Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Binhi ng Kabuhayan August Issue

Page 1


al

i ec sp ar ue e s y 0- is

4

Pioneer Kuwarenta Na!

Apat na Dekadang Katuwang ng Magsasakang Pilipino sa Maisan at Palayan

Tampok na Magsasaka! MAIS “Malalaki ang bunga ng P3774YR. Sa susunod na taniman ay ito na lahat ang aking itatanim!” Tito Cusipag (Penablanca, Cagayan) Ani: 10,500 kgs./ha. Dry Season Produkto: P3774YR

“Maganda ang kita sa Pioneer P4097YR dahil mabigat ito sa timbang at matingkad ang kulay!” David Bautista (Sta. Barbara, Pangasinan) Ani: 9,900 kgs./ha. Dry Season Produkto: P4097YR

MENSAHE MULA SA DUPONT PIONEER Apat na dekada na ang lumipas nang maitatag ang Pioneer Hi-Bred sa Pilipinas. Apat na dekada na ring kasama ng Pioneer ang mga magsasakang Pilipino na matiyagang nagsasaka upang maitaguyod ang kanilang pamilya. Hindi biro ang pinagdadaanan ng bawat magsasaka na magbabad sa init ng araw para lamang magtanim. Kadalasan, kailangang makipagsapalaran sa panahon lalo na kung may badya ng El Niño o La Niña na siyang maaring makaapekto sa kanilang ani.

“Mas matibay sa panahon ng tag-ulan ang P3645YR na may EarlyShield. Mas mabigat ang timbang at class A talaga ang quality ng ani!” Edmond Paurom (Claveria, Misamis Oriental) Ani: 8,160 kgs/ha. Dry Season Produkto: P3645YR

P A L AY

Makikita sa aming 40-year logo na nasa itaas ang magsasaka dahil ang pangunahing layunin namin ay makatulong sa kanilang tagumpay. Natutupad namin ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad na mga produkto, mahusay na rekomendasyong pang-agronomiya, farmer’s training mula sa aming field representatives at patuloy na pagsasaliksik ng makabagong teknolohiya sa pagmamais at pagpapalay.

“Plant and choose the best variety and you will reap the best. PHB 79 ay mabigat at easy na alagaan, kahit hindi na ako gumamit ng pestisidyo kaya pa rin!”

Ang 40-year special issue na ito ay aming pasasalamat sa lahat ng mga magsasakang nagtiwala sa amin sa apat na dekada. Samahan niyo kaming magbalik tanaw sa aming pagsisimula sa Pilipinas at basahin ang aming kasaysayan sa Pioneer Milestones Timeline (Page 3). Iba’t ibang kuwento rin ang mababasa niyo mula sa mga magsasakang umani ng malaki gamit ang Pioneer seeds sa nakaraang taniman (Page 2). Basahin rin ang kauna-unahang pagtatayo ng Pioneer Farming Academy at Cyclone Shelter sa Abuyog, Leyte na gagamitin upang turuan ang mga magsasaka sa pagtatanim ng hybrid rice at magsilbing evacuation center sakaling may kalamidad ( Page 6). At dahil ayon sa PAG-ASA ay mararanasan ang La Niña ngayong taon, handog namin ang mga gabay mula sa aming agronomists sa tamang pag-aabono sa palayan at tamang pamamahala sa pananim tuwing malakas ang ulan (Pages 6-7).

“Ilang beses na talaga akong nagtatanim ng Pioneer seeds simula pa noong 2013, hindi talaga ako binigo ng Pioneer. Malaki talaga ang kita, mataas talaga ang saha at marami pang laman!“

Sa susunod pang mga taon, nananatili ng tapat ang Pioneer na magbahagi ng kaalaman sa ating mga magsasaka at matulungan sila na palawakin ang kanilang sakahan para sa ikauunlad ng kanilang buhay. Taos-pusong pinasasalamatan namin ang magsasakang Pilipino, mga business partners, stakeholders at empleyado ng Pioneer na siyang katuwang namin sa industriya mula noon hanggang sa hinaharap.

Binhi ngKabuhayan 2

Editor Happy Flores | Associate Editor Kyla Hannah Salvador | Contributors: Don Bueno, Rey Briones, Ryan Rivera, Jane Camille Almasin | Cover Design, Illustration and Layout: Janessa Berame-Palaming

William Ladia (Gattaran, Cagayan) Ani: 9,175 kgs/ha. Dry Season Produkto: PHB 79

Manuel Gabas (Ormoc, Leyte) Ani: 9,568 kgs/ha. Dry Season Produkto: PHB 77

“Mas mataas ang ani ko dito kumpara sa ibang variety na nasubukan ko. Maganda at masarap din ang kanin!” Melchor Ceda (Sto. Niño, South Cotabato) Ani: 7,979 kgs/ha. Dry Season Produkto: PHB 77

DuPont Pioneer Philippines 8th Floor iSquare Building, 15 Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City 1605 Email: ask.ph@pioneer.com | TXTPioneer: 0917 592 0040 (Globe) | 0920 957 0040 (Smart) ph.pioneer.com


33


Our Journey to 40 Years Driv

4


ven by Four Brand Strengths

5


Pioneer Alert: Maghanda sa Papasok na La Niña Ngayong Taon! Sa nakaraang buwan mula Enero hanggang Mayo ngayong 2016, tinatayang umabot sa mahigit P7 Billion ang nadulot na pinsala ng El Niňo sa agrikultura ng ating bansa. Ngunit habang unti-unting humihina ang El Niňo sa pagpasok ng tag-ulan, isa na namang kalagayan ng panahon ang maaring maminsala sa ating mga magsasaka. Ito ang tinatawag na La Niňa phenomenon kung saan mararanasan ang labis na pagbuhos ng ulan na siyang maaring magdulot ng pagbabaha sa mga pananim.

Ni Don Bueno, Area Agronomy Manager

PALAYAN NA LUMUBOG SA BAHA DULOT NG La Niňa

MAISAN NA LUMUBOG SA BAHA DULOT NG La Niňa

Ano nga ba ang La Niňa at ano ang maaring maging epekto nito sa ating mga magsasaka? Ang La Niňa ay isang abnormal na kalagayan ng panahon kung saan ang temperatura sa ibabaw ng Gitnang Silangan ng Pacific Ocean ay bumababa ng 0.5 centimeters sa higit-kumulang na limang beses sa loob ng tatlong pabago-bagong panahon (tagyelo, tag-init at tag-sibol). Ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng La Niňa ay dahil sa pagbaba sa normal na temperatura ng Pacific Ocean na kung saan ang malalakas na hangin na tumutulak papuntang silangan (trade winds) at ang ocean current ay lubusang pinalalamig ang kundisyon ng tubig na tinatawag na upwelling. Maaring magdulot ng malalakas na ulan o bagyo ang La Niňa hindi lang sa Pilipinas kundi sa kalapit bansa rin nito sa Asya. Noong 2008, nagdulot ng labis na pagbabaha ang La Niňa sa bansang Malaysia, India, Sri Lanka, Bangladesh at maging sa ilang mga bansa sa Europa. Dito naman sa Pilipinas, ang ganitong uri ng panahon ay maaring maging sanhi ng pagkasira ng mga pananim sa palayan at maisan.

Upang maiwasan ang pinsalang maaring idulot ng La Niňa sa inyong bukiran, pinapayuhan ang mga magsasaka na magtanim ng palay at mais na: 1.) Maagang anihin upang maiwasan ang labis na ulan na dulot ng La Niňa sa panahon ng anihan. Ilan sa maagang anihin na Pioneer varieties ay hybrid corn na P2895YR at hybrid rice na PHB 81. 2.) Matibay sa lodging tulad ng Pioneer PHB 73 para sa palay at P3774YR o P4097YR para sa mais. Maaari rin payuhan ang mga magsasaka ng mais na iwasan ang pagtatanim sa mga binabahang lugar. Nirerekomenda na maglagay ng mga kanal o catch basin sa mga maaaring bahain na lupa. Higit sa lahat, palaging maging handa sa pagdating ng bagyo o malalakas na ulan sa pamamagitan ng pakikinig ng balita sa radio o panunood ng mga balita sa telebisyon tungkol sa mga ulat-panahon.

Sources: Wikipedia.org.la nina; DOST-PAGASA.gov.ph; EnvironmentalScience.org Photos Sources: www.eaglenews.ph; www.skycraperscity.com; irri.org.ph; www.bworldonline.com ;dimsums.blogspot.com; article.wn.com

Abuyog Farming Academy at Cyclone Shelter, naitatag na! Ni Ryan Rivera, Sales Effectiveness Manager

Ang lalawigan ng Leyte ay tinuturing na Rice Granary ng Central Visayas sa mga susunod na taon dahil ito ay may potensyal na 50,000 ektaryang palayan. Ito rin ang isa sa mga lalawigan na nakapag-ambag ng mataas na benta ng Pioneer Hybrid Rice seeds sa mga nakalipas na taon. Kabilang sa mga munisipyo ng Leyte ay ang bayan ng Abuyog na may kabuuang populasyon na 57,146 mamamayan. Noong nanalasa ang bagyong Yolanda taong 2013, isa ang Abuyog sa mga naapektuhang lugar kasama na ang bayan ng Tacloban. Ang Abuyog na may 75 kilometrong layo mula sa Tacloban City ay nakaposisyon malapit sa Leyte Gulf papuntang Pacific Ocean na siyang dahilan kung bakit madalas itong daanan ng mga bagyo. Dahil dito, ang lokal na pamahalaan ng Abuyog ay nagplanong magtayo ng isang Cyclone Shelter para sa mga residente nito kung sakaling may iba pang mapinsalang bagyong dumating.

Bukod sa gagamitin ito bilang evacuation center, ang gusali rin ay magsisilbing Farming Academy para turuan ang mga miyembro ng Abuyog farming community at ng kalapit na mga bayan nito patungkol sa mga bagong teknolohiya sa pagsasaka ng hybrid rice. Gagawin din sa nasabing gusali ang pagtuturo ng iba pang alternatibong livelihood projects tulad ng masonry at carpentry na siyang makakatulong sa pag-angat ng buhay ng ating mga magsasaka. Ang proyekto ay nagkakahalagang P9,503,308.00 kung saan ang DuPont Pioneer, sa pamamagitan ng AgDev fund ay nagambag ng P6,913,023. Ang munisipyo naman ng Abuyog ay naglaan ng bakanteng lote para sa pagtatayuan ng gusali, kasama na ang karagdagang pondo ng mahigit P2 Million. Ang Philippine Business for Social Progress (PBSP) ang siyang nangasiwa sa pagpapatayo ng gusali at pag turn-over nito sa Abuyog municipality.

Taong 2014, isang joint project ng DuPont Pioneer Philippines, sa tulong ng DuPont Agricultural Development Initiative Team at ng lokal na pamahalaan ng Abuyog, ang pagpapatayo ng tatlong palapag na Farming Academy and Cyclone Shelter sa Barangay Canmarating, Abuyog, Leyte, Philippines. Ayon sa forecast ng Weather Bureau, ang lalawigan ng Leyte ay makakaranas ng mas maraming bagyo at pagbabaha sa susunod na mga taon dulot ng climate change. Sa mga ganitong kalamidad, ang gusaling ito ay maaring gamitin bilang Cyclone Shelter o evacuation center kung saan maaring magkasya ang 75 pamilya (apat na miyembro kada isang pamilya). Sa kabuuan, mga nasa 300 indibidwal ang maaring magkasya sa nasabing pasilidad.

6

Isang turn-over ceremony ang ginanap noong May 24, 2016 upang pormal na buksan ang proyekto sa mga residente ng Abuyog. Pinangunahan ni Bryan Rivera, DuPont Country Manager, at ng lokal na Pioneer representatives sa Leyte ang turn over ceremony sa local government unit ng Abuyog na siyang kinatawan ni Mayor Octavio Traya. Dinaluhan din ito ng mga magsasaka at residente ng Abuyog na lubusang nagpapasalamat sa proyektong nailunsad. Ngayon ay mayroon na silang evacuation center tuwing may kalamidad at may lugar na rin sila upang isagawa ang ibat’ibang agricultural at livelihood trainings. Tiyak na malaking benepisyo ang makukuha ng komunidad ng Abuyog mula sa Farming Academy and Cyclone Shelter project ng DuPont Pioneer. Patuloy din ito sa layunin ng DuPont Pioneer na makatulong sa mga magsasakang Pilipino at maging kabahagi ng kanilang tagumpay sa pagsasaka ng palay at mais.


Gabay sa Tamang Pag-aabono sa Palayan Ngayong Tag-Ulan

Ni Rey Briones, Product Agronomist

Ngayong papasok ang tag-ulan, maraming magsasaka ang magtatanim ng palay sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa ganitong panahon, may posibilidad na bumaba ang ani sa palayan kung hindi susundin ang tamang pagtatanim at pag-aabono. Siguradong maiiwasan ang pagtamlay ng mga pananim, walang lamang butil, paninilaw ng mga dahon at peste kung magtatanim ng tamang hybrid rice variety at maglalagay ng tamang abono, kasabay ang tamang pangangalaga. Ayon sa mga eksperto, ang tamang pag-aabono ay nakakatulong upang mapataas ang ani ng mga magsasaka. Nagagawa nitong mapalaki ang mga palay at napupunuan ang laman ng mga butil ng uhay. Nakakatulong din ito sa pag-iwas sa mga peste at iba’t ibang mga sakit sa palay tulad ng Bacterial Leaf Blight (BLB). Narito ang ilang gabay sa tamang pag-aabono na inirerekomenda ng Pioneer.

1. TAMANG PAG-AABONO SA LAGAY NG PANAHON

Larawan ng nabahaang palayan

Una, mahalagang malaman ng bawat magsasaka ang tamang panahon kung kailan siya maglalagay ng abono. Dapat muna niyang isaisip kung magkakaroon ng malakas na ulan kung siya ay mag-aabono sapagkat maaring maanod ng baha ang abonong itatanim niya kung hindi ito nasabayan ng magandang panahon. Makinig sa ulat panahon ng PAG-ASA para malaman kung may bagyo o ulan. Tandaan din na magkaiba ang antas ng pag-aabonong inirerekomenda ng Pioneer sa tag-ulan at taginit.

2. TAMANG PAG-AABONO SA URI NG LUPA Pangalawa, nirerekomenda na magkaroon ng soil analysis upang malaman kung ano ang kulang na sustansya sa lupa. Matapos masuri ang lupa ay dapat alamin ang tamang uri at dami ng pataba ayon sa klase ng lupang tatamnan. Kinakailangan na hatiin ang aplikasyon ng nitroheno base sa aktuwal na pangangailangan ng halaman ng palay para maiwasan ang denitrification o pagkawala ng nitroheno sa lupa. Mainam na masubaybayan ang tamang nutrisyon ng palay simula sa pagsusuwi hanggang paglilihi at pamumulaklak upang masiguro ang magandang ani nito.

3. TAMANG DAMI NG PAG-AABONO Kapag walang ginawang pagsusuri ng lupa o soil analysis, sundin ang mga sumusunod na rekomendasyon ng Pioneer: BASAL- Magsabog ng basal na abono sa huling pagsusuyod/pagpapatag upang maihalo ito nang mabuti sa lupa. TOP DRESS- Magsabog ng abono sa panahon ng pagsusuwi, pagbubuntis at pagsasapaw. Ang tamang uri at sapat na dami ng abono para sa inyong palayan ay nakasaad sa Antas ng Pag-aabono.

Antas ng Pag-aabono

Dami ng Abono na Dapat Ilagay (Bag/ektarya)

BALANSENG PAG-AABONO Dapat ibalanse ang pag-aabono dahil hindi maganda ang sobra o kulang na pag-aabono sa mga tanim na palay. Maaari itong tamaan ng mapinsalang peste at sakit tulad ng Sheath Blight, Stem Rot, Sheath Rot, Bacterial Leaf Streak at Bacterial Leaf Blight. Ang mga palay na sobra sa nitroheno ay lumalambot ang mga suwi at dahon na siyang nagugustuhan ng mga insekto na sipsipin, kainin at butasin. Tandaan na hindi maganda ang hindi napag-planuhang pag-aabono sa inyong palayan. Sundin ang tamang antas ng pag-aabono upang matiyak ang magandang bunga ngayong panahon ng tag-ulan. Ngayong alam niyo na rin ang tamang pag-aabono na inirerekomenda ng Pioneer, sabayan ito ng pagtatanim ng mga de-kalidad na binhing matibay sa anumang panahon tulad ng Pioneer Hybrid Rice varieties-PHB 73, PHB 77, PHB 79 at PHB 81.

Ilan sa mga sakit na maaring maranasan sa hindi balanseng pag-aabono. Rice Leaf Blight

Bacterial Leaf Streak

Rice Blast

7


The Farming Adventures of

Illustrated by: Janessa Berame- Palaming Story by: Jane Almasin, Mktg. Comm. Specialist

Si Juan ay bumisita sa kanyang palayan at naisip, “Ano bang binhi ang magandang itanim ngayong season? Inbred ba o Hybrid? Dahil maparaan si Juan, nag-text siya ng kanyang tanong sa TXTPioneer.

Ilang sandali lang ang nakalipas, isang Pioneer Representative ang bumisita sa kanyang palayan.

“Magandang umaga Mang Juan, ako si Pio ng Pioneer Hi- Bred, nais mo raw malaman kung anong binhi ang tamang itanim ngayong season?”

“Oo, Pio. Ako’y karaniwang nagtatanim ng inbred. Gusto ko sanang subukan magtanim ng hybrid dahil nakita ko ang katabi kong palayan na hybrid ang tinatanim at mukhang mas marami ang saha” “Tama ka, Mang Juan. Siguradong mas mataas na ani ang makukuha mo sa pagtatanim ng hybrid na palay lalo na kapag Pioneer hybrid rice varieties ang itatanim mo. Kapag mataas ang ani, syempre mataas din ang kita! “Ganon ba! Maganda pala ang Pioneer Hybrid na palay. Bibili na ako ng angkop na Pioneer hybrid rice variety sa aking lugar. Ito na ang itatanim ko ngayon kaysa sa inbred.” At si Juan ay nagtungo sa pinakamalapit na Pioneer outlet sa kanyang lugar.

PIONEER HIGHLIGHTS Handog sa inyo ng DuPont Pioneer ang iba’t ibang hybrid rice varieties para sa inyong palayan

Potensyal na Ani: 10 MT/ha.

Potensyal na Ani: 13 MT/ha.

Potensyal na Ani: 13 MT/ha.

Potensyal na Ani: 11 MT/ha. Abangan ang susunod na kabanata...

ALAM NIYO BA? Nagsimula ang DuPont Pioneer Philippines sa pagbebenta ng hybrid rice seeds noong taong 2008. Ang kauna-unahang nilabas na variety ay ang PHB 71 na kayang umani hanggang 14 MT/hectare. Simula noon, nadagdagan pa ito ng iba pang mga high-yielding hybrid rice varieties tulad ng PHB 73, PHB 77, PHB 79 at PHB 81.

8

Para sa iba pang katanungan at concerns sa produktong Pioneer Hybrid Corn at Hybrid Rice, mag-text sa TXTPioneer 0917-592-0040(Globe) at 0920-957-0040(Smart) o mag-email sa ask.ph@pioneer.com. Maaari ring bisitahin ang Pioneer website: ph.pioneer.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.