Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Prelado

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang isang prelado ay isang kasapi ng kaparian na may mataas na ranggo at isang ordinaryo o nakaranggo na mas mataas kaysa sa mga ordinaryo. Ang salita ay mula sa Latin na praelatus, ang nakalipas na pandiwari ng præferre, na nangangahulugang "dalhin sa harap", "mailagay sa itaas o ibabaw" o "iharap"; kaya, ang isang prelado ay inilalagay na mas mataas kaysa iba.

Ang pinakakaraniwawng prelado ay isang obispo, na ang prelatura ay ang kanyang partikular na simbahan. Lahat ng ibang prelado, kabilang ang karaniwang na mga prelado tulad ng mga priyor at mga pangunahing superiyor ay batay sa orihinal na modelo ng prelasiyang ito.