Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Sulat Tagbanwa

sistemang pansulat ng mga wikang Tagbanwa

Ang Tagbanwa ay isa sa mga kaparaanan ng pagsusulat na katutubo sa Pilipinas, na ginagamit ng mga Tagbanwa at mga Palawano bilang kanilang katutubong sistema ng pagsusulat at iksrip.[1]

Sulat Tagbanwa
ᝦᝪᝯ
UriAbugida
Mga wikaMga wikang Palawano
Panahons. 1300–kasalukuyan
Mga magulang na sistema
Mga kapatid na sistemaIn the Philippines:
Sulat Tagalog
Sulat Buhid
Sulat Hanunuo
Sulat Kulitan
Sa mga ibang bansa:
Balines
Batak
Habanes
Lontara
Sundanes
Rencong
Rejang
ISO 15924Tagb, 373
DireksyonKaliwa-kanan
Alyas-UnicodeTagbanwa
Lawak ng UnicodeU+1760–U+177F

Namamatay ang mga wikang Tagbanwa (Aborlan, Calamian at Sentral), na mga wikang Austronesyo na may halos 25,000 kabuuang nagsasalita sa gitnang at hilagang bahagi ng Palawan, dahil ang mga kabataan ng Tagbanwa ay nag-aaral at gumagamit ng mga di-tradisyonal na wika, tulad ng Cuyonon at Tagalog, at sa gayon ay umuunti ang kanilang kaalaman ng kanilang sariling katutubong pamanang pangkultura. Mayroong mga panukala upang muling pasiglahin ang sulat sa pagtuturo nito sa mga pampublikong at pribadong paaralan na may mga populasyon ng Tagbanwa.[2]

Pinagmulan

baguhin

Ginamit ang Tagbanwa sa Pilipinas hanggang ika-17 siglo. Malapit na kaugnayan sa Baybayin, pinaniniwalaan na nanggaling ito mula sa sulat Kawi ng Java, Bali at Sumatra, na nagmula naman sa sulat Pallava, isa sa mga katimugang Indiyanong sulat na nagmula sa Brahmi.[3]

Mga katangian

baguhin

Ang Tagbanwa ay isang alpasilabaryo kung saan ang bawat katinig ay may likas na pantig /a/. Ipinapahiwatig ang mga ibang patinig sa pamamagitan ng tuldik sa itaas (para sa /i/) o sa ibaba (para sa /u/) ng katinig.[4] Kinakatawan ang mga patinig sa simula ng mga pantig ng kani-kanilang mga nag-iisang titik. Ang mga pantig na nagwawakas sa katinig ay isinusulat nang walang huling katinig.[5] Naiiba ang Tagbanwa sa Baybayin sa mga hugis ng iilang mga titik, tulad ng ‹k› at ‹w› na ibang-iba sa mga ibang uri ng Baybayin.[1]

Ayon sa kaugalian, isinusulat ang Tagbanwa sa kawayan sa mga patayo na tudling mula ibaba pataas at mula kaliwa pakanan. Gayunpaman, binabasa ito mula kaliwa pakanan sa mga pahalang na linya.[3]

 

Mga patinig

baguhin
Mga Patinig ng Tagbanwa[5]
Initial Dumidepende
Transkripsyon a i u i u
Titik

Mga katinig

baguhin
Mga Pantig ng Tagbanwa[5]
Transkripsyon k g ng t d n p b m y l w s
Katinig + a
Katinig + i ᝣᝲ ᝤᝲ ᝥᝲ ᝦᝲ ᝧᝲ ᝨᝲ ᝩᝲ ᝪᝲ ᝫᝲ ᝬᝲ ᝮᝲ ᝯᝲ ᝰᝲ
Katinig + u ᝣᝳ ᝤᝳ ᝥᝳ ᝦᝳ ᝧᝳ ᝨᝳ ᝩᝳ ᝪᝳ ᝫᝳ ᝬᝳ ᝮᝳ ᝯᝳ ᝰᝳ

Gumagamit ang Tagbanwa ng solong () at dobleng () pananda.[5]

Ibalnan

baguhin
 
Ang alpabetong Ibalnan

Noong ika-20 siglo, kinuha ang sulat na ito mula sa mga Tagbanwa ng mga Palawano dako pa sa katimugan ng pulo.[1] 'Ibalnan' ang tawag sa sulat na ito at ulit ang tawag sa pananda ng patinig.[6]

Unicode

baguhin

Idinagdag ang sulat Tagbanwa sa Pamantayang Unicode noong Marso, 2002 sa paglabas ng bersyong 3.2.

Ang bloke ng Tagbanwa sa Unicode ay U+1760–U+177F:

Tagbanwa[1][2]
Ang opisyal na pangkodigong talangguhit ng Unicode Consortium (PDF)
  0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 A B C D E F
U+176x
U+177x
Talababa
1.^ Pagsapit ng bersyong 13.0 ng Unicode
2.^ Ipinapahiwatig ng mga kulay-abo na puwang ang mga di-itinalagang puntos ng kodigo

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 Miller, Christopher (2014). "A survey of indigenous scripts of Indonesia and the Philippines". Nakuha noong 21 Mayo 2020. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. http://newsinfo.inquirer.net/985669/protect-all-ph-writing-systems-heritage-advocates-urge-congress
  3. 3.0 3.1 Omniglot: Tagbanwa. Accessed October 13, 2016.
  4. Everson, Michael (1998-11-23). "N1933 Revised proposal for encoding the Philippine scripts in the UCS" (PDF).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Chapter 17: Indonesia and Oceania" (PDF). Unicode Consortium. Marso 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Palawano B Dictionary". Nakuha noong 26 Mayo 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin