

Mga pagkalugi (o losses) mula sa anumang uri ng legal na habol (o claim), ang habol (o claim) man ay batay sa isang kontrata, tort (kabilang ang kapabayaan), o iba pang dahilan, inasahan o nahulaan ang mga pagkaluging iyon o hindi.

trademark

Mga simbolo, pangalan, at larawang ginamit sa commerce na may kakayahang makatukoy sa mga produkto o serbisyo ng isang indibidwal o organisasyon mula sa iba.

warranty

Katiyakang gagana ang isang produkto o serbisyo batay sa isang partikular na pamantayan.

Mga app ng Google
Pangunahing menu