Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Alagad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tagasunod)

Ang alagad[1] ay mga tagasunod ng isang pinuno, paniniwala, pananampalataya, o maging ng agham at sining. Katumbas ito ng apostol o disipulo, katulad ng sinuman sa mga alagad ni Hesus.[1] Nilalarawan bilang mga natatanging pinuno ang mga taong pinili ni Hesus para maging mga alagad niya, na nagkaroon ng tungkuling ipahayag ang balita hinggil kay Kristo. Sa una, pumili lamang ng labindalawang mga alagad si Hesus, ngunit  – nang lumaon  – naging mga tagasunod din ni Hesukristo sina Pablo ang Alagad at ilan pang iba.[2]

Paghahambing na pangkapangalanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Batay sa Bagong Tipan ng Bibliya, tumutukoy ang salitang disipulo sa isang nag-aaral o mag-aaral na tumatanggap ng mga pagtuturo o pangangaral ng isang tao. Samakatuwid, ng isang disipulo ni Kristo ay isang tagasunod ni Hesus na naglalayong matutunan ang mga gawa, gawain, at gawi ni Hesukristo. Sumasailalim ang alagad ni Kristo sa ganitong pag-aaral upang matutunan, gumanap, o kumilos ayon sa mga salita at gawain ni Hesus. Sa pinakamahigpit at pinakamalinis na kahulugan o diwa, kinakailangang kapiling ng alagad ang kaniyang panginoon o pinuno para matawag na disipulo. Sa labas ng mga pahina ng mga Ebanghelyo ng Bibliya, kakaunti at mabibilang lamang ang mga taludturang bumabanggit sa salitang disipulo. Nang umakyat na sa langit si Kristo, pagkaraan ng kaniyang muling pagkabuhay, tinawag na mga apostol ang mga disipulo ni Hesus.[3] Nagmula ang salitang apostol (apostle sa Ingles) sa isang salitang Griyegong nangangahulugang "mga pinaalis," katumbas ng mga "sinugo", "kinatawan",[4] o hinirang para maglakbay dahil sa isang layunin. Kaugnay pa rin nito, para sa mga Hudyo, pinili ang mga alagad upang maging balangkas ng Simbahan o Iglesya ni Hesus, at pinili ang mga apostol mula sa mga alagad o tagasunod na ni Hesus, mula sa mga apostol ay pinili si Simon Pedro.[4] Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang apostol para sa mga misyonerong relihiyoso.[5] Samantala, makaraang tawaging mga apostol ang orihinal na mga alagad ni Hesus - kasama si San Pablo - tinawag namang mga mananampalataya o mga nananalig lamang ang mga bagong nagbagong-kalooban. Naging gamitin ang mga katawagang kaugnay ng sumasampalataya o katulad sa Aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol at sa mga Aklat ng Mga Sulat ng mga Apostol sa Bagong Tipan ng Bibliya. Naging kaugnay din ng mga katawagang nabanggit sa itaas ang kataguriang Kristiyano, isang katawagang nagsimula sa Antioke (kilala rin bilang Antioque o Antioch). Sa diwa ng Kristiyanismo, kapag ginamit ang salitang Kristiyano - at katulad ng mga katagang disipulo, mananampalataya, sumasampalataya, nanalig, o naniniwala - nagpapahiwatig ang lahat ng mga ito ng pagtitiwala at pagsunod kay Kristo Hesus. Ginamit ni Simon Pedro at Haring Agrippa ang katawagang Kristiyano.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Apostle, follower, disciple, alagad, apostol, apostóles". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. The Committee on Bible Translation (1984). "Apostles, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "What's the difference between a disciple and a Christian, pahina 156". Fackler, Mark (patnugot). 500 Questions & Answers from the Bible / 500 mga Katanungan at mga Kasagutan mula sa Bibliya. The Livingston Corporation/Barbour Publishing, Inc., Uhrichsville, Ohio, ISBN 9781597894739. 2006.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 Abriol, Jose C. (2000). "Apostol". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa bilang 10, 2; pati na ang paliwanag sa talababa 20 na nasa pahina 13.
  5. "The Apostles, pahina 332-333". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)