Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Sistemang semi-presidensyal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sistemang semi-pampanguluhan)

Ang pamahalaang pamamaraang semi-presidensyal, pamamaraang kalahati-pampanguluhan o sistemang kalahi-pampanguluhan ay isang pamahalaan kung saan ang isang pangulo kasama umiiral ang punong ministro at gabinete na kung saan nananagot sa lehislatura ng isang estado.Naiiba ito sa republika pamamaraang parlamentaryo o parliamentary republic system kung saan ang pinuno ng estado ay higit pa sa talinghaga seremonyal, at naiiba rin sa pamamaraang pampanguluhan o sistemang presidensyal,na kung saan ang kasapi ng gabinete bagaman pinangalanan ng pangulo,ay nananagot sa lehislatura,kung saan mapilitan ang kasapi ng gabinete upang magbitiw sa mosyon ng kawalang tiwala.

Mga Pangalawang-uri

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mayroong dalawang uri ng semi-presidentialism: premier-presidentialism at presidential-parliamentarism.

Sa ilalim ng sistemang premier-presidential ang punong ministro at gabinete ay nananagot lamang sa parlamento.Ang pangulo pumipili ng mga gabinete at punong ministro,ngunit ang parlamento lamang ang mag-papaalis sa kanilang katungkulin na may halalan ng kawalang tiwala. Ang pangulo ay walang karapatan ipapaalis ang punong ministro at gabinete. Itong pangalawang uri ginagamit sa mga bansang Burkina Faso, Pransya, Georgia (mula 2013), Lithuania, Madagascar, Mali, Mongolia, Niger, Poland, Portugal, Romania, Senegal, Sri Lanka at Ukraine (mula 2014; noong, sa pagitan ng 2006 at 2010)

Sa ilalim ng sistemang president-parliamentary ang punong ministro at gabinete ay dalawang nananagot sa pangulo at mayorya ng kapulongan. Ang pangulo ang pumipili ng mga gabinete at punong ministro at ang gabinete ay dapat meron maraming suporta sa mayorya ng parlamento sa kanyang pagpipili. Upang mapaalis ang isang punong ministro at lahat gabinete sa kapangyarihan, ang pangulo ay maaring mapaalis sila o ang kapulongan maaring mapaalis sila sa pamamagitan ng halalan ng kawalang tiwala. Itong paraan na semi-presidentialism ay mas malapit sa dalisay na presidensyalismo. Ito ay ginagamit ng mga bansangArmenia, Georgia sa pagitan ng 2004 at 2013, Mozambique, Namibia, Russia, Taiwan at Ukraine sa pagitan ng 1996 at 2005, at uling ginamit mula 2010 to 2014. 

Paghahati ng mga kapangyarihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang paghahati ng mga kapangyarihan sa pamamagitan ng pangulo at punong ministro ay mag iba-iba sa pagitan ng bansa.

Sa Pransya, halimbawa, kung sakaling may kohabitasyon kapag ang pangulo at punong minstro ay mula sa mga salungat na partido,ang pangulo nangangasiwa sa patakarang panlabas at patakaran pagtatanggol (mga ito ay karaniwang tinatawag na les prérogatives présidentielles (ang mga kaukulang karapatan ng pangulo)) at ang punong minsitro nangangasiwa sa patakarang pangtahanan at patakarang pangkabuhayan. Sa kasong ito,ang paghahati ng mga tungkulin sa pamagitan ng punong ministro at ang pangulo ay malinaw hindi sinasaad ng saligang batas,ngunit ito ay nagmula sa kumbensyon pangpulitika.Sa kabilang dako kapag ang pangulo ay mula sa magkagayang partido ng punong ministro na namumuno sa conseil de gouvernement (gabinete),siya ay madalas (kung hindi karaniwan) nagpapatupad ng kontrol na de facto sa lahat ng larangan ng patakaran sa pamagitan ng punong ministro. Ito ay nasa pangulo upang magpasya,kung magkano "pagsasarili" o "otonomiya" ang iiwan niya sa kanyang punong ministro na kumilos sa kanyang sarili.

Sa Finland, sa pamamagitan ng kaibahan, ang pagtatalaga ng responsibilidad para sa mga patakarang panlabas ay tahasang nakasaad sa pre-2000 saligang-batas: "ang mga banyagang patakaran ay na hantong sa pamamagitan ng pangulo na may pakikipagtulungan sa gabinete".

Pamamaraang semi-presidnetial ay maaaring paminsan-minsan na karanasan sa panahon na kung saan ang Pangulo at ang Punong Ministro ay mula sa magkakaibang mga partidong pampulitika. Ito ay tinatawag na "kohabitasyon" isang termino na kung saan nagmula sa Pransiya lumutaw noong mga 1980. Paninirahang magkasama o kohabitasyon ay maaaring lumikha ng isang epektibong sistema ng paghihiwalay ng mga  kapangyarihan o tseke at balanse o sa isang panahon na mapait at panahunan harang sa dingding, depende sa saloobin ng dalawang pamumuno, ang ideolohiya ng kanilang mga partido, o ang mga pangangailangan ng kanilang mga konstityuwensya o distrito.

Sa karamihan ng mga kaso,ang sanhi ng kohabitasyon kung saan ang dalawang mga tagapagpaganap ay hindi inihalal sa magkagayang panahon o termino. Halimbawa, sa 1981, inihalal ng Pransiya parehong isang Sosyalista pangulo at mga mambabatas, na kung saan nagbunga ang isang Sosyalista punong ministro. Ngunit habang ang pangulo ay may pitong taong kataga ng panunungkulan, ang Kapulungang Pambansa ng Pransiya ay nagsilbi lamang para sa limang taong kataga.Noon pambatasang halalan ng 1986, ang sambayanang pranses inihalal ang gitna-kanang mambabatas,si Pangulo Mitterrand mula sa partidong Sosyalista ay sapilitang mag-kohabitasyon sa raytista Punong Ministro Jacques Chirac.

Gayunpaman, sa taong 2000, pagsususog sa saligang batas ng Pransiya binawasan ang haba ng Pangulo ng Pransiya mula sa pitong taon at naging limang taon. Ito ay makabuluhang mababa ang pagkakataon ng kohabitasyon,kung saan ang pampanguluhan halalan at parlyamentaryo halalan isinasigawa sa maikling panahon.