Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Tekstong Masoretiko

(Idinirekta mula sa Masoretic Text)

Ang Tekstong Masoretiko (MT, 𝕸, o ) ang autoratibo at opisyal na Hebreo at Aramaikong teksto ng bibliya na may 24 mga aklat na tinatawag na Tanakh Rabinikong Judaismo. Ang Tanakh ay katumbas ng Lumang Tipan sa bibliya ng Kristiyanismo. Ang Masoretiko ay kinikilala bilang Hudyong Kanoniko ng Mga skrolyo ng Patay na Dagat na pinakamatandang manuskrito ng Tanakh. [1][2] Ang Masoretiko ay kinopya ng mga Hudyo na tinatawag na Masorte sa pagitan ng ika-7 hanggang ika-10 siglo CE. Ang pinakamatandang umiiral na manuskrito ng Masoretiko ay mula ika-9 na CE. [3]

Kaibahan sa Septuagint

baguhin

Ang Septuagint ang Griyegong salin ng Tanakh(Hebreo) sa lenggwaheng Griyego na isinalin mula ika-3 hanggang ika-1 siglo BCE. Ang Septuagint ang pinagsipian ng mga may akda ng Bagong Tipan ng sinasabing mga hula ni Hesus. Ito rin ang pinagsipian ng mga ama ng simbahan. Ang Septuagint ay itinatakwil ng mga Hudyo na salin ng Tanakh dahil sa korupsiyon nito. Maraming pagkakaiba ang dalawang saling ito dahil ang Septuagint ay isinalin mula sa Hebreong teksto na iba sa pinagkopyahan ng Masoretiko.

Mga halimbawa ng pagkakaiba ng Griyegong Septuagint mula sa Hebreong Tekstong Masoretiko ng mga Hudyo

baguhin
Septuagint Masoretiko
Awit 8:5, "Ginawa mo siyang mas mababa kesa sa mga anghel" (Ginamit sa Hebreo 2:7 tungkol kay Hesus) (isinaling "mga anghel" sa KJV at NIV) Awit 8:5, "Ginawa mo siyang mas mababa kesa sa mga Diyos(Elohim)" (isinaling "Diyos" sa RSV at NASB)
Awit 40:6, " Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo" (Ginamit sa Hebreo 10:5) Awit 40:6, "Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't ang aking tainga ay iyong tinagos"
Awit 16:10, "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Hades; ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makita ang libingan." (Ginamit sa Gawa 2:27, isinaling Impiyerno sa KJV) Awit 16:10, "Sapagka't hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol(libingan); ni hindi mo man titiisin ang iyong banal ay makakita ang libingan."
Awit 22:16 "Sapagka't niligid ako ng mga aso:Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Binutasan(oruxsan) nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa." (Ang Awit 22:18 ay pinakahulugan sa Juan 19:24 na katuparan kay Hesus) Awit 22:16, "Sapagka't niligid ako ng mga aso: Kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; Tulad ng isang leon(ka’ari) ang aking mga kamay at ang aking mga paa."
Genesis 47:31, Kanyang sinabi, “Sumumpa ka sa akin;” at sumumpa siya sa kanya. At yumuko si Israel sa kanyang tungkod. (Ginamit sa Hebreo 11:21) Genesis 47:31, Kanyang sinabi, “Sumumpa ka sa akin;” at sumumpa siya sa kanya. At yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.
Genesis 5:3, " Nabuhay si Adan ng dalawang daan at tatlumpung taon(230), at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set. Genesis 5:3, " Nabuhay si Adan ng isandaan at tatlumpung taon(130), at nagkaanak ng isang lalaki na kanyang wangis, ayon sa kanyang larawan, at tinawag ang kanyang pangalan na Set."
Genesis 5:6, "At nabuhay si Set ng dalawang daan at limang taon(205) at naging anak niya si Enos." Genesis 5:6, "At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon(105) at naging anak niya si Enos."
Genesis 5:28, " At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't walong taon(188), at nagkaanak ng isang lalake:." Genesis 5:28, " At nabuhay si Lamec ng isang daan at walong pu't dalawang taon(182), at nagkaanak ng isang lalake:"
Genesis 5:31, "At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at limampu't tatlong taon(753): at namatay.." Genesis 5:28, "At ang lahat na naging araw ni Lamec ay pitong daan at pitong pu't pitong taon(777): at namatay."
Exodo 13:18, " Kundi pinatnubayan ng Diyos ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat Pula : at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Ehipto.." Exodo 13:18, " Kundi pinatnubayan ng Diyos ang bayan sa palibot, sa daang patungo sa ilang sa tabi ng Dagat ng Caña(Yam Suph o Reed Sea): at ang mga anak ni Israel ay sumampang nangakasakbat mula sa lupain ng Ehipto.."
Isaias 7:14 "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang birhen (Parthenos) ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel." (Ginamit ang salitang Parthenos sa Mateo 1:23) Isaias 7:14, "Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga (Almah) ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.."
Zecarias 9:9: " Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Zion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno at sa isang batang asno." Ayon sa Juan 12:15, ("Huwag kang matakot, anak na babae ng Zion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.") Ayon naman sa Mateo 21:4-5(Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Sabihin ninyo sa anak na babae ng Zion:Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, na maamo, at nakasakay sa isang asno, at sa isang batang asno na anak ng babaeng asno.) Ayon naman sa Marcos 11:2-7, ang sinakyan ni Hesus ay isang batang asno. Zecarias 9:9 " Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Zion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae."
Isaias 40:3 "Ang tinig ng isang sumisigaw, Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Diyos." Ayon sa Juan 1:22-23(Sinabi nga nila sa kaniya(Juan Bautista), Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili? Sinabi niya, Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.) Isaias 40:3, "Ang isang tinig ay sumisigaw, 'Sa ilang, ihanda niyo ang daan ng Panginoonm sa isang lansangan para sa ating Panginoon'"
Isaias 29:13 "At sinabi ng Panginoon, Ang bayang ito ay lumapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinapapurihan ako ng kanilang mga labi datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin, na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao."(Ginamit sa Marcos 7:6-7 at Mateo 15:7-9) Isaias 29:13, "At sinabi ng Panginoon, Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay utos ng mga tao na itinuro sa kanila:"

Aklat ni Jeremias

baguhin

Ang Aklat ni Jeremias sa Septuagint ay mas maikli kaysa sa Tekstong Masoretiko at may pagkakaiba sa pagkakasunod ng mga talata. Ang talata sa Septuagint na hindi matatagpuan sa Masoretiko ang: 8:10-12; 10:6-8,10; 11:7-8; 17:1-4; 29:16-20; 30:10-11; 33:14-26; 39:4-13; 48:45-46; 51:44d-49a; 52:2-3,27c-30.[4]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Tov, E. 2001. Textual Criticism of the Hebrew Bible (2nd ed.) Assen/Maastricht: Van Gocum; Philadelphia: Fortress Press. Flint, Peter W. 2002. The Bible and the Dead Sea Scrolls as presented in Bible and computer: the Stellenbosch AIBI-6 Conference: proceedings of the Association internationale Bible et informatique, "From alpha to byte", University of Stellenbosch, 17–21 July, 2000 Association internationale Bible et informatique. Conference, Johann Cook (ed.) Leiden/Boston BRILL, 2002]
  2. Laurence Shiffman, Reclaiming the Dead Sea Scrolls, p. 172
  3. A 7th century fragment containing the Song of the Sea (Exodus 13:19-16:1) is one of the few surviving texts from the "silent era" of Hebrew biblical texts between the Dead Sea Scrolls and the Aleppo Codex. See "Rare scroll fragment to be unveiled," Jerusalem Post, May 21, 2007.
  4. https://www.ccel.org/bible/brenton/Jeremiah/appendix.html