Pahina
Ang pahina o dahon ay tumutukoy sa isang papel, parchment, o iba pang bagay na nagsisilbing bahagi ng aklat, magasin, pahayagan, at iba pang koleksyong sulatin na naglalaman ng mga teksto o illustrasyon, maaaring isinulat o inimprenta lang, para makagawa ng isang dokumento. Maaari itong magamit bilang isang sukatan ng pakikipag-ugnayan sa pangkalahatang dami ng impormasyon (Halimbawa: "Ang paksang ito ay sumasaklaw sa labindalawang pahina") o mas tiyak na dami (Halimbawa: "mayroong 535 na salita sa isang karaniwang pahina ng labindalawang puntong uri"). [1]
Etimolohiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagmula ang salitang "pahina" mula sa katawagang Latin na pagina, na nangangahulugang "isang naisulat na pahina, dahon, pilas,"[2] na siya namang nagmula sa isang naunang kahulugan na may depinisyon na "lumikha ng isang hanay ng mga baging na bubuo ng isang parisukat."[3] Hinango ang salitang Latin na pagina mula sa pandiwang pangere, na nangangahulugang markahan ang mga hangganan kapag nagtatanim sa ubasan.[3]
Rekto at Berso
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga pahina sa isang aklat ay maaaring tawaging rekto, kung ito'y nasa kanang bahagi at berso kung ito'y nasa kaliwang bahagi.[4]
Mga iba't-ibang Pormat ng Pahina sa isang Aklat[4]
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Title Page (Pamagat) - Sa pahinang ito nakalagay ang titulo, subtitle, at ang awtor ng aklat.
- Copyright Page (Pahinang Pangkarapatang-ari) - Dito nakalagay ang karapatang-ari ng awtor, publikasyon, at ang panahon ng pagkakalathala
- Dedication (Dedikasyon) - Ito ay karaniwang nakalagay sa bahaging rekto ng aklat.
- Foreword o Preface - Karaniwang pahina sa mga di-piksyong mga aklat. Karaniwang nakalagay rin sa bahaging rekto kung posible.
- Acknowledgments - Nakalagay dito ang pasasalamat ng mga may-akda sa mga taong may naiambag sa pagkakagawa ng aklat.
- Contents (Talaan ng Nilalaman) - Nakalagay sa pahinang ito ang mga nilalaman ng aklat.
- Pangunahing teksto - Mga pahinang nakapaloob sa katawan ng aklat. Sa isang piksong aklat tulad ng nobela, nahahati ito sa mga nobela.
- Panghuling Teksto - Mga pahinang nasa dulo ng aklat, nakapaloob dito ang mga appendix, index, pati na rin ang glossaryo at mga sangguniang ginamit (bibliograpiya).
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "How Many Words in One Page? Answers to your questions". 7 Enero 2020.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://en.wiktionary.org/wiki/pagina#Etymology_3
- ↑ 3.0 3.1 Emmanuel Souchier, "Histoires de pages et pages d'histoire", dans L'Aventure des écritures, Paris, Bibliothèque nationale de France, 1999. ISBN 978-2-717-72072-3 (sa Pranses)
- ↑ 4.0 4.1 Stack, Marja (2019-04-15). "What is the order of pages in a book?". Medium (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2022-12-27.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)