Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Ang Stuttgart ay isang lungsod sa Alemanya. Ito ang kabisera ng Estado ng Baden-Württemberg ng Alemanya, na nasa ilog ng Neckar at may 590,000 naninirahang mga tao. Sa kasalukuyan, ang Stuttgart ang ika-6 sa pinakamalalaking mga lungsod sa Alemanya. Ang Rehiyong Stuttgart ang ikatlong pinakamalaking rehiyon ng bansa. Nahahati ang lungsod sa 23 distritong panglungsod. Ito rin ang tahanan ng dalawang kompanyang gumagawa ng mga kotse: ang Mercedes-Benz at Porsche.

Stuttgart

Stuttgart
Schduagert
big city, City district in Baden-Württemberg, financial centre, major regional center, urban municipality in Germany, Option municipality, state capital in Germany
Watawat ng Stuttgart
Watawat
Eskudo de armas ng Stuttgart
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 48°46′39″N 9°10′48″E / 48.7775°N 9.18°E / 48.7775; 9.18
Bansa Alemanya
LokasyonKingdom of Württemberg
Ipinangalan kay (sa)hardin
Bahagi
Pamahalaan
 • KonsehoRathaus Stuttgart
Lawak
 • Kabuuan207.35 km2 (80.06 milya kuwadrado)
Populasyon
 (31 Disyembre 2022)
 • Kabuuan632,865
 • Kapal3,100/km2 (7,900/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+01:00
Plaka ng sasakyanS
Websaythttps://www.stuttgart.de/

Kasaysayan

baguhin

Noong 2006, naging "palauran" ng World Cup 2006 o Kopa ng Mundo ng 2006 ang Stuttgart. Mayroong 590,000 kataong naninirahan sa loob ng hangganan ng lungsod. Ito ang ika-6 na pinakamalaking pagkaraan ng Berlin, Hamburg, Munich, Cologne, at Frankfurt am Main. Ayon sa pagtataya noong 2005, nagkaroon ang urbanong pook ng Stuttgart ng nasa pagitan ng 1,238,000 at 1,250,000 mga naninirahan. Sa ngayon, mayroong 1,261,000 mga taong naninirahan sa urbanong pook ng Stuttgart, habang 1,495,000 naman ang namumuhay sa mas malawak na urbanong pook (ayon sa pagtataya noong 2008). Nasa 2,700,000 mga katao ang nasa metropolitanong pook at nasa mga 3,460,000 naninirahan ang rehiyong metropolitano ng Stuttgart.

Larawan

baguhin
 
Panorama o tanawin ng Stuttgart habang tinataw sa Timog Silangan. Mula sa lambak ng Neckar sa kaliwa ng lungsod, umaangat ang lungsod papuntang kalagitnaan ng lungsod, na pinalalamutian sa likod ng matataas na mga kahuyan sa katimugan (tore ng telebisyon). Nasa kanan ang Katimugan at Kanlurang Stuttgart.

Sanggunian

baguhin

Panlabas na mga kawing

baguhin


Alemanya  Ang lathalaing ito na tungkol sa Alemanya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.