Nothing Special   »   [go: up one dir, main page]

Pumunta sa nilalaman

Crocus sativus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Safron)

Saffron crocus
Isang bulaklak ng kasubha na may pulang istigma.
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Monocots
Orden: Asparagales
Pamilya: Iridaceae
Sari: Crocus
Espesye:
C. sativus
Pangalang binomial
Crocus sativus

Ang kasubha (mula sa Sanskrito: कुसुम्भ [kusumbha]), biri o asapran[1] (Ingles: saffron) ay isang pampalasa o panimplang panglutuin na nakukuha mula sa bulaklak ng safflower (o carthamus tinctorius), isang uri ng carthamus na nasa pamilyang Asteraceae. May tatlong karpel o istigma, kasama ng mga tangkay na kadikit ng pinakakatawan ng halaman, na nagagamit sa pagtitinggal, pagluluto, at pagkukulay ng pagkain. Katutubo ito sa Timog-kanlurang Asya at ilang dekada nang pinakamahal ang halaga ayon sa timbang sa mundo.[2][3][4] Una itong itinamin, pinadami, at pinangalagaan sa may Gresya. Isa ito sa mga pinakamahahalagang sangkap sa lutuing Irani. May kapaitan ang lasa nito.[5]

  1. Talahuluganang Ingles-Pilipino ni Consuelo T. Panganiban, saffron (Bot.): asapran
  2. Rau 1969, p. 53
  3. Hill 2004, p. 272.
  4. Grigg 1974, p. 287.
  5. McGee 2004, p. 422.

Bibliyograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]