Dula
Itsura
(Idinirekta mula sa Mandudula)
Ang dula ay isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista, o dramaturgo.[1]
Mga sangkap sa dula
Ang dula ay mayroon ding mga sangkap. Ito ay ang simula, ang gitna, at ang wakas.
- Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
- Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
- Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
Tingnan din
Mga sanggunian
- ↑ playwright, mandudula, dramaturgo, lingvozone.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.