Bakit mapait ang kape?
- 2. Sa isang mapayapa at
malinis na pook sa Batangas, ay
nakatira ang mag-anak na Araco.
Sila ay isa sa mayaman at may
matiwasay na buhay sa pook na
iyon. Nagmamay ari sila ng
limang ektarya na taniman ng
kape.
- 3. Si Apeng ang panganay sa
kanilang pamilya. Siya ang nag-
tataguyod at nangangalaga
sa taniman.Ang buong maghapon
ay nilalaan niya sa dito,
kung kaya’t mabunga at maganda
ang kanilang ani taun-taon.Dina-
rayo ng mga mangangalakal ang
bunga ng kape ni Apeng dahil sa
tamis nito.
- 4. Sa paglipas ng panahon,
nagkaroon ng malubhang sakit ang
kaniyang ina, dinala niya ito sa iba’t –
ibang lugar upang malunasan ang
karamdaman. Halos maubos ang
naipon niyang salapi. Di naglaon ay
nahawa pa ang tatlo niyang kapatid.
Lahat sila ay nag-aagaw buhay.
- 5. Nang araw na iyon, halos di na
malaman ni Apeng ang kaniyang gagawin.
Lumabas siya sa kaniyang taniman ng
kape at sumigaw ng buong lakas.
“Bakit sa pamilya ko pa? Wala na
akong ama, Bakit pati sila? Ang
pait ng dinadanas ko
ngayon. Pagod na ako!
Sana nga ang pait sa puso ko, ay sa
bunga nyo ma- punta kapalit ng
tamis na dulot ninyo!”
- 6. Lingid sa kaalaman
ni Apeng na ang diwata
ng kape ay nakikinig
sa kaniyang hinaing,
kaya’t lumitaw ito mula
sa liwanag.
“Apeng! Apeng! Nararamdaman ko ang
iyong pighati, mula ngayon ang tamis na
bunga ng kape ay siyang magiging pait
nito kapag naluto ito.”
- 7. “Dahil busilak ang puso mo sa
pagmamahal sa iyong pamilya,
ipagkakaloob ko sa kanila ang
kagalingan.”
Biglang napatakbo pag-uwi si Apeng,
at nagulat siya ng makitang nakaupo mula
sa pagkakahiga nag kanyang ina at mga
kapatid na maysakit.
- 8. Laking tuwa niya kung kaya’t kaagad
siyang bumalik sa taniman at
nagpasalamat sa diwata ng kape.
Dahil bunga ng busilak na puso ang
pagiging mapait ng kape, masarap itong
kasama ng asukal kapag naluto ito.