Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Ang poligamiya(mula sa griyegong πολύς γάμος polys gamos, "palaging kasal") ay tumutukoy sa pagpapakasal sa maraming asawa. Ang isang indibidwal na lumalahok sa ganitong uri ng kasal o pagsasama ay tinatawag na poligamista. Kung ito ay tumutukoy sa isang lalake na lumalahok sa poligamiya, ito ay tinatawag na polygyny; kung ito ay tumutukoy sa isang babaeng lumalahok sa poligamiya, ito ay tinatawag na polyandry.

Sa Hudaismo at Bibliya

baguhin

Ang Torah ay may mga ilang regulasyon sa paglahok sa isang poligamiya. Kabilang sa mga karakter sa Lumang Tipan na mayroon maraming asawa si Abraham(ama ng Hudaismo), Jacob, David, Solomon(na may 700 asawa, mga prinsesa, at 300 kabit), Lamech, Esau, Gideon, Saul, Rehoboam, Elkanah, Ashur, Abijah and Jehoiada. Ayon sa Exodo 21:10, ang pagpapakasal sa maraming asawa ay hindi dapat magpabawas sa karapatan ng unang asawa gaya ng karapatan sa pagkain, pananamit, at mga ugnayan ng mag-asawa. Ayon sa Deuteronomyo 21:15–17, ang isang lalake ay dapat magbigay ng pamana sa unang anak na lalake kahit kinapopootan ng lalake ang ina ng batang ito at mas mahal niya ang ibang mga asawa.[1] Ayon sa Deuteronomyo 17:17, ang isang hari, ay hindi dapat magkaroon ng sobrang daming asawa. [2] Ang pag-aasal ng hari ay kinondena ni propeta Samuel(1Samuel 8). Ang Exodo 21:10 ay nagpapatungkol sa mga "kabit"(concubine) na Hudyo.

Sa Islam

baguhin

Ang poligamiya ay pinapayagan sa Islam. Ang tagapagtatag ng Islam na si Muhammad ay ikinasal sa labintatlong babae. Kabilang sa asawa ni Muhammad ang siyam na taong gulang na batang babae na si Aisha. Ang gawaing ito ay karaniwang matatagpuan sa Islamikong bansa na Saudi Arabia, sa Kanluran at Silangang Aprika at iba pa.

Sa Mormon

baguhin

Ayon sa tagapagtatag ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints o Mormon na si Joseph Smith, siya ay nakatanggap ng pahayag noong July 17, 1831 na ang ilang mga lalakeng Mormon na inutusan ay magsasagawa ng "maraming pagpapakasal"(plural marriage). Ang paniniwalang ito ay kalaunang inilimbag sa Doctrine and Covenants ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS Church).[3]

Sa Romano Katolisismo

baguhin

Ang poligamiya ay kinokondena sa Simbahang Katoliko. Ang Katekismo ng Simbahang Katoliko ay nagsasaad sa talata 2387 sa ilalim ng "Mga paglabag laban sa dignidad ng kasal" at sinasaad na ang poligamiya ay hindi umaayon sa moralidad na batas. Ayon din sa talata 1645 sa ilalim ng "Ang mga kabutihan at kailangan sa pag-iibigang mag-asawa" na nagsasaad na "Ang poligamiya ay labag sa pag-iibig mag-asawa na hindi mahahati at ekslusibo".

Mga batas ng poligamiya sa buong mundo

baguhin
 
Estado ng poligamiya sa buong mundo
  Ang poligamiya ay kinikilala ayon sa batas sibil ng bansa
  Ang poligamiya ay kinikilala sa ibang rehiyon ayon sa batas sibil ng bansa
  Ang poligamiya na ginawa sa ibang bansa ay kinikilala sa bansa
  Kustomaryong batas ay kumikilala sa mga pagsasamang poligamiya
  Ang isyu ng poligamiya ay tinatalakay ng mga mambabatas ng bansa
  Ang poligamiya ay legal
  Ang poligamiya ay ilegal
  Ang poligamiya ay ilegal at ang mga kasal na poligamiya ay pinagbawalan ayon sa konstitusyon ng bansa

Sanggunian

baguhin