Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Ang Backstreet Boys (kilala rin bilang BSB [2]) ay isang pangkat (tinatawag na boy band o banda ng mga batang lalaki) ng mga Amerikanong mang-aawit. Sila ang unang pangkat na binunsad ni Lou Pearlman, namamahala ng mga boy band. Opisyal na nabuo ang banda sa Orlando, Florida noong 20 Abril 1993.[3][4] Mayroon silang 13 Pinakamataas na 40 awitin sa Billboard Hot 100 at nakapagbenta ng higit sa 100 milyong album[5][6] at dahil sa bilang ng nabentang album, sila ang pinakamabentang boy band sa kasaysayan ng mundo.

Backstreet Boys
Kabatiran
PinagmulanOrlando, Florida, Estados Unidos
GenrePop Rock[1]
Teen Pop[1]
Adulto Kontemporaniyo[1]
Pop[1]
Taong aktibo1993–kasalukuyan
LabelJive Records
Sony Music
MiyembroHowie Dorough
Brian Littrell
A. J. McLean
Nick Carter
Kevin Richardson
Websitewww.backstreetboys.com

Nag-umpisa ang banda na binubuo nina AJ McLean, Howie Dorough, Brian Littrell, Nick Carter at Kevin Richardson. Sumikat sila sa kanilang album na pang-internasyonal, Backstreet Boys (1996). Sa mga sumusunod na taon, inilabas nila ang kanilang pangalawang pang-internasyonal na album, Backstreet's Back (1997) kasabay ang kanilang mga debu album sa Estados Unidos, kaya nama'y patuloy pang tumaas ang pandaigdigang tagumpay ng grupo. Subalit ang ganap na nagdala sa kanila tungo sa superstardom ay ang kanilang album na tinatawag na Millenium (1999) at ang follow-up na album, Black & Blue (2000). Matapos ang isang tatlong-taon na pahinga, nagbalik ang banda at inilabas ang kanilang album: Never Gone (2005), pati na rin ng dalawang karagdagang mga album na Unbreakable (2007) at This is Us (2009).

Iniwan ni Kevin Richardson ang grupo noong 2006 upang magpatuloy ng iba pang mga interes.[7]

Nakapag-benta ang Backstreet Boys ng higit sa 130 milyong mga records sa buong mundo.[8] Ayon sa Billboard, ang BSB ang unang grupo magmula sa Sade na nagawang maipasok ang kanilang unang pitong album sa top 10 (or tuktok 10 ayon sa Google Translate) ng Billboard 200.[9]

Kasaysayan

baguhin

Ang umpisa at maagang taon: 1992–1995

baguhin

Ang magpinsan na si Kevin Richardson at si Brian Littrell, parehong nagmula sa Lexington, Kentucky, ay nagsimulang umawit sa lokal na mga choirs ng simbahan at mga festivals habang sila ay bata pa.[10] Sa kabilang palad, si Howie Dorough at AJ McLean ay mga katutubo ng Orlando, Florida. Nakilala nila ang isa't isa, pati na rin si Nick Carter, dahil sa mga auditions na sinalihan ng dalawang para sa mga lokal na patalastas, teatro, at telebisyon.[10] Nang matuklasan ng tatlo na sila lahat ay may pagmamahal para sa classical soul, na kanilang maganda ring isaarmonya, nagpasya silang bumuo ng trio.[10] Samantala, si Richardson ay lumipat sa Orlando, kung saan siya ay kumuha ng ilang mga trabaho sa Disney, kabilang ang pagiging tour guide, ang mga role na Aladdin at isang Ninja Turtle, samantalang binubuhos naman ang lahat ng kanyang atensiyon sa musika tuwing gabi. Sa kalaunan, nakilala niya si Dorough, Carter, at McLean dahil sa isang co-worker, at ang apat ay nagpasyang bumuo ng isang grupo.[10] Si Brian Littrell maya-maya ay inanyayahang sumali, at ang grupo ay naging limahan.[11]

Habang nagaganap ang lahat ng ito, gumawa ng ad si Lou Pearlman sa Orlando Sentinel ng auditions upang makabuo ng isang boy band noong unang bahagi ng 1992.[12] Si AJ, na unang nag-auditon para kay Pearlman sa kanyang bahay, ay ang naging unang miyembro ng grupo.[12] Sa Enero 1993, gumawa si Pearlman isang open casting kung saan daan-daang mga batang performers ay sumayaw at kumanta sa sa Kissimmee, timog ng Orlando.[12] Sa kalaunan, si Nick Carter, Kevin Richardson, at Howie Dorough ay napili matapos na nilang matugunan ang mga inaasahan ni Pearlman. Si Brian Littrell ay naidagdag sa grupo matapos siyang anyayahan ni Richardson na kumanta para kay Lou Perlman sa telepono.[13] Nagpasyang tawagin ni Pearlman ang grupo na Backstreet Boys, dahil sa isang Backstreet flea market sa Orlando.[12] Ang kanilang unang pagtatanghal ay naganap sa SeaWorld Orlando sa Mayo 1993.[12]

Debu Album at ang tagumpay sa Amerika: 1996–1997

baguhin

Ang unang single na napiling ilabas ay "We've got it Goin' on." Ito ay ipinadala sa radyo noong isang Agosto at inilabas bilang physical single noong 5 Setyembre 1995. (Sa North America, sinira ng Montreal radio ang grupo matapos itong marinig ng mga lokal na programmer sa European radio [14].) Menor na tagumpay lamang ang nakamit ng kantang ito sa Estados Unidos nang ito ay makaaakyat ng pang 69 noong Disyembre.[15] Gayunpaman, kinawiwilihang lubos ang kantang ito sa Europa; kaya nama'y nakapasok ito sa top-5 sa Alemanya, Switzerland, Austria, France at Netherlands.[16][17] Ang tagumpay na nakamit sa Europa ay siyang nagdala sa bandang ito upang mag-summer tour doon; at doon din nagawa ang halos lahat ng mga promosyon ng banda. Noong Nobyembre 1995, isinapelikula nila ang kanilang pangalawang music video para sa kanilang ikalawang internasyonal single, "I'll Never Break Your Heart", na lumabas lamang sa Europa noong 12 Pebrero 1996.[18] Natapos silang magre-record ng kanilang unang album na Backstreet Boys noong Abril 1996 at isinapelikula ang kanilang ikaapat na music video, "Get Down (You're the One for Me)" sa Alemanya. Noong 6 Mayo 1996, inilabas sa buong daigdig ang kanilang mga debu album,[19] maliban sa US at Canada. Gayunpaman, ito ay maya-maya'y inilabas sa Canada noong Oktubre 1996 [20]

Ang katanyagan ng banda sa Europa ay lumago at ang Backstreet Boys ay naiboto bilang No. 1 international group ng mga manonood ng TV sa Alemanya. Sa kabilang palad, nakaabot ang "I'll never Break Your Heart" ng Gold status doon dahil nakabenta ito ng 250,000 yunit.[21] Kinita ng grupo ang kanilang unang platinum record sa Alemanya noong 1996 nang makabenta sila ng 500,000 na mga yunit ng kanilang debut album na Backstreet Boys noong mga panahong nagsimula silang maglibot sa Asya at Canada.[21] Ang Backstreet Boys ay mabilis na naging isa sa mga pinaka-matagumpay na mga baguhan artist sa mundo; na nakakolekta ng mga parangal tulad ng Germany's Viva Comet Awards noong 1996 sa kategoryang Durchstarter (Pinakamagaling sa mga baguhan).[22]

Nagsimulang magrecord ang Backstreet Boys ng kanilang ikalawang album na Backstreet's Back, pati na rin ang kantang, "If You Stay", para sa kanilang Booty Call soundtrack na inilabas noong Pebrero 1997. Inilabas nila ang "Anywhere for You" bilang huling sinlge ng kanilang pang-internasyonal na album noong 17 Pebrero 1997.[23] Ang kanilang single na "Quit Playing Games (With My Heart)" ay inilabas noong Mayo 1997 dahil ang kanilang nalalapit na debut album sa US ay nakaakyat sa Top 2 sa Billboard Hot 100; at ito ang siyang nagdala sa kanila upang makamit ang platinum-award dahil sa pagbebenta ng mahigit na isang milyong mga yunit.[24][25] Habang ang album na Backstreet's Back ay inilabas sa buong daigdig maliban sa US noong Agosto 1997, inilabas sa US noong 12 Agosto 1997 ang kanilang self-titled debut sa US, na binubuo ng mga awit mula sa mga Backstreet's Back at ang nakaraang self-titled na internasyonal bersiyon ng Backstreet Boys.[26]

Ang US self-titled debut ay umabot sa No. 4 sa mga US album tsart, at ito'y naibenta sa 14 milyong kopya.[27] Samantala, ang ikalawang internasyonal na release Backstreet's Back ay umabot ng No. 1 sa Alemanya, Norway, Switzerland, Finland, Netherlands, Belgium at Austria,[28][29] at nakapag-benta na rin ng higit sa limang milyong mga yunit sa Europa pa lamang.[30] Ang dalawangself-titled albums, ang internasyonal na bersiyon at ang US na bersiyon ng Backstreet Boys ay naibenta ng higit sa 28 milyong kopya sa buong mundo, kung saan ang 14 milyon ay naibenta sa US [31]

Noong 1997, nagsampa si Brian Littrell ng isang kaso laban kay Lou Pearlman at Trans Continental, dahil hindi raw naging tapat si Pearlman tungkol sa mga kitang nagawa ng grupo. Sa mga sumusunod na taon, sumali sa kaso sina McLean, Richardson, at Dorough, kaya naman nagkaroon ng iilang settlements.[32]

Millennium, Black and Blue, at ang Pandaigdigang Stardom: 1998–2000

baguhin

Habang sila ay nasa gitna ng isang kaso, nagsimula silang mag-record ng mga follow-up sa kanilang 1997 release noong simula ng Oktubre 1998.[33] Nagpapakita ng mga preview ng mga tracks ng BSB mula sa kanilang nalalapit na album na Millennium ang lahat ng mga bersiyon ng album ni Britney Spears na '...Baby One More Time na inilabas bago mag 18 Mayo 1999.[34] Ang pandaigdigang hit single na "I Want It That Way" na nag-top sa single-charts sa maraming bansa kabilang ang UK, Germany, Switzerland, Austria, Norway, New Zealand, ang siyang gumawa ng pag-asa para sa Millennium High.[15][16][35][36] Ang Millennium ay inilabas noong 18 Mayo 1999, ang isang araw kung saan ang Backstreet Boys ay gumawa ng isang mabigat na publicized appearance sa MTV's Total Request Live Millennium.[37] Ang album na ito ay nakapasok sa Billboard 200 bilang No.1, at naibenta ng 1,134,000 na kopya sa unang linggo ng pagkakalabas[38][39] Ang apat na singles ay inilabas mula sa Millennium: "I Want It That Way", "Larger than Life", "Show Me The Meaning Of Being Lonely", at "The One."

Ang Millennium ay ang naging best-selling album noong 1999 sa US, dahil nakabenta ito ng 9,445,732 album.[40] Ito rin ang may hawak ng record na pinakamaraming shipments sa isang taon, dahil sa 11 milyong shipment nito.[41] Ang Millennium ay nanatili sa Billboard chart sa loob ng 93 na linggo, at siyang nakabenta ng higit sa 12 milyong kopya sa Estados Unidos at napatunayang palitnum ng 13 beses.[42][43] Sa katapusan ng Disyembre 2008, ang album ay naging ika-apat na best-selling sa US ng SoundScan era.[42]

Noong Oktubre 1999, naharap sa mga problema ang Backstreet Boys dahil napawalang-bisa ang kanilang current Jive contract, isa sa mga pinakamalaking record deal na nagawa kailanman na nagkakahalagang $60 milyon.[44]

Isang paglalakbay sa Bahamas ang ginawa ng mga miyembro ng grupo noong Mayo 2000 upang makapagsulat ng mga awit para sa kanilang album.[45] Sila ay nagsimulang mag-record ng kanilang susunod na album noong 1 Hulyo 2000 sa Stockholm Sweden, kung saan nagtapos ang kanilang mga recording sessions noong Setyembre. [41 ] [46][47] Ang awiting "It's True" na nakumpleto noong Hulyo, ay inilabas noong 28 Agosto 2000 para sa isang compilationg ibinebenta ng Burger King.[47] Naglabas ang BSB ng unang single na tinatawag na "Shape of My Heart" sa radyo noong 3 Oktubre 2000.[47] Inilabas nila ang kanilang susunod na studio album na Black & Blue noong 21 Nobyembre 2000.[48] Upang itaguyod ang paglalabas ng album, naglakbay ang banda sa buong mundo sa loob ng 100 oras papuntang Sweden, Japan, Australia, South Africa, Brazil, at ang US. 55 ng oras ay ginugol sa paglalakbay at ang natitirang 45 ay itinuon sa paggawa ng mga pampublikong appearances.[49] Naitala nito ang best international sales sa loob ng isang linggo para sa isang album sa kasaysayan sa pamamagitan ng pagbebenta ng higit sa 5 milyong kopya sa unang linggo ng mga benta.[50][51] Sa Estados Unidos, nakapagbenta ng 1.6 milyong mga discs sa unang linggo, kaya naman sila ang naging unang artist magmula noong The Beatles na makakamit ng back-to-back milyon plus sa unang linggo ng pagbebenta.[52] Sa kabila ng paunang mahusay na benta, hindi tumugma ang Black and Blue sa tagumpay na nakamit ng kanilang unang dalawang album na ginawa. Ang unang single mula sa album ay "Shape of My Heart" na sinusundan ng "The Call" at "More Than That." Sa unang linggo ng paglalabas, ang unang single ng Black & Blue na "Shape of My Heart" ay ipinatugtog sa 170 mula sa 171 ng Top 40 na mga estasyon sa US, at di kinalaunan ay napunta sa No. 9 sa Billboard Hot 100.[15] Samantala sa ibang bansa, pumasok ang kantang ito sa Top-5 sa Alemanya (No.2), Switzerland (No.1), Austria (No.4), Netherlands (No.3), Sweden (No.1), Norway (No. 1), Finland (No.3), Italya (No.1), Australia (No.5) at New Zealand (No.1).[16][53] Sa kahulihan ng Pebrero 2001, ang pangalawang single ng album "The Call" ay napunta sa Top-10 sa UK at ang ikatlong single na "More Than That" ay nakaabot sa Top-20.[54]

Black and Blue Tour, The Hits: Chapter One, at ang Pahinga: 2001–2003

baguhin

Sa Enero 2001, Backstreet Boys kicked off ang unang paa ng kanilang mga "The Black & Blue Tour", kung saan sila ay upang gawin sa limang kontinente. Ang paglilibot ay may lubos na mahal na gastos sa produksiyon. Ang ikalawang binti ng "The Black & Blue Tour" ay ilagay sa hold na kapag ito ay iniulat na AJ McLean ay naka-check ang kanyang sarili sa rehab sa labanan alkoholismo, kokaina ng pagkagumon at depression matapos Richardson ay gaganapin isang interbensiyon para sa kanya sa isang Boston hotel.[55] Tatlong ibinebenta-out nagpapakita para sa Air Canada Centre ay nabago hanggang Septiyembre. Sa 28 Enero 2001,[56] ang Backstreet Boys gumanap ng Amerikano pambansang awit, sa harap ng isang madla sa Super mangkok XXXV sa Raymond James Stadium, Tampa, Florida.

Ang hit: Kabanata Isa, na inilabas sa 30 Oktubre 2001 ay isang koleksiyon ng mga Backstreet Boys classic hit at isang dati unreleased kanta, "Drowning" [57] Habang ang ay album pumasok sa top-5 sa US (No.4). ,[38] United Kingdom (No.5),[54] Alemanya (No.4) [28] at Canada (No.1),[58] ito pinamamahalaang upang ipasok ang top-10 sa Switzerland, Austria, Netherlands at New Zealand [59] Sa US, ang mga hit: Kabanata Isa ay Certified platinum para sa pagbebenta ng mahigit sa isang milyong mga yunit [60] Katulad nito, ang album ay certified platinum sa pamamagitan ng IFPI (Europa) din para sa pagbebenta ng mahigit sa isang milyong mga yunit doon.[61]

Noong 2002, ang band ang ipinahayag ng isang malakas na pagnanais na iwan ang kanilang mga kompanya sa pamamahala, Ang kompanya.[62] Nick Carter pinili upang manatili sa Ang kompanya upang pamahalaan ang kanyang solo karera. Daldal, ayon sa industry observers, ay walang pagpipilian ngunit sa bangko sa ilalabas ng solo album ng Carter sa pamamagitan ng dulo ng taon. Ang relasyon sa daldal worsened kapag ang Backstreet Boys isampa sa isang $ 75–100 milyong kaso laban Zomba Music Group (magulang kompanya daldal ng) sa pagkuha ng paglabag ng kontrata.[63] Ang grupong nakasaad ang label promote solo album Nick Carter ng Ngayon o Huwag kailanman sa kapinsalaan ng group na nais upang isulong ang kanilang ika-apat na album. Ayon sa suit, noong Nobyembre 1999, ang Backstreet Boys binago kanilang 1994 kontrata at nakatuon sa ilalabas ng dalawang karagdagang mga album para sa Zomba. Sa exchange para sa paghahatid sa kanila sa oras bilang bahagi ng isang paunang natukoy na iskedyul, ang pangkat ay makatanggap ng maramihang mga non-returnable mga pagbabayad na maglingkod bilang advances laban sa hinaharap na mga royalties.

Sa Nobyembre 2003, A.J. McLean lumitaw sa Ang Oprah Winfrey Show kung saan siya talked sa unang pagkakataon sa publiko tungkol sa kanyang pagkagumon sa alak at droga, at ang kanyang mga struggles umaangat sa katanyagan.[64] Ang mga natitirang ang band nagulat siya sa pamamagitan ng pagdating sa tao upang magbigay sa kanya ng suporta, pagmamarka sa unang pagkakataon na Backstreet Boys ay lumitaw magkasama sa publiko sa halos dalawang taon.[64] Ang episode mamaya aired sa Disyembre 2003 [65] sa nationwide madla. Band ang nagsimula sa reporma at pagtugmain ang kanilang mga pagkakaiba, pagpaplano upang simulan ang pagre-record ng ng pagbalik album sa simula ng susunod na taon.[66]

Never Gone at ang Pag-alis ni Richardson: 2004–2006

baguhin

Pumasok ang Backstreet Boys sa studios noong Enero 2004 upang simulan ang pagsusulat ng bagong album at nabanggit nilang sila ay nagtala ng apat na kanta para sa album noong Pebrero.[67] Sila rin ay nagsimulang magtanghal upang itaguyod ang kanilang pagbabalik sa larangan ng musika. Noong Setyembre, gumawa sila ng isang maliit na Asian tour: kabilang ang Beijing, Shanghai, Tokyo at Maynila sa mga binisita. Batay sa tagumpay ng tour na ito, sila ay nagpahayag naman ng isang Mexican tour, at ibinisita ang Mexico City at Monterrey habang sila ay nagtanghal ng mga bagong materyal.

Matapos ang isang tatlong-taon na pahinga, ang kanilang solong, "Incomplete", ay inilabas sa mga estasyon ng radyo sa 28 Marso 2005. Ang album ay ipinangalanan sa isang kanta sa album na iniluluksa ang pagkawala ng ama ni Kevin Richardson. Ang marahas na pagbabago ng estilo ay nag-udyok ng negatibong kritika mula sa mga magasin tulad ng Rolling Stone, na binigyan ang kanilang album ng 1 star.[68] Noong 14 Hunyo 2005, inilabas ng Backstreet Boys ang kanilang album sa pagbabalik na Never Gone, kung saan ginugol nila ang higit pa kaysa sa isang taon sa pagrerecord. Nag-debut ang album sa # 3 sa US Chart na may benta ng 291,000 kopya sa unang linggo, at #1 debuts sa Bangladesh, Pakistan, Germany, India, Chile, Brazil at South Korea. Sinimulan ng Backstreet Boys ang unang parte ng kanilang The Never Gone Tour noong Hulyo sa West Palm Beach, Florida. Ito ay ang kanilang mga unang Australian tour. Ang Never Gone ay certified platinum sa Estados Unidos at ang apat na singles ay inilabas mula sa album. Ang unang single ay "Incomplete", ang pangalawang single ay "Just Want You To Know", at ang ikatlong single ay "Crawling Back To You" para sa US at "I Still..." sa buong daigdig. Ang Never Gone ay naibenta ng humigit-kumulang 10 milyong kopya sa buong mundo.[69] Ang ikalawang single ng Never Gone na "Just Want You To Know" ay napunta sa Top 10 sa UK, ngunit hindi kasing tagumpay sa Estados Unidos. Ito ay isa sa pinakamahinang singles ng grup, na umabot lamang sa #70 sa ang tsart ng Billboard Hot 100. Ang ikatlong internasyonal na solong "I Still..." ay umabot ng #1 sa Japan International Singles Chart. Ang ikatlong US single, "Crawling Back To You" ay umabot sa # 15 sa Billboard Adult Contemporary Chars.

Sa Hunyo 2006, iniwan ni Richardson ang Backstreet Boys upang ituloy ang iba pang mga interes, at nag-iwan isang pahayag sa website ng banda noong 23 Hunyo 2006. [2]

Unbreakable at This is Us: 2007–2010

baguhin

Ang ikaanim na album ng Backstreet Boys na Unbreakable, ay opisyal na inilunsad noong 30 Oktubre 2007. Ito ay ang kanilang unang pagsisikap mula nang si Richardson ay umalis. Habang album ay nagtanggap ng mga positibong review, wala pa rin ito sa kalingkinan ng naunang album na Never Gone. Ang Unbreakable ay umabot sa #7 sa Billboard 200, nagbebenta ng 81,000 kopya sa unang linggo ng pag-release.[70] Dalawang linggo matapos ang debut, ang album ay nawala sa Top 100. Gayunpaman, maganda pa rin ang pagganap ng album sa Japan at ito'y nag-debut sa #1 sa Japanese Oricon weekly album charts at mamalagi doon sa loob ng isa pang linggo.

Noong 25 Hulyo 2007, ang unang single ay nakumpirma bilang "Inconsolable," isang piano-driven na balad katulad ng "Incomplete" ng Never Gone. Naabot nito ang #21 sa US Adult Contemporary Charts, ngunit #86 lamang sa Billboard Hot 100. "Helpless When She Smiles" ay ang susunod na single na inilabas mula sa Unbreakable. Ito ay umabot ng #52 lamang sa US Adult Contemporary Chart at siya namang ay nabigong maabot ang Billboard Hot 100 chart.

Nagpunta ang grupo sa isang 45 date na world tour upang ipromote ang Unbreakable sa Tokyo, Japan noong 16 Pebrero 2008. Ang mga petsa ay nakumpirma para sa tour na may pamagat na ang Unbreakable Tour sa Australia, Japan, Mexico, UK, Europa, Asya, Canada at ang Estados Unidos. Nag-record sila ng tour DVD sa The O2 Arena sa London na makikita sa YouTube, bagamat hindi pa nailalabas. Sumama si Richardson sa natitirang bahagi ng band sa Los Angeles sa paleydyum sa Hollywood noong 23 Nobyembre 2008 para sa huling North American stop ng Unbreakable Tour.[71]

Noong 2009, ang grupo ay nagsimulang magtrabaho sa isang bagong album na inilabas sa 6 Oktubre 2009, na tinatawag na This is Us,[72] at nakumpirma ring sila ay nagtatrabaho kasama si Max Martin,[73] mang-aawit ng OneRepublic na si Ryan Tedder, RedOne, Ne-Yo, Brian Kennedy, Alex James, Pitbull, Claude Kelly, Jim Jonsin, Eddie Galan, T-Pain, Rami Yacoub, Kristian Lundin at marami pang iba.[74] Hindi tulad ng Unbreakable, ang tunog ng This is Us ay bumalik sa kanilang orihinal na sayaw-pop beats at naglalaman ng higit pang R & B tunog.[75] Ang album ay nag-debut sa #9 sa Billboard 200, at nakapagbenta ng 42,000 kopya sa kanyang unang linggo ng paglalabas.[76] Umabot ito sa #2 sa Japan at na-Certify na platinum dahil sa shipments ng 250,000 kopya.[77] Noong 27 Agosto 2009, ang unang single na "Straight Through My Heart" ay inilabas. Nabigo ito sa tsart sa Billboard Hot 100 ngunit nakaabot sa #18 sa Billboard Hot Dance Club Songs.[78] Ang ikalawang single mula sa album ay "Bigger". Noong 30 Oktubre 2009, ang grupo ay nagpunta sa This Is Us World Tour, na nagtapos sa Hanoi noong 26 Marso 2011.

Ang ikalawang Backstreet Boys greatest hits album ay inilabas noong 26 Enero 2010. Ang compilation ay may pamagat na Playlist: The Very Best of Backstreet Boys at ay bahagi ng isang serye ng mga katulad na Playlist album na ibinibigay ng Sony Legacy. Ito ay ang kanilang huling album para sa Jive Records, bago sila makipaghiwalay sa label.

NKOTBSB: 2011-kasalukuyan

baguhin

Noong Nobyembre 2010, isinarado ng Backstreet Boys ang American Music Awards kasama ang New Kids On The Block.[79] Noong 8 Nobyembre 2010, nakumpirmang sila ay nagpaplanong magkaroon ng isang tour kasama ang mga New Kids On The Block sa 2011.[80] Bago ang kanilang tour, inilabas ng bagong supergroup ang isang album ng kanilang mga pinakamalaking hit, kabilang ang dalawang bagong kanta, "Don't Turn Out The Lights" at "All in My Head".[81] Noong 16 Oktubre 2011, bagong tour petsa ay inihayag para sa UK at Europa.[82]

Noong 25 Oktubre 2011, gumawa si Kevin Richardson ng isang anunsiyo sa Ryan Seacrest na siya ay nagho-host ng isang espesyal na konsiyerto ng Beach Party sa ang Bahamas sa 3 Disyembre 2011. Ang party ay bahagi ng ikalawang taunang cruise ng grupo, ang SS Backstreet, na tumatakbo mula sa Disyembre 2-5. Insinaad din niya na gusto niyang makasama at makipagtanghal sa grupo nang mas madalas.[83]

Mga miyembro

baguhin
  • Brian Littrell
  • A.J. McLean
  • Howie Dorough
  • Nick Carter
  • Kevin Richardson

Discography

baguhin
  • Backstreet Boys (1996)
  • Backstreet ng Bumalik (1997)
  • Milenyo (1999)
  • Black & Blue (2000)
  • Never Gone (2005)
  • Unbreakable (2007)
  • This Is Us (2009)
  • In a World Like This (2013)
  • DNA (2019)

Parangal

baguhin
  • We Wanna Be with You Tour (1995–1996)
  • The Space Show (1996–1996)
  • Backstreet Boys: Live In Concert Tour (1996–1997)
  • Backstreet's Back Tour (1997–1998)
  • Into the Millennium Tour (1999–2000)
  • The Black & Blue Tour (2000–2001)
  • Up Close & Personal Tour (2005)
  • The Never Gone Tour (2005–2006)
  • Unbreakable Tour (2008–2009)
  • This Is Us Tour (2009–2011)
  • NKOTBSB Tour (2011–2012)
  • In a World Like This Tour (2013-kasalukuyan)

Tignan din ang

baguhin
  • List of best-selling music artists
  • List of best selling music artists in US
  • List of best-selling albums (USA)
  • List of best-selling albums worldwide
  • List of best-selling boy bands
  • Top ten best-selling albums of the Nielsen SoundScan era
  • List of most expensive music videos
  • List of awards received by Backstreet Boys

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "allmusic ( (( Backstreet Boys > Overview )))". Nakuha noong 2008-08-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Backstreet Boys". Retrieved 2011-04-12.
  3. [1]
  4. [2]
  5. "Backstreet Boys still a hit past their prime". 2009-09-10. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-08-22. Nakuha noong 2009-05-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "The Backstreet Boys 'On the Record'". FOX news. 2008-12-24.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Kevin Richardson Quits Backstreet Boys". MTV. Retrieved 2011-11-10.
  8. Garcia, Cathy Rose A. (2010-02-22). "Backstreet Boys Share Secrets to Success". The Korea Times. Retrieved 2011-01-24.
  9. Up for DiscussionPost Comment (2005-07-02). "Never Gone – Backstreet Boys". Billboard.com. Retrieved 2009-10-19.
  10. 10.0 10.1 10.2 10.3 "Backstreet Boys Biography". StarPulse.com. Retrieved 2010-03-15.
  11. "Full Biography". MTV
  12. 12.0 12.1 12.2 12.3 12.4 "Mad About the Boys". Vanity Fair (magazine). Retrieved 2010-03-15.
  13. "Backstreet Time Line". Retrieved 10 Nobyembre 2011.
  14. "Mark Bergman | Hot/Mod/AC 10 Questions | Music and Radio Online Topics and Interviews | ... …". Allaccess.com. 2009
  15. 15.0 15.1 15.2 "Backstreet Boys' US singles chart-positions". Billboard Magazine. Retrieved 2010-01-24.
  16. 16.0 16.1 16.2 "Backstreet Boys' German singles chart-positions". Musicline.de. Retrieved 2010-01-24.
  17. "Backstreet Boys' European chart-positions on We've Got It Going On". swisscharts.com. Retrieved 2010-01-24.
  18. "Backstreet Boys: I'll Never Break Your Heart". swisscharts.com. Retrieved 2010-03-01.
  19. "Backstreet Boys: Backstreet Boys (international version)". swisscharts.com. Retrieved 2010-03-01.
  20. Hits of the World: Canada's albums (4 Nobyembre 1996). Billboard Magazine. 1996-11-09. Retrieved 2010-03-29.
  21. 21.0 21.1 "Gold-/Platin-Datenbank (Backstreet Boys)" (in German). Bundesverband Musikindustrie. Retrieved 2010-01-24.
  22. "Backstreet Boys at Viva Comet Awards". Viva. Retrieved 2010-03-01.
  23. "Backstreet Boys-Anywhere For You". swisscharts.com. Retrieved 2010-03-03.
  24. Backstreet Boys View Their Teen Act Origins As the Start of their Career. Billboard Magazine. 1998-05-23. Retrieved
  25. "Backstreet Boys US certifications on Quit Playing Games". RIAA. Retrieved 2010-03-03.
  26. Backstreet Boys Move Onto Main. Billboard Magazine. 1997-07-19. Retrieved 2010-03-02..
  27. "Backstreet Boys' Biography on Billboard". Billboard Magazine. Retrieved 2010-01-24.
  28. 28.0 28.1 "Backstreet Boys' German albums chart-positions". Musicline.de. Retrieved 2010-01-24.
  29. "Backstreet Boys' European chart-positions on Backstreet's Back". swisscharts.com. Retrieved 2010-01-24.
  30. "IFPI (Europe) Certification-awards 1998". IFPI. Retrieved 2010-01-24.
  31. "Backstreet Boys To Tape Concert Special As New Single, Album Prepare For Release". Musicline.de. 199-04-05. Retriev
  32. "Backstreet Boys Sue Pearlman, Trans Continental". Billboard. Retrieved 2010-02-10.
  33. "Backstreet Boys Settle With Pearlman, Record New Album". MTV. Retrieved 2010-03-03.
  34. Karger, Dave (1999-03-05). "EW tells you where to find three new Backstreet Boys songs". ew.com. Retrieved 2010-03-0
  35. Chart Stats - Backstreet Boys - I Want It That Way Retrieved 12 Pebrero 2011.
  36. "Backstreet Boys' European chart-positions on I Want It That Way". swisscharts.com. Retrieved 2010-03-01.
  37. "Backstreet Boys album Millennium". MTV. Retrieved 2010-03-01.
  38. 38.0 38.1 "Backstreet Boys' US albums chart-positions". Billboard Magazine. Retrieved 2010-03-02..
  39. "Britney Scores Second Best Soundscan Week". AllBusiness. 2000-05-24. Retrieved 2010-01-18.
  40. Soundscan Annual Report 1999
  41. "Top Selling Albums From 1991-2008". collectiblesblog.net. 2009-08-14. Retrieved 2010-03-03.
  42. 42.0 42.1 "2009 U.S. Music Purchases up 2.1% over 2008; Music Sales Exceed 1.5 Billion for Second Consecutive Year".
  43. "Search Result: Backstreet Boys". RIAA. 2000-05-24. Retrieved 2010-01-18.
  44. Backstreet Boys Pave Golden Road In New Deal With Jive Records >> LiveDaily
  45. "Backstreet Bahama Boys". CBS News. 2000-05-16. Retrieved 5 Marso 2010.
  46. "Backstreet Boys Set Up Studio Time". MTV. Retrieved 4 Marso 2010.
  47. 47.0 47.1 47.2 "Backstreet Boys Get To Get "Black and Blue"On New LP". MTV. Retrieved 4 Marso 2010.
  48. "Backstreet Boys album Black & Blue". MTV. Retrieved 2010-03-03.
  49. "Backstreet Boys Launch Black & Blue Tour". ABC News. Retrieved 2010-03-03.
  50. "Backstreet Boys: Biography on Rolling stone". Rolling Stone. Retrieved 2010-04-05.
  51. "Charts: Backstreet Boys score another No. 1 with ?Black & Blue?". Live Daily. 2000-11-29. Retrieved 2010-02-09.
  52. Backstreet's Back in Action. Billboard Magazine. 2005-03-05. Retrieved 2010-03-03.
  53. "Backstreet Boys' European and Australasian chart-positions on Shape of My Heart". swisscharts.com. Retrieved 2010-0
  54. 54.0 54.1 "Backstreet Boys' UK chart-positions". Chart Stats. Retrieved 2010-02-09.
  55. "Backstreet Boys' Kevin Richardson talks about bandmate A.J. McLean". all pop music. 2001-07-10. Retrieved 2010-01-1
  56. "super bowl XXXV :: superbowl 35 :: superbowl 2001". Super-bowl-history.us. 2001-01-28. Retrieved 2012-04-04.
  57. Christian (2001-11-13). "Drowning by Backstreet Boys". Song of the Decade. Retrieved 2012-04-04.
  58. "Backstreet Boys' Canadian albums chart-positions". Billboard Magazine. Retrieved 2010-02-09
  59. "Backstreet Boys' European and Australasian chart-positions on The Hits: Chapter One". swisscharts.com.
  60. "Backstreet Boys' US certifications". RIAA. Retrieved 2010-02-09.
  61. "IFPI Platinum Europe Awards - 2002". IFPI. Retrieved 2010-02-09.
  62. MUSIC; The Lost Boys: How a Pop Sensation Came Undone
  63. Backstreet Boys' Backs Are Up
  64. 64.0 64.1 "Backstreet Boys Inspired By Oprah To Hit Studio Again". MTV. 2003-12-04. Retrieved 2010-03-05.
  65. "The Heather Channel". Lexington Herald-Leader. 2003-12-12. Retrieved 5 Marso 2010.
  66. "Everybody, Backstreet's back". The Boston Globe. 2003-12-20. Retrieved 2010-03-05.
  67. Friedman, Roger (2004-02-09). "Justin Timberlake Gets Debut Movie Role". Fox News. Retrieved 5 Marso 2010.
  68. "Backstreet Boys 'Never Gone'". CBS News. 2005-06-14.
  69. SingerUniverse Magazine – Backstreet Boys article
  70. Billboard.com: Eagles Fly Past Britney To Debut At No. 1
  71. andPOP: All Five 'Backstreet Boys' Reunite in L.A.
  72. Back Street Boys are back, alright! 28 Hulyo 2009
  73. Backstreet Boys At Work On New Album, Solo Disks. Billboard.com. 24 Hulyo 2008
  74. Official New Album Thread at Live Daily
  75. "This Is Us' review at Allmusic". Allmusic. Retrieved 2010-10-10.
  76. "Michael Buble Beats Kiss". Billboard. Retrieved 2010-10-10.
  77. "Search results of the Japanese Oricon Weekly Albums Chart, second week of Oktubre 2009" (in Japanese). oricon.co.jp. Oricon. Retrieved 19 Oktubre 2009.
  78. "Straight Through My Heart's chart positions on Billboard". Billboard. Retrieved 2010-10-10.
  79. Vena, Jocelyn (21 Nobyembre 2010). "Backstreet Boys And New Kids On The Block Close The AMAs". MTV. Retrieved 22 Apri
  80. "Backstreet Boys, New Kids On The Block Talking Joint Tour". Billboard. Retrieved 2010-10-10.
  81. (Press release). PR Newswire. 11 Abril 2011. http://www.prnewswire.com/news-releases/the-fans-have-spoken-nkotbsb-track-listing-revealed-119614079.html. Retrieved 16 Abril 2011.
  82. "UK and Europe NKOTBSB Tour Dates Announced". Retrieved 20 Oktubre 2011..
  83. "Kevin Richardson On Appearing With The Backstreet Boys Again [AUDIO"]. 25 Oktubre 2011. Retrieved 25 Oktubre 2011.

References

baguhin