Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Supositoryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga supositoryo at moldeng hulmahan ng mga ito.

Ang supositoryo ay uri ng gamot na nasa anyong pildoras o tabletas na ipinapasok sa butas ng puwit ng lalaki o babae[1], patungo sa tumbong, na tinatawag na supositoryong rektal o supositoryong pantumbong. Subalit mayroon ding ipinapasok sa puke ng babae at kilala bilang supositoryong bahinal, supositoryong pampuki, o supositoryong uretral. Natutunaw ang gamot sa nasabing mga lugar: sa loob ng tumbong, puke, o uretra. Ginagamit ang supositoryo upang magdala ng gumagana o mabisang pangsistema at pangpook o lokal na mga medikamente. Iba pang katawagan para sa pagdadala ng gamot sa ganitong paraan ang pesaryo, parmasyotikong pesaryo, o pesaryong parmasyotikal (bagaman tumuturing din ang pesaryo sa kontraseptibong inilalagay sa loob ng ari ng babae[1]). Ginagamit na pangkalahatang prinsipyo rito ang pagpasok sa supositoryo bilang buo o solido, na matutunaw sa loob ng katawan upang dalhin ang gamot.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Suppository, pessary - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.